<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20040907

walang hanggang paalam

kolektib

gaya ng madalas mangyari
tuwing nag-iisa,
kung kailan nagpapahinga at dapat
relax,
sumakit ang aking ngipin.
ipapabunot ko na kasi ito dati,
pero ewan kung bakit di natuloy.

masakit sobra.
pero kung tutuusin, ang sakit , ang
kirot ay hanggang sa gilagid lang, dun lang sa
parteng namamaga.

dun lang.

hanggang dun lang, ni hindi ito umabot
sa aking utak. [nang-aasar ang aking isip..]
mas masakit pala siya.

masakit mag-isip ng mga gagawin,
pero ni maliit na daliri mo ay di mo
kayang utusan para gumalaw.
para bang, wala lang-
hanggang dyan ka na lang.

masakit nga, lalo na kung kailangan
ninyong maghiwa-hiwalay ng di niyo naman talaga gusto.
yun bang
gusto mo siyang pigilan pero
ikaw naman ang paalam ng paalam
o ikaw naman ang ayaw magpaiwan.

parang torture. lalo na kung iisipin mong paano
ka magpapa-alam sa mga bagay na nasanay
ka nang nandyan,
sa mga bagay na sama -sama ninyong ginagawa
na para bang isang daily routine-
na pag nalimutan mon gawin ay para kang
di nag toothbrush.

mahirap magpaalam.
mahirap iwan ang mga kasamang kasalo mo
sa lahat ng hirap, kasama mong natulog sa bangketa,
kumain ng bagay na di mo naman dati kinakain,
kasama mong umiyak, kasama mong napalo sa embassy,
kasama mong tumawa ng malakas.
kasama mong nagpaka-jologs, kasama mo
sa pagbaybay sa mga kalsadang di niyo
naman talaga kabisado.

"di ba tayo'y narito upang maging malaya/
at upang palayain ang iba.
ako'y walang hinihiling/ at ika'y tila
ganun din/ sadya'y bigyang laya ang isa't isa..."


at ano nga ba ang feeling ng di nag toothbrush?

siyempre, di ka mapakali, di ka makangiti.
lalo na at malaking pagbabago ang maaaring
maganap sa mga susunod na mga araw,
mga pagbabagong mangyayari
dahil dapat..

"kahit na magkahiwalay/ tayo'y magkasama/
sa magkabilang dulo ng mundo..
sa magkabilang dulo ng mundo."


___________________________________________
salamat sa musika, joey ayala.