<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040928

paglubog

kung buhay si edgar jopson
pagalitan kaya nya ako
kun makita nyang
itinira ko ang buntot at ulo
ng isdang hain ng masa?

masang halos wala nang makain
pero nagbukas ng tahanan
at hapagkainan
upang ako'y pakainin?

oo naman,
di nila ako pipiliting
iyo'y aking ubusin,
na kahit tinik dapat kong simutin.

tama lang siguro at marapat na aking kilalanin
ang pag-ibig, pasasalamat at pagtanggap
ng pinaglilingkurang masa
na nasa hapag ngayon.

magalit man o hindi si edgar jopson.


----
sinasabing madalas pagalitan/pagsabihan ni edjop ang kanyang mga collective
sa tuwing makikita nya ang mga ito na nagtitira ng mga parteng maari pang
kainin.
namatay si edjop sampung taon matapos ideklera ang batas militar.