<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040610

tuluyan mang dumilim ang langit

lumang tula..
--------

ANG LANGIT

sugatan ang mukha.
namumugto ang mga mata sa pagluha.
lumalamlam na yata ang aking rebolusyon.

tinamaan ako.
tagusan ang tinanggap kong punglo.
sunog sa pulbura ang braso.
humuhulagpos sa pagkakakipit ang buhay ko.

wala na akong nakikita.
manhid na ang pandama
pero pipilitin pa ring marinig ka.

didinggin ang pagtawag mo
sa pangalan ko.
kung sasabihin mong kailangan mo ako.

duguan akong babangon para sa iyo,
manalig kang darating ako,
upang makapiling mo sa huling pagkakataon.
matapos man dito ang ngayon.
may ngiting lilingunin ko ang kahapon.
tuluyan mang dumilim ang langit ng aking rebolusyon.