<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050219

we are nothing

malamig dito pero mainit sa labas.

tatlong beses akong nagpalit ng computer.
una dahil di gumagana ang mouse.
pangalawa, walang yahoomessenger.
at pangatlo, dahil may katabi akong
nagpe-piyesta sa hubad na katawan
ni halina perez.

di ko sya maintindihan.
marami akong di maitindihan.

bakit kailangan kong maglakad kahet may pamasahe.
bakit nag-iinternet ako kahet wala akong pera.
bakit ako nagtatanong kahet alam ko naman ang sagot.

nalimutan ko na rin kung anu ang ibig sabihin ng salitang "busy".
ilan ba dapat ang ginagawa mo para masabeng
marami kang ginagawa.
gaano ba kalayo ang malayo?
gaano ba kalapit ang malapit?

pag katabi ba kita ibig sabihin malapit ka?
pag nasa kabilang espana ka ba malayo ka ba?

ewan.
kaya siguro lagi kong sinasabing
ewan.

basta.

i am fragile.
i am not astig as you think.

ni hindi ako marunong magsaing.
ang kaya ko lang lutuin ay
overcooked na instant pancit kanton.

nagagalit ako sa diyos
pag di ako makatulog

madalas kong napapaginipang may hawak
akong cactus.

i succumb pa rin to deeper despair.

isinusuot kong pilit
ang sapatos na di naman sukat sa paa ko.
wala na akong makitang tulad nya.
mas nanaisin kopang magpaa
kung di sya.

excited ang lahat dahil summer.
lahat gusto mag-swimming
maliban saken.
di ako marunong lumangoy,
kahet pisces ako.

mas marami akong gustong gawin
pag patay na ako.
pag di na ako kayang sukatin.
pag di ko na kelangan umangkop
sa standard ng "normal" na lipunan.

gusto kong maging hangin.
maging ulan.
maging bituwin.
maging bermuda grass.
maging ulan, maging papel.
maging tula.

nararamdaman ko.
naniniwala ako.

may ibang mundo maliban dito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home