<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041117

PINAKAMATAAS NA PAGKONDENA

LUISITA

pito ang patay sa hacienda luisita.

ang private nurse ng hari ng afganistan
ay isa palang pilipina.
vip ang turing sa kanya.

pero pito ang patay sa hacienda luisita.

binalikan na ni michael si ellaine.
nagkakalabuan na si william at joey.
natuwa naman si chris.

habang pito ang patay sa hacienda luisita.

tinawagan na ni bush si gloria.
meet daw sila.

habang pito ang pinapatay sa hacienda luisita.

naiirita si erwin tulfo kung bakit
kailangang pakialaman pa ng kongreso
ang insidente sa luisita.
marami pa aniya ang mas mahalagang pag-usapan.
mas mahalagang pag-usapan.
mas mahalagang pag-usapan.
mas marami pang mas mahalagang pag-usapan.

kaysa pito ang patay sa hacienda luisita.
pito lang naman patay sa hacienda luisita.
wala naman silang mga pangalan.
di naman sila artista.
di naman sila kongresman.
di naman sila fil am.
wala naman silang pangalan.

kaya wag na silang pag-usapan.
wag nang pag-usapan na

pito ang patay sa hacienda luisita.

ang kailangan ngayon ng bayan ay dasal.
magdasal ang bayan.
kailangang magdasal.
kailangang magdasal.

kailangan natin ng dasal ayon kay cory aquino.

kailangan.


"I've been an advocate of non-violence and I deeply regret that people had to get hurt on both sides,"
-corazon aquino

0 Comments:

Post a Comment

<< Home