<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040603

kung aku si peb? debut or..hmmm..alam nyu na siguru ang sagot.


sa diname-dame ng mga kwentong nasa kukote ku
etu lang ang napagtyagaan kung itype..
kung baket..[ewan]
-------------
17 roses

wala na sigurong mas romantiko pa sa mga taong nag- alay
ng buhay para sa pinakadakilang pag-ibig
ang pag-ibig sa bayan at sambayanan
....
-teddy casino

Ang lakas ng aircon, ang lamig pala sa AVR. Umuulan pa naman sa labas.

Tama nag pasiya ni Peb, dun muna siya mag-papalipas ng oras. Libre daw ang snacks. Isa pa nandun si Yasmin, ang babaeng para kay Peb ay astig.

Sa dulong silya, sa pinakahuling row siya umupo. Malayo pero tanaw si Yasmin. Konti pa lang ang tao. Napaidlip si Peb sa lamig. Nagising lang siya nang masagi ng isang estudyanteng dumaan sa harap niya. Dumadami na ang tao, magsisimula na ata.
Napansin din niya na iba na ang nakaupo sa upuan ni Yasmin. Luminga linga siya at halos mag 360 yung ikot ng ulo niya sa kakahanap.

"wala na talaga.."

Gusto na sana niyang tumayo at lumabas pero nakita niyang maingat na isinasalansan sa isang lamesa sa bandang likuran, ang mga styropor na may laman sigurong spageti.

"sayang din 'to"

Nagpasiya siyang manatili. Tapos, umakyat na sa stage yung emcee. Start na raw yung program. Nagdasal, umawit ng bayang magiliw, may nag-opening remarks, at may nag-intermission number na mga taga-glee club. Noon lang niya nalaman na isa pala iyong "forum ekek" tungkol sa mga goals mo sa buhay.

Parang tipong "How to Succeed in Life."

Kahit sarado ang AVR, dinig yung pag-bell sa labas. Kaya maya't maya ay may mga tumatayo at lumalabas para umatend ng klase. At kasamang tumayo at umalis yung mga katabi niya sa upuan.

Unexpectedly, out of nowhere. Bumalik si Yasmin kasama yung apat na kabarkada niya. Mula sa sulok ng mga mata ni Peb, binibilang niya yung mga bakanteng silya. Sa isip niya, para siyang kunduktor na nagtatawag ng pasahero.

"please," bulong niya habang naka-crossfinger.

Dun nga sila umupo. Listening attentively si Peb habang isa-isang dumadaan sa harap niya ang mga barkada ni Yasmin, pero siyempre kunwari lang yun.

Parang scripted, sa tabi niya umupo si Yasmin. Astig.

Ang lakas ng boses nung guest speaker pero parang ang naririnig lang niya ay ang paghinga ni Yasmin.

Natapos ang program na wala siyang naintindihan. Wag daw munang umalis, dahil may snacks.

Dahil siya ang nasa dulo, siya ang nag-aabot ng mga snacks. Pasa-pasa. Nang kay Yasmin na ang iaabot niya, para siyang mahuhulog sa silya, lalo na nang mag-thank you si Yasmin. Mag-yo-your welcome sana siya pero bigla siyang napa-ubo.

Tumawa si Yasmin. tapos, out of the blue, biglang nagtanong, "di ba aktibista ka?," mauubo sana siya ulit pero bigla siyang sumagot at proud.

"Peb ng Anakbayan," sabay abot ng kamay niyang may hawak pang tinidor.

"Yasmin, nag-discuss na kayo sa room namin, tungkol ata yung sa tuition fee increase?"

"a, ganito kasi yun..," inilapag niya ang spageti at nagsimulang mag-discuss, tungkol sa skul sit, nat sit, gera sa Afganistan, PPA, si Gloria pati na rin yung bagong soap ni Nora.

Di nila napansin ang pagdaan ng oras pero di nagtagal, napansin din nila.

"kailangan na pala naming umalis, mare-research pa kami sa national library," paalam nina Yasmin. may mit din nga pala si Peb sa community sa may Quiapo. "sige, salamat ha,"
Inihatid ni Peb sa sakayan sina Yasmin. Bago sumakay ng dyip kumaway si Yasmin.

"ingat",pahabol ni Peb.

Umandar na at nakalayo ang dyip nakatayo pa rin si Peb. Parang kuntentong-kuntento sa buhay.

* * * *
Nag-umpisa na ang mit nang dumating si Peb. sa malapit sa pinto siya umupo para di maka-distract. Napansin siya ni Oliver yung nagpi-preside.

"mga kas si Peb ng Anakbayan." ngumiti siya.

Nagpatuloy sa pagdi-discuss si Oliver. "dumating ang mga taga city engineers kanina nag-bigay ng ultimatum para umalis ang mga taga-rito. Utos raw ni mayor dahil uumpisahan na yung project niya."

Ah ide-demolish na pala ang mga bahay doon para sa clean and green project ni mayor. Ang kaso nga lang wala namang maibigay na lugar na pagli-lipatan nila. Saan sila titira pag nagkataon?

Nagkaroon ng mga pagpa-plano para sa mga susunod na mga araw, kasama na doon ang pagta-tayo ng kampuhan at dialogue kay mayor.

* * * *
Hapon na nang matapos ang miting. Bumalik si Peb sa skul at nag-report sa opis. Tapos umuwi na siya para magpahinga. Di naman siya makatulog. Naglalaro sa isip niya ang mga bahay na ide-demolish at si Yasmin, ang babaeng para sa kanya ay astig.


Dumaan ang ilang mga araw, madalas nang mag-usap si Peb at si Yasmin. Feeling close na si Peb sa kanya. May mga pagkakataong naisasama niya sa mga mob at concerts. Itinuro ang tasulok. Kinantahan ng kanlungan, Iisa, Rosas ng Digma, Sana, Ikaw ay Sapat, mga kanta ng tambe at siyempre yung Kahit Ngayon Lang.

"kahit ngayon, ngayo lang tayo nagkakilala ay alam kong matagal na tayong magkasama.."

"peb sana kantahin mo yan sa birthday ko."
"ha, kelan? tanong ni Peb.
"sa sabado, debut ko, gusto ko nandun ka."

Wala na siyang masabi. Gusto niya maiyak sa tuwa.

Martes pa lang excited na si Peb. For the first time a-attend siya ng debut, debut pa ng babaeng astig.

Nanghiram agad ng slacks. Nilabhan ang long-sleves, na huli niyang isinuot nung js prom at nagpagupit. Inihanda na ang lahat.
Baka doon na rin niya sabihin kay Yasmin na..dun na.

Sabado ng tanghali, di na siya mapakali, pa-ikot-ikot. nagbabasa ng dyaryo pero wala siyang maintindihan. Maya't-maya ay sinusukat ang kanyang long-sleeves.

Hanggang sa unti-unting lumubog ang araw. Parang countdown. tinawagan niya si Fidel ang best friend niya.

"tol, daan ka dito sa bahay, sabay na tayong pumunta doon."

Naligo siya ng halos 30 minuto. Plinantsa ng pang-ilang ulit ang damit na isusuot habang pinapatugtog ang soundtrack ng City of Angels.

Tumawag si Yasmin, wala lang daw.

Bihis na si Peb, ubos ang cologne ng boardmate niya. Inaantay na lang si Fidel.
Nagulat pa siya nang biglang nag-ring ang telepono sa tabi niya habang nagsu-suklay.

Si Oliver, "tol, nandito na ang mga demolition team may mga pulis na walang nameplate ang nagpapa-putok ng baril nagkaka-kiskisan na, kailangan dito ng tao, kailangan ng suporta,"

Garalgal ang boses ni Peb, lumalabo ang paningin sa luhang di maluha, nauumid,"pipilitin ko, tol may pupuntahan kasi ako.."

kasabay ng pag-putol ng kabilang linya wari ay naputol rin ang kung anumang pumipigil sa kanyang luha upang tumulo.

Sa isip niya nakikita niya si Yasmin ang babaeng para sa kanya ay astig. Nakangiti, iniaabot ang kamay para sa isang sayaw. Ganundin nakikita nya ang pagguho ng mga bahay at ng mga pangarap ng mga taga-community.

Kailangan niyang pumili.

Isa lang.

Dumating si Fidel, "tara lets.."

"tol mauna ka na kaya may dadaanan lang akong importante"
Hinubad muna niya ang long-sleeves at nag-palit ng sapatos, "paki-abot na rin nito.." sabay abot ng tape ng Rosas ng Digma.

Inihatid niya ng tingin si Fidel. Bumuntong hininga.

* * * *
Sarado ang kalye nina Yasmin. Halos mag-kulay pink ang buong paligid dahil sa motiff. Ang lakas ng sounds ang sarap sumayaw. Ang daming stars. Baha ang pagkain. At higit sa lahat, ang ganda ni Yasmin.

Magu-umpisa na ang kotilyon, kaya tinawag na ang 18 candles at 18 roses. 16, 17, 17 roses kulang ng isa- si Peb.

* * * *
Si Peb, nakabarikada siya sa daanan ng demoliton team. Binobomba ng water canon. Paminsan-minsan nahahampas ng mga anti-riot. May sugat nga siya sa noo. Nawala yung scandals. At baka di na rin siya makapunta kina Yasmin, ang babaeng para sa kanya ay astig.
Bago siya naisakay sa ambulansiya, tumingala siya sa langit, sa pinaka-maningning na bituwin niya ibinilin na wag kalimutang banggitin sa diyos ng kalawakan kung meron man-

wag sanang umulan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home