<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040604

ikaw at ang sambayanan ay iisa..

kaya ka pala nag-miss-call

dalawang sulat ang iiyong iniwan
sa ibabaw ng tokador
kagabing di ka na umuwi;

sa iyong ina
at sa akin.

alam ko ginusto mong personal
na magpaalam.
sinubukan mo na yan.

pero pinili mong wag na lang.

di ka nila papayagan.

sasabihin nila-
ano ang gagawin ng isang babae
sa digmaan.

eh, ako papayagan ba kita?

alam mong di ako sasagot.
alam mong mahirap para sa akin
ang ihatid ka sa daang,
pisikal na maghihiwalay sa ating dalawa.

bagamat, sa matayog nating pangarap,
pareho nating alam
na lagi tayong magkasama,
iba pa rin yung nandito ka.

literal na kasama sa pakikibaka.

kaya di ko talaga masasagot
ang tanong mo.

pero dahil sabi mo nga
kailangan,
tigib man ng kalungkutan,
pilit ko na lang dadamhin
kung ilang kilometro
na ang layo natin sa isa't isa.

iintindihin kita.
maiintindihan kita dahil mahal kita.
pareho nating mahal ang iyong
pupuntahan.

wala akong panghihinayangan.
walang pangangambahan.
kahit alam kong muling
pagkikita nati'y walang katiyakan.

unang umagang wala ka.

wag kang mag-alala.
di ko iisipin kahit kailan

na inagaw ka sa akin ng sambayanan.

____________________
para kay ibon..ingat.


2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Best regards from NY! » » »

9:50 PM  
Anonymous Anonymous said...

Wonderful and informative web site. I used information from that site its great. Mobile phone barcode scanner software conneticut income tax pay property taxes Photo bikini Sprint and ringtones and free currency trading

6:21 AM  

Post a Comment

<< Home