<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20050731

First time ko sa emergency room ng isang ospital. first time makapunta at first time na ako mismo yung dinala dun. isang "first" na di papangarapin ng kahit sino. ang mahal kaya maospital at masakit physically depende kung bakit ka andun.
i had a face mask nun kaya i can brutally hear my breathing. tahimik kase, yung lumang aircon lang ang maingay. maliban den sa paminsang minsang ingay ng mga doctor na nag-iinterview sa mga pasyente at kamag-anak ng pasyente [kung di na makausap yung pasyente].
ilang taon ka na?
umiinom?
naninigarilyo?
meron bang me diabetis sa inyo?
asthma?
isang lola yung nilagyan ng tube from her mouth down to her throat ewan kung saan papunta yun. masuka-suka yung lola. i damn pity her. sobrang nakakaawa.
pede bang wag na lang doc?
sa kabila, isang may katandaan ding babae ang kinkuhanan ng blood samples. alingaw-ngaw ang salitang "ARAY" sa buong ER. kung hinde pa yun manifestation kung gano sha nasasaktan ewan ko na.
iniisip ko pa ren kung baket ako nandun. ni hindi nga ako nahihilo. to think na kahit yung doctor eh nagsabi na mas malakas pa saten to [sa kausap nya]. kaya yun in-enjoy ko na lang yung stay ko dun. yun e kung enjoy ngang matatawag yun.
sa maliit na kwartong iyon isinugod at nawalan ng buhay si maningning miclat. marahil sa sulok sulok ng kwartong iyon naiwan pa ang mga hinagpis nung mga kaibigan ni maningning nung ibalita ng mga doctor na wala na sha.
sad.
8:30pm ako dinala dun. inakyat ako sa isang regular room for admission 1am na. wala nang emergency cases sa pagitan ng mga oras na iyon. isa sa inaabangan ko pa naman. dumadating na yung mga papalit sa staff na andun. masaya na yung mga pwede nang umuwe.
tumingin ako sa labas. nagsusulat sa logbook ang guard. sa mas labas pa, mahinang ambon ang nagbabadyang lumakas.

2 Comments:

Blogger lws said...

ay syempre:)*kindat*

eyyy di gumagana tagboard mo ah lipat ka na lang sa cbox :)


ang ganda nitong entry na'to:)

9:06 PM  
Anonymous Anonymous said...

ang galing naman ng avatar mo nakaka-aliw

7:18 PM  

Post a Comment

<< Home