<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040603

anak nya ang sumigaw ng, "MABUHAY ANG MGA KUTO!"

Ano ang Silbi ng Makata? gelacio guillermo


Ano ang silbi ng mga makata?
Bilang isang panlipunang katanungan, dapat itong sagutin batay sa pampulitikang pangangailangan ng ating lipunan sa kasalukuyang panahon. Sa ating lipunang hati ayon sa nagtutunggaliang interes ng mga uring panlipunan, ang pampulitikang batayang ito ng pagsisilbi ng mga makata, gayundin ng mga kabilang sa iba?t ibang uri at sektor ng lipunan, ay umaalinsunod sa ganitong malaking hidwaan. Halimbawa, ang tindig pampulitika ng mga makatang binasbasan ang sarili noon pang 1990 bilang "world-class poets" at kailan lang ay nag-aleluyang sila na ang nasa tuktok ng panulaan sa Pilipinas sa bagong dantaon ay nakikinabang sa mga palisiya at programa ng malalaking komprador at panginoong maylupa at burukratang kapitalista tungkol sa imperyalistang globalisasyon at ibayong pagpapatindi ng kalagayang malakolonyal at malapyudal sa ating bansa. Ang mga pinuno ng pangkating ito ay may mahabang kasaysayan ng pangangayupapa sa nangakaraan at kasalukuyang rehimeng pang-estado, ng panlilinlang sa mga bagong makata sa pamamagitan ng mga oportunistang teoryang pampanulaan (tulang pulitikal na walang pinapanigan), pusisyon at pabuya, ng paghihiwalay ng mga makata at kanilang likha sa sariling lipunan batay sa mga latak ng New Criticism na hinimud sa pusali ng Cold War. Sa kabilang banda, ang tindig pampulitika ng mga makata ng pambansa-demokratikong rebolusyon (34 taon na nga ang itinatagal, at mangyayaring tumagal pa) ay akma sa pangangailangan ng mga uring api't pinagsasamantalahan mga manggagawa't magbubukid, kabataan, kababaihan at bata, mababang panggitnang uri, pambansang minorya, atbp. Nasa tula't kilos nila ang dakilang pakikibaka at mithi ng sambayanang Pilipino.

Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga makata sa sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano? Mainam ngayong ulitin ang tanong.



0 Comments:

Post a Comment

<< Home