<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040907

kay ella..

ella

wala na si sinderella.
patay na si sinderella.
namatay syang nakadilat ang mga mata,
nakatiklop ang kamaong
naghuhumiyaw ng
paglaban.

ang mga pasa-pasang
detalyeng
tinanggap ko tungkol
sa huling beses na nakita syang
humihimga;
bago daw mapugto ang kanyang
buhay niyang tulad
ng kanyang mga tula,
ang huling salitang binigkas niya ay
paglaya.

ibinurol, inilibing si
sinderella,
bulong-bulungan pa rin kung
bakit siya pinaslang.
salimbayan ang panghihinayang.
maraming bersyon kung paano
siya napaslang.

isa lang aang aming naiintindihan;
labing walong taon,
isang tanghalian,
isang buhay na inihandog
sa samabayanan,
minatamis ni sinderella
ang kanyang kamatayan.
------------
*si ella ay isang aktibistang anak ng
isang unibersidad sa may
rekto.
madalas ko syang makasama
sa mga campaign mit, mga mob sa emba,
mga op/od, at kampanya ng bm.
isang makata, at magaling pumorma.
mahilig mag-make-up.
di raw marunong mag-saing
pero nag-aral.
tumigil sa pag-aaral para
turuan ang mga katutubo sa may rizal.
18 years old.
napasalang. pinaslang.