<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051227

Aynako kala ko may masasabe nako.

Yun.

Etu na lang-

-nanood ako ng parada ng MMFF
-bumile ako ng stuff toy para panregalo
-bumile uli ako ng stuff toy na may identity crisis
-nabusog agad ako nung pasko
-nakabili ako ng tshirt na edward scissorhands ang tatak,kulay black
-bumile ang kapatid ko ng sandamukal na pink tshirt
-na-take over ng mga ayt ang bambang
-may violet tshirt na naman ako
-ang lamig sa lipa batangas
-ang ganda ng bagong fone ng pinsan ko
-buntis ang gf ng isa kong pinsan
-ako ang nagbantay sa tindahan ng tita ko sa batangas
-ang ingay dito
-ang traffic kahapon sa SLEX
-me fone na si Roma my dearest
-Nakaunlimited sha, o di ba.
-Konti lang nagtext bak saken nung bumati ako ng merry xmas
-walang orasan ang pc dito
-asteg kanina, salap salap appee ever
-asteg ang concert ni g.harrison sa bangladesh
-bob d, e clapton, g. harrison, r.starr sa isang stage? aww
-asteg talaga ang bawat tambay sa roundeye [o diba nagpromote]
-appee ako
-appee ako
-di ko na nga uulitin basta appee ako
-appee aniv!
-Mabuhay ang blank!
-Patay na si Sen Barbers, nalaman ko ito habang kumakain ng fried chicken
-mahina ang kita ko nung pasko
-naghahanap ako ng murang fone, habang me pera PA AKO
-gusto daw panooden ni roma ang Dnt give up on us baby juday papapiolo flick
-anu pa ba gusto ko sabihen?
-sana patawadin na ni lady han si jang geum
-
Gusto kong bumati ng mas makabuluhan magkwento ng marame pero..

saka na..

Basta masaya ang naging pasko.Di ko inexpect na magiging ganito. aww

O sha..

Roma, pakiss?

20051219

Nanood ako ng horror film,
di ako natakot.
Natakot ako.
Wala na ba akong kinatatakutan?

Hindi pa tapos ang palabas
nang lumabas ang sagot.

Hindi ako takot kay Frakenstein.
Kay Dracula o kay Sadako.
O, dun sa malaking taong nakabarong
na akyat baba sa hagdanan.

Hindi tumataas ang aking balahibo
tuwing makaaamoy ako ng nakasinding kandila.
O, ng mabangong bulaklak
pag malamig ang hangin.

Hindi ako nasisindak
ng pagbukas ng TV na wala namang nagbubukas,
pagsindi ng ilaw na wala namang nagsisindi,
pag-flush ng inidoro na wala namang nagpa-flush,
pag may kumatok na wala namang kumakatok.

Hindi ako takot sa dimonyo
at lalong di ako kikilabutan
multo ng tatay at kapatid ko.

Kaya iisipin na lang kita.
Eksenang wala ka.
Saka ako guguhit sa pader
ng mga nakakatakot na aking makikita-
pupunuin ko ito hanggang labas.


"sa loob loob ko lang..kailangan kita.."
-orange and lemmons

20051218

It is no more crazy than a dog finding a rainbow. Dogs are colourblind, Gretchen. They don't see colour. Just like we don't see time. We can feel it, we can feel it passing, but we can't see it. It's just like a blur. It's like we're riding in a supersonic train and the world is just blowing by, but imagine if we could stop that train, eh, Gretchen? Imagine if we could stop that train, get out, look around, and see time for what it really is? A universe, a world, a thing as unimaginable as colour to a dog, and as real, as tangible as that chair you're sitting in. Now if we could see it like that, really look at it, then maybe we could see the flaws as well as the form. And that's it; it's that simple. That's all I discovered. I'm just a... a guy who saw a crack in a chair that no one else could see. I'm that dog who saw a rainbow, only none of the other dogs believed me.

-stuart, kate and leopold (2001)

20051216

lightning crashes

Ewan, puro backspace lang ang kayang gawen sa nalalabing labing isang minuto ng aking stint sa pc shop na ito.

Enter.

Enter.

Para naman ma-update tung blog na ito.


__________________________________

Gusto ko lang i-register ang aking labis na galit sa globe, dahel sa mga walang kwentang fitness tips na china-charge ako ng 2.50 kada text.

Nagtitipid nga ng load tas kukunin lang ng ganun ganun.

Anu yun?

__________________________________

Maganda daw ang mangyayari mamaya sa Jewel in The Palace.

Baket?

Masama?

20051215

A Beginning Of Something Wonderful
-orange and lemons

Your gentle means
And all seems to commence
A brand new pace in me
Hope it’s not a blunder
Especially when I uncover
Dig deeper
And I wonder

When I get near you
I feel something deep within me
You know you bring me to new heights
I’m like a big balloon filled with hot air
Ready to explode
Each and every time I kissed you

The more I’m with you
The more it feels like
This could be the beginning of something wonderful
Yeah, yeah…

Your lips are movin’
Your voice is so oh, so soothin’
You wear a face that lives in my dreams
Where did you come from
And I wonder

When I get near you
I feel something deep within me
You know you bring me to new heights
I’m like a big balloon filled with hot air
Ready to explode
Each and every time I kissed you

The more I’m with you
The more it feels like
This could be the beginning of something wonderful
Yeah, yeah…

This could be the beginning of something really wonderful…

20051213



Wala na akong ginagawa dito. Ewan kung bakit ayaw ko pang umalis. Siguro nagbabakasakali lang ako na totoo at di ako namamalikmata sa status ng iyong ym.

20051212

message number 1650

Im really disappointed. Errr. Una sa lahat wala ako dapat dito asa Ortigas dat ako o kaya sa Makati nag-aaply. Pewo yun nga andito ako. Handa na ang lahat. Nagpapritn nako ng sobrang madaming resume. Handa na ang polo-shirt. At me pamasahe na ako. dala ko na din ang mayabang kong 28 word per minute na mga daliri. Pero, yun nga, inubo ako nang inubo kaninang madaling araw hanggang sa mga sandaling ito. Ubo Ubo. Me phobia pa naman ako ngayun sa pag-ubo kase baka..lagi kong nilalasahan kung lasang.. niwey. Nakatulog ako sandali, pero nagising din nang tapikin ako ni mader kase ubo daw ako ng ubo at uminom daw ako ng gamot na ako din pala ang bibili sa Mercury. Fastforward, yun bumili ako sa Mercury ng halos pikit pa ang mata. Pagdating ko wala na sila. Home Alone na naman ako. Uminom ako ng gamot. Kumain ng tinapay, sinubukang matulog ulit. Di ako nagtagumpay. Bumangon ako at nagbasa ng libro.

Naiines na ako, wala akong masabing matino. Gaya kahapon nasa Pasig kami [di ko na kukwento yung papunta ako dun] ako ang naatasang magpakilala sa KM64. Napakadali lang sana kase, ilang beses ko nang naipakilala ang grupo. Pero ewan kung nasaan ang utak ko at toink. Ilang minuto akong salita ng salita pero wala akong naiintindihan sa sinasabi ko. Ilang bese kong inulit ang salitang "nagtatanghal sa iba't ibang paaralan, kalsada". Nang mahalata kong wala na akong sinasabing matino nagpsalamat na lang ako sa imbitasyon at naupo. Pagkaupong pagkaupo ko, saka ko lang naalala na di ko pala nasabi kung bakit KM64 ang pangalan ng KM64.

Matapos magsalita ang taga-Pasig ako na ang tutula. Saka ko sinabi kung bakit KM64 ang KM64.

Pagkatula ko lumabas muna ako, sagap ng hangin. Sumunod si Maggs, isang cool na mama na ka-batch ni Emman Lacaba. Kinuha ang aking contact number. Lagi niya akong pinapaalalahanan na wag ko na shang po-in. Lagi ko namang nalilimutan.

Natapos ang event. Muli, akong nilapitan ni Maggs, isulat ko daw ang url ng KM64 at email address. Toink, pramis nung sinusulat ko na yung www di ko na alam kung anu kasunod tinanong ko pa si Alex. Groups, sabe niya. Ok, www.groups.kilometer64.com. Uh. Mali. Groups.yahoo dapat.Bura. Ok, www.groups.yahoo/kilometer64.com. Oops, bura. Nakita ako ni Alex, sabe niya ulitin ko na daw kase di na maintindihan, puro bura. So inulit ko. www.groups.yahoo.com/group/kilometer64 . Pero ngayun nagyun lang, iniisip ko na parang naglagyan ko ng .com yung kilometer64. Argh. Pinasulat niya ulit ang aking contact number. Tulad ng url ng km64, nalimutan ko, kung anu ang sunod sa 091542347--, antagal ko nag-isip bago ko naalala na 59. Teka yun nga ba?

Yun. Ewan. Naiines ako.

Ilang tula po muna..


TXTNONSTOP

Painitin ang mantika sa kawali.
Igisa ang iba't ibang
parte ng itong cellphone.

Isama ang charger kung maibigan.

Dagdagan ng kaunting tubig
kung kinakailangan.

Kung tapos na,
hanguin at kunin ang sim card.
Tignan kung pwede pa.
Tignan din kung
meron nang mensaheng tinanggap.


___________________________
Toxic ang mundong ito, honey
or should I say, ang sequence na ito, baby



Toxic ang mundong ito, honey.
Isa siyang buhok na di sinuklay.
Isang batang iyak ng iyak
na ayaw namang dumede.
sigaw ng sigaw- sigawan ko nga.
Pathetic.
Ganito lang siguro pag walang radyo.
Matigas ang unan, walang hangin ang electric fan.
Parang ihing-ihi ka na pero walang masakyan.
Wala kang masisi kaya magmumura ka na lang
ng pabulong.
Loser.
Nauubusan na ako ng magandang pangit
na mga salita na magsasalarawan
kung gaano ka-toxic ang pathetic na mundong ito.

Uulitin ko na lang.
Toxic ang mundong ito, honey.
Lalo na at wala ka.


Yun, palabas kagabe yung The Grinch. Napansin ko lang, halos lahat pala ng pelikula ni Jim Carrey, malungkot yung character. Kaya lang dismayado ako sa ending eh. Taksil si Grinch.

Yun, puchang ubo tu o.

Hay, Itapon ko kaya tung cellphone na ito. Wala na ngang load, wala pa nagtetext.

isang tula ulit..


1250

Hindi kita ihahambing kaninuman.
Hinding hindi.
Pagkat nag-iisa ka lang.
Walang katulad.

20051211

Was the dead body naked or dressed for a journey?

rustum,

Alas tres na. Orasan mo ang sarili mo dahel alas kwatro asa pasig ka na dapat. For sure maglalakad lakad ka kase di mo alam yung lugar. Di ka pa naman nagtatanong. Inaasar ka siguro no? Kaya ka nga nagnet kase magtetext ka sha Chikka. Pero ayaw magload ng Chikka. Anong gagawen mo? Gagi umalis ka na jan. Traffic kaya? Eh kung umulan? Open air pa naman yun. Bahala na.

rustum

________________________________

Pramis gusto ko talaga yung idea na mag-isa lang ako sa pasko. Parang Home Alone. Asteg. Kagabe, solo flight na naman ako. Si Geh nasa ibang planeta. Dala niya yung fone. Si mader, asa Batangas. Alone ang drama ng inyong lingkod. Nakasulat ng tatlong tula para sa isang babaeng itago na lang naten sa pangalang pussycat. Tas la akong ginagawa, nanood ng Saranggola [ni Ricky Davao, at Lester Llansang] sa Channel11.

Gusto ko magpasko sa South Superhighway.

Big night sa bahay ni kuya. Duh? Who cares?

Pinanood ang comeback fight ni Gerry Penalosa. Mehn, ambagal na niya.

Hanggang kagabe iniisp ko pa ren kung anu nga ba ang gusto kong regalo sa pasko. Kinurot ko nga sarili ko, di sabi ko na dati, wala. Pero, niisip ko, uhm-one night with Paris Hilton?

Wala na. Windang na talaga ako. Umaasa na bumukas yung Chikka.

Pucha missing in action yung letter N.

Meron naman ah?

Naalala ko yung tanong dati ng isang bata sa isang commercial.

Sinong kausap mo?

20051209



FISHY

Kung magiging salamin ang dingding.
Magigi akong isang walang kwentang panoorin.
Isang animo'y isda na paikot-ikot.
Magtatalukbong ng kumot.
Dahil nakakabasag ng katinuan ang lungkot.

Mauupo, mahihiga, iinom, sisilip sa bintana.
Hahanapin sa mga dumadaang mukha
ang iyong mukha.

At muling mahihiga, hindi muna iinom
at mamaya na ulit sisilip sa bintana.

wait moko, kakagising ko lang...

Isang malaking countdown ang pagbibilang
ng mga humahakbang sa hagdanan.
Dadalingin na mga paa mo ang humahakbang.
Iisipin na pinag-iisang hakbang
ang dalawang baitang.
Upang sa kagyat,
marating agad ang tapat ng pinto namin.


papunta na ako, dont txt bak...

Nakakamatay ang kaba.
Pinapalakas nito ang lahat ng naririnig
ng abang tainga.

Kaya pala sa mga petshop
mahigpit na ipinagbabawal
na katukin ang salamin.

At alam kong batid mo iyon,
kaya marahang katok ang iyong idadampi.
At gaano man karahan,
makakahanap pa rin ako ng paraan
para iyon ay mapakinggan.

20051208

This is really crazy. Me lagnat na ako't lahat. Batok naman jan?

Anyway, hirap gumalaw. Pasakit. Pero pinilit kong gumalaw. Kase baka di na ako makagalaw. At least nakagalaw, for the last time.

Dat nasa bantayog ng mga bayani ako for the parangal sa mga martir. Di keri hanggang dito lang talaga ako eh. Chaka bente lang pera ko.

Kala ko mamamatay na ako nung naligo ako kanina, opo naligo ako. Parang pinupunit ang balat ko every buhos.

Andame namang dumaan dito, sensha na, suplado ako muna.

Anyway, salamat sa dalaw.

"The shortest distance between two points
is our desire and our unwavering belief."

-Yoko Ono

20051207

BAWAL KASI BAWAL
Ang bawalang ikaw'y mahalin
ay bawalan akong kumain.

Bawalan akong uminom.
Bawalan akong matulog.
Bawalan akong huminga.
Bawalan akong mahanginan.
Bawalan akong maglakad.
Bawalan akong mag-unat ng paa.
Bawalan akong magpahinga.
Bawalan akong uminom ng paracetamol
pag 38.5 ang aking lagnat.
Bawalan akong dumighay.
Bawalan akong maggupit ng kuko.
Bawalan akong pumikit.
Bawalan akong dumilat.
Bawalan akong magtanong.
Bawalan akong matunawan.
Bawalan akong magsalita.
Bawalan akong kumanta.
Bawalan akong mag-isip.
Bawalan akong gumalaw.
Bawalan akong huminga ng malalim
pag irregular ang aking heartbeat.
Bawalan akong mag-alis ng muta.
Bawalan akong magtanong.
Bawalan akong tanungin.
Bawalan akong pumunta sa duktor.
Bawalan akong puntahan ng duktor.
Bawalan akong masikatan ng araw.
Bawalan akong sumikat.
Bawalan akong gumaling sa sakit.
Bawalan akong gumaling sa aking sining.
Bawalan akong magtrabaho.
Bawalan akong maglaro.
Bawalan akong magpinta.
Bawalan akong magsulat.
Bawalan akong magbasa.
Bawalan akong magbasa ng kamay.
Bawalan akong mabasa ng ulan.
Bawalan akong tumingin sa bituwin.
Bawalan akong kausapin ang bituwin.
Bawalan akong mag-wish sa bituwin.
Bawalan akong maging astronaut.
Bawalan akong maging bumbero.
Bawalan akong makarating sa buwan.
Bawalan akong mangarap.
Bawalan akong makinig ng kanta.
Bawalan akong kumanta.
Bawalan akong manood ng tv.
Bawalan akong panoodin ang aking sarili sa tv.
Bawalan akong magbihis.
Bawalan akong mabihisan.
Bawalan akong tumingin sa orasan.
Bawalan akong tanungin ang oras.
Bawalan akong tanungin kung anong oras.

kung bakit may oras
kung bakit may tanong
kung bakit may bakit
kung bakit bawal.

Ang bawalang
ikaw'y mahalin,
sabihin pa'y
walang inilayo sa
bawalan akong mabuhay.

Tahasan.

___________________________
kay Roma at sa sambayanan..
dahil ang sambayanan at ikaw ay iisa.
Was in roundeyeglass again for the secnd time. Showtime as the invite say's, is 7pm. Seven to 10pm. I got there, tiny minutes after eight. I had dinner muna sa bahay coz Im not expecting a free meal. The invite never told so. I dont have money either to place an order. Poor.

As usual it started late. Everybody sits still, boringly. As if, a childrens party was gpoing on and the're kids waiting for spaghetti to be served.


Lugi talaga sa mga tibak ang venue, wala man lang umorder ng kahet isang round ng beer. Di ako ang nagsabi nun ah.


We ordered coffee and ham sandwich. It took a decade to be served.

Nga pala, boring-standing-looking at-foreigners-holding hands-with-young-pinays-littering, minutes ago, two police mobile cars parked in front of roundeye, as if a lewd show is going to be raided inside.

Three policemen enters the scene.

SPO10: SINO PO ANG PWEDENG KAUSAPEN DITO?

MAAM JULIE [ng CAP]: BAKET?

SPO10:YUNG STREAMER NIYO PO KASI ANTI GOVERNMENT.

MAAM JULIE: O?

SPO10: YUN NGA PO, ANTI GOVERNMENT PO YUNG STREAMER NIYO. MARANMI PO KASING FOREIGNER YUNG DUMADAAN.

MAAM JULIE: BAWAL PO BA? KASI PO ANG ALAM NAMIN DI BAWAL.

SPO10: DI NAMAN PO. TINAWAG LANG PO SA AMIN.

MAAM JULIE: DI NAMAN PO ITO RALLY. DITO LANG PO KAMI.

Minutes after, SPO10 and his cohorts disappeared, vanished, eveporated. Beh!

Show starts. Blah blah blah and so on and so forth.

Fastforward.

Congressman Teddy speaks.

Fastforward.

Eto na, Elemento enters. The set-up alone makes me so excited hehe. It is my first time na mapapanood ko sila face to face, up close and very personal. They have this thing that makes one hell of a sound. ASTEG is the only word that will fit to describe it.

We all speechless. Nobody even dared to shout for more.

Yun.

Jeff carnay performed. It made me smile when hie intorduced himself as a member of km64. Loveujeff. For his act, he asked the gurls in the place to stand-up.

sa kaliwang kamay ko si Gloria, sa kanan pagdurusa. Sa ngayon iisa na lang sila.

Para sa mga kababaihan at sa 73 politically killed.


A prayer will be heard at the background.

Then to the shock of the audience, he will slap his face.

Gloria [left hand] pagdurusa [right]

He does this continously, his face reddened, as the prayer goes on.

And it stopped and he offered a bow.

I watched two films before I decided to fly away.

The first one was, darn, I cant spell the title. Niwey mala-jon red's ASTIGMATISM sha.

The second, CHICKS NI GOD. Bout three toy chicks.

Yun twas along day.

Tired.

Pero di pa ako kagad nakatulog.

Blame it on the coffee.

20051205

I told myself that when the time comes that someone out there will need a hand, I will lend mine. I know the feeling of being so alone.

Kahet pakikinig lang ang pede kong maitulong.

____________________________________________

Been practicing typing for days. Im doing quite, uh good. Im typing an elementary 20 words per minute, errors included. Im not really used to typing long pharagraphs, long english pharagraphs, capital letters, and typing with all your fingers thing.

Imagine the dilemma.

____________________________________________

ONE BIG FIGHT!

20051201


It was complete failure.

Yun.

______________

Every first sun of every moon is always a meaningful day for me.

Ill still want to greet her.

Apee 17 moons nii.

______________

I hate keyboards. I hate my fingers. I hate my eyes.

______________

Natatakot ako parang walang magandang mangyayari sa akin sa pasko.

Ganunpaman, as ever, sobrang sincere kong hihilingin na maging maganda ang sa inyo.

______________

Ang panget na naman ng panaginip ko. Shet. Nanood daw ang ako ng shooting ng Sugo [yung sa channel7]. Tas sa isang fight scene dun, nililingkis ng sawa si Richard Guttierez. Tas shempre nilalabanan niya yung sawa, pero ang freaking dito, yung sawang kinakalaban niya kinakagat ng isa pang ahas. Itim na ahas.

Maaring di epektib yung pagkakwento ko pero pramis di niya ako pinatulog.

Inabutan ko pa yung text ni nii around 3am na ata yun?

_____________

Desidido na talaga ako, gagawa ako ng yahoogroups ng mga pinakamalulungkot na tao. Nag-iisip na lang ako ng pangalan.

_____________

Magpapakaburo muna ako sa bahay. Sa typewriter na lang ako magpapapractice.

Kung wala ako para batiin kayo sa pasko, eto pinakapeborit kong xmas song.

Me version din nito ang coldplay. Nasa ost din ito ng Home Alone.


Have Yourself A Merry Little Christmas
Have yourself a merry little Christmas,
Let your heart be light
From now on,
our troubles will be out of sight

Have yourself a merry little Christmas,
Make the Yule-tide gay,
From now on,
our troubles will be miles away.

Here we are as in olden days,
Happy golden days of yore.
Faithful friends who are dear to us
Gather near to us once more.

Through the years
We all will be together,
If the Fates allow
Hang a shining star upon the highest bough.
And have yourself A merry little Christmas now.


__________________