<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20060225

Galing ako sa isang job interview kahapon. Nilalamig kahet may jacket sumalang ako sa intial interview na iniisip ang dalawang pangalan. All smiles akong bumati ng Good afternoon George. The usual say somthing bout yourself. Nabanggit ko ang pagiging creator ko ng poetry group. And he asked me, how do I make my poems. Sabi ko, kung anu yung nakikita ko ginagawan ko ng tula.

Tas out of the blue, sabe niya sige nga gawan mo ako ng tula tungkol saken. Kukuha lang daw sha ng water sa dispenser tas pagbalik niya dat may tula nako.

Pag-alis niya, kasabay niyang lumabas ang lahat ng pwede ko pang sabihen.

---

Praning talaga si Gloria. Yun lang. Wala na sigurong iba pang word na magfifit sa babaeng ito.

20060221

Im expecting wishing hoping praying for a favorable result from Sta Teresita come 4pm.
Sa iyong langit lang ako lilipad.
Ang iyong dagat lang ang lalanguyin.
Hayaan mong sa iyong lupa ako mailibing.
Sasapi lang ako sa iyong hangin.
GUINSAUGON

Niyakap na sana kita ng mahigpit
sa jeep. Pinilit
muna sana kitang maupo
at nakapagkwentuhan pa sana tayo.

Paborito nating pelikula.
Yung kinain natin kanina.
Mga pupuntahan natin at gagawin
pagtapos ng sama ng panahon.

Di sana tayo nagpatakot sa ulan
at di nagmadaling naghiwalay.

Di ko na sana binitiwan
ang malambot mong kamay.

Hinawakang pilit.
Pinakamahigpit.

"wala na, patay na.."
-isang asawa, habang itinatago sa sombrero ang mukha at luha

20060220

Sa normal na sleeping habit ng isang taong nasa normal na pagiisip, ilang tulog na lang birthday ko na. If my memory serves me right, week/s ago I gave a fearless forecast- it will be a great birthday, a happy one. Baka maghanda kami ng pancit. Kinakabahan ako, baka di ito mangyari.

Niwey, Im expecting a wonderful gift this 28th. At isang tao lang ang pedeng magbigay nun.

---

Natalo sa finals series ang Purefoods. Lamang sila all quarters. Last seven minutes, gumuho. Nasa near capacity crowd yung Big Dome. 70% of those were rooting for Purefoods. And everybody were in complete silence as confetti's and balloons came down. Opo, dear friends, I watched the game. I was wid my bugoy brother and his Jowa ever whoishiwush. That was despite, me having this sakit na naman. Baka kase di ko na mapanood pa. Last ditch na ito ng Giants.

Nagpacheck up kami after the game. If ever, baka injection-an na talaga ako twice a week. It will cost 150php per turok, and it will go on for two months. Imagine 300 a week? Excluding pa dun yung ibat ibang sets ng meds na iinumin ko religiously.

---

Matagal nakong inactive sa Pessimists Society of Asia. Although paminsan minsan pina-practice ko pa ren yung doctrine nila.

20060218



Beautiful In My Eyes
Joshua Kadison

You're my peace of mind in this crazy world.
You're everything I've tried to find, your love is a pearl.
You're my Mona Lisa, you're my rainbow skies,
and my only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.

The world will turn and the seasons will change,
and all the leassons we will learn will be beautiful and strange.
We'll have our fill of tears, our share of sighs.
My only prayer is that you realize
you'll always be beautiful in my eyes.

You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
that you will always grow more beautiful in my eyes.

When there are lines upon my face form a lifetime of smiles,
and when the time comes to embrace for one long last while,
we can laugh about how time really flies.
We won't say goodbye 'cause true love never dies.
You'll always be beautiful in my eyes.

You will always be beautiful in my eyes.
And the passing years will show
that you will always grow more beautiful in my eyes.
The passing years will show that you will always grow
ever more beautiful in my eyes.

20060214

 
 Posted by Picasa

20060208

Tila panaginip ang kahat, isang bangungot na gumising sa isang masayang pagkakahimbing.

Ganito ang narinig ko mula umaga ng sabado, hanggang paguwi ko sa bahay kagabi. Lahat may opinyon. Lahat may sinisisi. Lahat naaawa sa mga biktima.

Buhos ang mga tulong. Nagpadala ng one million si ganito. Si ganyan nagpadala ng isang trak ng pagkain. Nauso ang "para sa iyo kapuso.." at "alay sa kapamilya..". Kanya kanya ng "ipagdasal po natin ang mga kaluluwa ng mga namatay at ang mga pamilyang naiwan nila".

Natapos na ang fact finding chuva ng DILG. Kanya kanya ng sisi.

Sa lahat ng ito isang bagay ang napansin ko. Ewan. Di ko pedeng kwestyunin ang sincerity ng pagtulong ng mga tao, ang buhos ng mga biyaya para sa mga biktima. Pero nararapat lang naman yun. That is the least that they can do.

Ang nakakainis lang, too late the hero ang epek ng mga bagay bagay na ito. Shet, baket ngayun lang. Dahel 70+ yung mga namatay at daan daan ang sugatan at napilayan? Suddenly, naging concerned ang lahat sa mga mahihirap nating kababayan. Suddenly ipinagdadasal natin sila. Suddenly, awang awa tayu sa kalagayan nila. Suddenly nananawagan tayu sa gobyerno na tulungan ang kalagayan nila.

Duh?

Sana noon pa, noong buhay pa sila. Sana noon pa tayu naawa sa kanila. Sana noon pa tayu nagbigay ng pagkain sa kanila. Sana noon pa natin sila ipinagdasal. Sana noon pa tayu ngaing concern sa kanila.

Bago ang pangyayaring ito, asan tung mga mabubuting pusong ito? Ito rin yung mga galit pa pag may namamalimos sa kanila, yung magsasabi na wag mong bigyan yang mga yan kasi bibili lang ng rugby yan. Na ipangto-toingits lang yan ng mga nanay nila. Yan din yung mga nagsasabi nakakatakot ang mga yan kase mga squatters yang mga yan. Yan din yung walang say sa rVAT, sa oil price hike, at iba pang nakakaapekto sa mga tulad ng mga "kinaaawaan" nilang mga kababayan.

Maawa kayo sa sarili nyo.

Niwey,

Puro karne ang kinakain ko ng nagdaang dalawang araw. Bago tumulak sa monday night tambay km64 night, kumain muna ako sa bahay. Porkchop. Pagadating dun, pork barbeque. Tas fly para sunduin si roma, tas nag-treat sha ng BK Erod[nakita namin dun ang dambuhalang si Alex Crisano]di ako kumain dun pero lumipat kami sa BK Welcome dun ako kumain ng beef steak. The following day, kain ng adobong chix, tas nung hapon nanlibre ang bogus kong kapatid ng hamburger, tas ang dinner namin ay chix ulet. Nays.

Me sinat daw ako kagabe. Nakakumot pero nasa bentilador. Nahihilo at nanlalambot pero ayaw matulog. Text ng text wala namang nagrereply. Inantay ko yung reporters notebook kase feature nila ang FQS. Maliban sa mga vid clips at ilang interview, wala namang bago sa palabas, well as far as im concerned. Mashadu den shang maikli. Kaya siguro hinuli sha.

Pero nakakabahala talaga yung oil spill sa Semirara island. Basta
N A K A K A B A H A L A.

Bilang panghuli naiinis ako. Basta.