<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20050803

sa muling pagkabuhay ni apo abukay

last last night, nanaginip ako na nagsasalita daw ako ng arabian. kahet yung mga kausap ko ganon den. salita ako ng salita pero di ko naman naiintindihan ang sinasabe ko. tas isa pa ang mga ksama ko dun mga kaklase ko pa nung highschool. para kaming nasa isang opisina or parang isang skul. tas, inabutan ako nung isa kong kaklase ng pagkain. guess what?
sardinas na nasa tissue.
____________________________________________
marame akong gustong i-blog nung time na nasa bahay ako at nagpapagaling.

last month bday ng dalawa kong kapatid. si bugoy at si yuyus. walang handa si bugoy kase nagastos sa ospital. ay meron pala nagluto pala ng pancit yung tita ko. wala na den shang gf haha
tsikboy kase.
si yuyus naman, baby pa nung namatay sa tigdas. naaalala ko pa nung binurol sha,[maliit pako nun] pumatong ako sa isang silya tas kinakausap ko sha, binibigyan ko sha ng biskwit kase kala ko natutulog lang sha sa loob ng puting kabaong niya.
sa august 9 naman bday ng tatay ko, mahigit 10 years naman shang patay. naisip ko na ang lungkot pala nung birthday nya noon nung namatay yung kapatid ko. imagine nagsese celebrate ka ng bday mo kakamatay lang ng pangalawa mong anak?
idol ko tong tatay ko, kahet mas madalas sa kwento ko lang sha kilala. basta siguro sa kanya ako nagmana pagdating sa prinsipyo. abogado kase sha[galing sha sa pamilya ng mga astig na abogado, kamaganak nya si antonio coronel kung saan huling naging kliyente nito ay si robin padilla], tas sa law office nila sha yung pinakamahirap, yung mga kasama kase niya nilalaglag yung mga kaso o kaya naman naniningil ng malaki. pede shang magpakayaman, pero pinili nyang lumaban ng parehas. ni hindi niya naituloy yung paghuhulog ng tinitirhan naming bahay sa lagro.
nagkasakit sha, heart attack. tas na-stroke sha. during those times talagang na depress sha. sa isang prayer meeting nga sinabe niya, "why me?
bago sha namatay parang nagpaalam na sha samen [ kaya naman i believe sa mga premonitions]
kase tanong sha ng tanong kung anong date na. tas nung araw na namatay sha, kumaway pa sha saken. tas sinabihan niya yung kapatid ko na, "di na kita makikitang lumaki."
kaya nga sabe ko nga idol ko yun, kung buhay pa nga yun siguro sha ang naging abogado ko nung hinarass ako ng dati kong skul.
_______________________________________________________
may bagong theme song sa bahay namen,
theme song den ng ATTIC CAT.
wala lang kase kagabe pagkahatid ko kay roma my ever dearest, narinig ko sa isang bahay na may kumakantang bata tas eto yung kinakanta niya.
SA KANYA
Namulat ako at ngayo'y nag-iisa Pagkatapos ng ulan Bagama't nakalipas na ang mga sandali Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin Ngunit bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin Sa kanya pa rin babalik sigaw, ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang Ay minamasdan ang larawan mo At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa Alaala ng buong magdamag Kung sakali man isipin na ito'y wala sa akin Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin Ang pagmamahal at panahon alay pa rin Sa kanya, sa kanya, sa kanya, Sa kanya.