<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040904

KABILUGAN NG BUWAN

hindi bilog ang buwan kagabing
sinabi mong bilog ang buwan



hindi bilog ang buwan sa ating ulunan.
gusto lang nating isiping bilog siya
dahil wala na tayong masabi sa isa't isa.
di na rin natin matitigan ang isa't isa.
walang maimungkahi, at walang maitanong
kaya ang buwan na lang ang ating napagdiskitahan.
ang ganda ng buwan. bilog ang buwan.
pero alam natin sa ating kaloob-looban
di talag sya bilog.iyon ang gusto nating sabihin dahil di
nating kayang ibulgar ang nilalaman
ng ating mga kasalukuyan. ang
takot dahil hanggang ngayon di pa nakikita
ang isang dinukot na kaibigan,
ang takot dahil pag-uwi ay pihadong
mapapagalitan, ang takot dahil baka bukas di na
naman huminto ang ulan.
ang ganda ng buwan. bilog.
pero di naman talaga sya bilog.
gustolang nating matulog gagap ang payapang
imahe ng bilog na buwan,
upang muli't muling dayain ang ating mga sarili
na ang buwan,
ang kanyang kabilugan,
ay may kaganapan.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home