<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20050219

1320 espana

kung di ako makarating
may masamang nangyari sa akin


nakatali ang aking paa't kamay
nang matagpuan ang aking bangkay
sa ilalim ng tulay
pandacan.

sa isang tama ng balang
pumasok sa aking batok
na lumagos sa aking baga,
na lumabas sa aking dibdib
at bumutas ng paborito kong tshirt
na namantsahan ng sarili kong dugo.

di naman pala ako anemic
gaya ng gusto nilang palabasin
para lang mapilit nila akong matulog ng maaga.

sabado ng gabi nang lakarin ko
ang aking huling lakad,
inumin ang huling zesto walang straw
kainin ang huling siopao na walang sauce.

iyon din ang huling gabing
tumawag ako sa inyo-
nagtutulog-tulugan ka daw.

wala namang kakaiba ng gabing iyon
maliban sa isang tricycle
ang pumara sa aking harapan
habang iniintay kong mag-green
ang stoplight.

wala akong matandaang tumawag ako
ng tricycle.

pinilit nila akong sumakay.
di nila ako mapilit.
pero napilit pa rin nila ako
sa bandang huli.

may baril sila.

dinala nila ako sa bakanteng lote.
pinaluhod matapos piniringan.

di ako binigyan ng pagkakataon
na magtanong.
o gaya ni rizal ay maharap
ang aking kamatayan at sa huling
pagkakataon ay makita ang langit.
ang mga bituwin
at kung ano ang hugis ng buwan.

nagmamadali sila.
pero parang ang bagal ng oras
para sa akin.
narinig ko pa ang kasa ng baril.
tapos,
tapos wala na akong matandaan,
maliban sa sinabi mo nung huli tayong magkita-
na manunood tayo ng concert sa linggo.

wag kang mag-alala.
naalala ko ang sinabi ko,
ang pangako ko sayo-

di na ako male-late.
at sa kahit anong paraan
darating ako.

pramis.