Napopoot tayo pagkat nagmamahal:
pagkat tayo'y saksi sa pangangalawang-
tulad ng turnilyo-ng obrerong bukal
ng ating hininga; sa pangangalirang.
lalo kung gapasan, niyang nagpapala
sa mga pinitak; sa pag-uumuga
ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha
na ikinadena sa asin at luha.
Kaya't sumusubo ang hurno ng utak,
ang apoy sa puso?y lipyang tumatalas-
paniwala't pasyang pinapaling lakas
na sa nang-aapi'y ukol ipang-aklas.
Napopoot tayo pagkat tayo'y nagmamahal;
nagmamahal kaya't braso'y humahataw.
pagkat tayo'y saksi sa pangangalawang-
tulad ng turnilyo-ng obrerong bukal
ng ating hininga; sa pangangalirang.
lalo kung gapasan, niyang nagpapala
sa mga pinitak; sa pag-uumuga
ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha
na ikinadena sa asin at luha.
Kaya't sumusubo ang hurno ng utak,
ang apoy sa puso?y lipyang tumatalas-
paniwala't pasyang pinapaling lakas
na sa nang-aapi'y ukol ipang-aklas.
Napopoot tayo pagkat tayo'y nagmamahal;
nagmamahal kaya't braso'y humahataw.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home