<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041118

!@#%$^*^$@*!

ASUKAL

sinikap niyang tumayo.
sinikap niyang makadampot ng bato
upang ipukol sa mga sundalo.
di man sapat kumpara sa armadong pwersa nito.

sinikap niyang magsalita.
sumigaw, isigaw na kahit sa kamatayan
handang manindigan
ng anakpawis para sa kanyang katubusan,
isigaw na matagal na siyang namatay
dahil sa di makataong mga polisiya.

ipinikit niya ang mga mata.
hindi bilang pagsuko sa kawalan.
hindi upang iwan ang kanyang ipinaglalaban.
hindi.
dahil paulit-ulit man ang kamatayan
ang buhay niya'y paulit-ulit din niyang
ilalaan.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Cool blog, interesting information... Keep it UP » » »

9:13 PM  

Post a Comment

<< Home