<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040828

aia de leon's

nahalungkat ku lang po.. last year pa..

From: aia de leon <http://launch.groups.yahoo.com/group/imago-mail/post?postID=KhGlZFNMl1Gu4iupTDWqLEIOLi8uqoPFhECQwSGZyH8-hqrO1Nj8F83CJLm8PUe5Z1eQUsjwCN8vKJc>
Date: Wed Dec 17, 2003 3:09 am
Subject: Re: PAMORNINGAN GIG

magandang madaling araw sayo rustum, sinasabi kong madaling araw dahil itong mga
oras na ito ko natanggap ang iyong mensahe:)i assume that this post is a generic one.kung may mga paliwanag cguro akong gagawin ngayon sa aking mensahe ay para magbigay ng kalinawan sa maaaring hindinaunawaan sa nauna kong pahayag.may kaunting pag aalangan lang siguro akongnaramdaman dahil kamakailan lang ay nag post ako sa imago at fatal posporos
mailing list sa nabalitaan kong nangyari nang gabing iyon."pero unfair naman siguro kung samen lahat mabubunton yung mga sisi atmga mura [sarap naman]..unfair dun sa mga nagpuyat..para sa mgapreparations.."kung nabasa mo ang aking mensahe, ito ay ang aking pananaw tungkol sa 'audience'o tagasubaybay sa aming mga musikero ngayon. obserbasyon na tila atang nagigingagresibo at galit ang mga pupupunta sa ganitong mga malalaking pagsasalusalo.wala po akong sinabi na ang may sala ang mga organizers ng amoranto gig.wala pong may sala o pag kukulang sa inyo.dakila ang inyong mga layunin atmasasabi kong kaisa ninyo kaming mga musikero sa pagtupad nito. marami narinkaming naging pagkakataong maimbita sa tugtugang may 'noble cause' at walangatubili kaming pumapayag. kasama ninyo kaming iwinawagayway ang bandila ngkabayanihan at malalim na pagibig sa inang bayan.kuya, kaya ko nasabi na nakakabahala na talaga ang kalagayan at ng 'decorum' ngaming mga tagapanood ay hindi lamang dahil sa amoranto gig.marami pong gig angnaranasan namin na may mga nasasaktan at nababastos,nananakawan at nahihipuan.binabato ang mga performers,hindi dahil sa hindi nila ito gusto, kung di dahiltrip lang talaga ang mambato at mang 'heckle' sa mga taong nais lang naman magalay ng kanilang mga awitin sa kapwa nila. nagkataong magkakasunod sunod ang mgabig events na grabe na talaga ang behavior ng mga tao.wala nang respeto.wala po akong sinisisi. hindi ko po naging ugali ang magturo.nakasisiguro kayojan.pero hindi rin maalis sa akin ang masaktan.mahal ko ang aking piniling buhay.angmusika, ang arte.kasabay nito hinanda ko ang sarili ko sa anu mang malas oswerte,pait at ligayang kasama sa paglalakbay kong ito. pero di ko matiis angmag tanong,makabuluhan bang tanggapin ko ang mabastos,mabato , makilatis o (wagnaman sana) mapatay ng mga taong ang dahilan ay "wala lang trip trip lang"?yun po ang aking naging pagmumuni muni.ibinahagi ko sa list dahil alam kongnauunawaan nila ang aming sitwasyon.alam nilang hindi kami yumaman at hindi kamiyayaman sa aming pagpupursige sa aming musika.kinailangan ko lang cguro ngmahihingahan.nabasa ko naman lahat ng nilalaman ng iyong mensahe. sa pagkakaintindi ko ehmeron pa palang gana ang mga manunuod na murahin kayong mga organizers.labonaman nun.basta kami,saludo kami sa inyo.sa inyong katapangan,kasipagan, sa inyongpagmamalasakit sa bayan. maraming salamat sa inyong oras at pagod at hirap paralamang matuloy ang konsyerto.alam ninyo, hindi rin kami papipigil...sasama atsasama parin kami sa isang makabuluhang pagsasalu salo. cguro sa susunod.tinatanaw po namin ang inyong pag unawa sa pag back out ng fatal posporos.babaepo kaming lahat sa banda, with the crowd being very agitated(for reasons i don'tknow) we we're sure to have been easy targets for humiliation.we've had ourshare of situations like this before,but it's rather rare for us not to have felt safe.again,thank u very much for including us in the roster of talents. we owe uone.tama ka,bottomline,makabuluhan ang layunin ng gabing iyon.

God bless

0 Comments:

Post a Comment

<< Home