<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/plusone.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041223

farewell to the king


DOON LANG

Kung natapos ko ang aking pag-aaral Disin sana'y mayroon na akong dangal Na ihaharap sa `yo at ipagyayabang Sa panaginip lang ako may ipagdiriwang Yaman at katanyagan sa akin ay wala Kakisigan ko ay bunga ng isang sumpa Ang aking inay ang tangi kong tagahanga Sa panaginip lang ako may nagagawa Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina doon lang Kung di dahil sa barkada ay tapos ko na Ang pag-aaral na nagbibigay ng halaga Sa awitin kong ito mo lang madarama Mga pangarap kong walang pangangamba Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina doon lang Doon ay kaya kong ipunin lahat ng bituin Doon ay kaya kong igapos ihip ng hangin Doon ay kaya kong ipagbawal buhos ng ulan Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina doon lang Sa panaginip lang kita nahahagkan t'wina doon lang doon lang
"bravo, ronnie, well done!"
-boots anson-roa, sto domingo, qc

mask

20041220

moonlight in paris dee dee dee dee do do

puro fpj ang laman ng isip last week hanggang ngayun [actully papunta na naman ako sa misa para kay fpj] kaya marame akong gustong i-blog na di ko naiblog.

una, ilang linggo na ang nakakaraan ng "kondenahin" ng UNICEF sa pamamagitan ng kanilang kinatawan ang liderato ng CPP/NPA/NDF sa paggamit daw nito sa mga menor de edad na mga mandirigma.

nice gesture at naks, concerned ang mga mokong. pero gusto kong matawa kase sa ibang isyu na sangkot ang mga kabataang pinoy eh walang say ang UNICEF na ito. halimbawa na lang ang mga human rights cases na sangkot ang mga kabtaan. si cocoy corpin at iba pang kabataang pinatay sa leyte nung nakaraang taon. hanggang ngayon walang nangyayari. nabigyan pa ng pabuya ang mga sundalong pumatay sa kanila.

isa pa, baket wala silang sinasabi tungkol sa kung paano nagiging pribelehiyo na lang ang edukasyon sa bayang ito? tas pag ipinaglalaban ng mga kabataan ang kanilang mga karapatan ano ang isinusukli sa kanila, kickout.

kaya kung piliin ng kabataan na maging sangkot sa pagbabago di natin sila masisisi.

_______________

nung isang linggo den binanatan ni susan roses ang ABS CBN sa kanilang programang TV PATROL. di na ako nagtaka, kase matagal ko nang kinauumayan ang paraan ng pagbabalita sa pinas. di lang naman ABS CBN, pati GMA 7 at ang iba pang istasyon kasama na ang mga nasa radyo at dyaryo, ang dapat banatan. kase dito sa bansang ito, parang neglected ang balita. lahat parang nagmamadali. parang ok na sa kanila na maireport ang isang balita tas tapos na. sobrang nagmamadali. tas me shobiz report pa na umaagaw ng airtime sa para iba pa sanang balita. sabado linggo puro shobiz na nga eh, sana yung weekdays naman ibalato na lang nila sa mga balita at mga current events.

_______________

ang haba pa ren ng pila sa burol ni fpj, nagkamali ako. di lang hanggang overapass yung pila hanggang dapitan na may paekis ekis pa umabot yung mga gustong makakita kay fpj.

sa wakas, nakakuha den kame ng remembrance kay fpj, salamat kay dimple kapatid ni
maria roma .

maria roma, inagatn mo yung poster ha.

20041217

not even the rain

SOMEWHERE I HAVE NEVER TRAVELLED

somewhere i have never travelled,gladly beyond
any experience,your eyes have their silence:
in your most frail gesture are things which enclose me,
or which i cannot touch because they are too near

your slightest look easily will unclose me
though i have closed myself as fingers,
you open always petal by petal myself as Spring opens
(touching skilfully,mysteriously)her first rose

or if your wish be to close me,i and
my life will shut very beautifully,suddenly,
as when the heart of this flower imagines
the snow carefully everywhere descending;

nothing which we are to perceive in this world equals
the power of your intense fragility:whose texture
compels me with the color of its countries,
rendering death and forever with each breathing

(i do not know what it is about you that closes
and opens;only something in me understands
the voice of your eyes is deeper than all roses)
nobody,not even the rain,has such small hands
-e. e. cummings

20041216

last full show

paulit ulit kong sinasabi, di ko ibinoto si daking last may, pero sobra ang respeto ko sa taong ito. im glad na nakita ko sha, (sa isang campaign sortie nya)bago sha mamatay.

di ako mahihiyang sabihen na makikipag libing ako sa kanya

at di iyon joke.

_____________________________
BOXOFFICE

abot hanggang overpass ang pila.
pila ng mga gustong makita ang hari.
kung ano ang suot ng hari.
kung para-lang-siyang-natutulog.
kung ano ang itsura ng hari sa kanyang kulay lupang kabaong.
hindi linggo ngunit ang paligid ng sto domingo
ay di sumapat sa dami ng tao.
ang dating bakuran na pwedeng pagkarerahan ay mistulang
maliit na kahon dahil sa pagsisiksikan.
di nakapagtataka, dahil hari ang nakaburol dito.
ang hari na kailan lang ay isang payasong
binabato ng sarisaring putik.
haring di marunong mag-ingles. di gaya nila.
haring di tapos ng kurso. di gaya nila.
mas magaling daw sila.
pero, siya pa rin ang hari ng masa.
haring walang pinag-iba sa kanila.
naka-maong, leather jacket,
me twalya sa leeg, me hawak na pale pilsen,
sinasalita ang salita nila.
kinakain ang kinakin nila.
nilalakaran ang nilalakaran nila.
baduy ang humahanag sa kanya.
tanga ang boboto sa kanya.
bobo ang bumoto sa kanya.
ano nga naman ang alam niya?
sa foreign policy?
sa foreign investors?
malamang wala nga siyang alam.
malamang mababaw lang ang kanyang alam.
marahil, ang alam niya ay ang
problema ng mga pitong gatang,
ng mga culiat.
ng mga parola.
marahil alam niya ang probema
ng mga biniktima ng mga foreign policy,
ng mga foreign investors.
alam niya, kasi siya ang hari nila.
kaya't wag tayong magtaka
kung hanggang overpass ang pila.
kung box office ang burol niya.
kung magkaroon ng stampede, makita lang siya.
kung gutay-gutayin ang bulaklak na bigay ni gloria.
wag na tayong magtaka.
wag na tayong magtaka dahil
ito ay isang bayang lagi't lagi
ay naghahanap ng ituturing na bida.
at siya, si ronald allan poe, ang hari,
ang napili nila.


___________
wala lang, ko lang batiin si roma, "welcome back to the real world"

20041215


wag nating aalisin ang pag-asa ng isang tao...baka iyon na lang nalalabi sa kanya
- fpj

20041214

di pa umabot ng pasko

12:01, dahel sa cerebral thrombosis, binawian ng buhay ang hari ng pelikulang pilipino.
wala lang, ironically, yun ang araw na dapat gaganapin ang first hearing ng election protest nya.
wala lang, kase if not for erap baka sha yung ibinoto ko last may.

baket me aangal?

20041211

you make me shine

____________________________
kalahating mundo

bukas, sa susunod na araw,
mamaya,
ihahakbang ng bunso mong anak ang kanyang mga unang
hakbang. maari din niyang bigkasin ang una niyang mga salita,
pero malamang ay hindi papa, dahil ang mama niya ang
lagi niyang nakikita.
baka rin maibuslo na ng panganay mong anak
ang una niyang field goal sa unang laro
na kasama siya sa sarting five.
baka rin maperfect na ng iyong asawa ang kanyang pinakbet.
di na sobrang alat, at di masyadong malansa.
baka rin manganak na ang aso ninyo
ng mga cute na tuta.
maraming manyayaring mga una sa mga darating na panahon
at magaganap iyon habang natutulog ka
sa sobrang pagod
matapos maghapong ng magpulot ng mga nalaglag na mansanas,
kalahating mundo ang layo mula sa pilipinas.

20041205


mabibile na po ang librong kwarenta sa halagang isandaan at limampung piso. sa mga interesado, ipaalam lang po saken.

20041204

galit ako sa pusa namen pero...

papunta ako sa fudge ng may makita akong fishnet, nasa madamong bahagi ng bangketa.
sa loob ng fishnet ay dalawang kuting.
--------------
kuskos

maliit ang aking kamay.
maliit ang aking paa.
maliit ang aking ulo.
maliit ang aking leeg.
maliit ang aking mga daliri.
maliit ang aking pisngi.
maliit ang aking mata.
maliit ang aking ilong.
maliit ang aking bibig.
maliit ang aking tenga.
maliit ang aking puso.
maliit ang aking baga.
maliit ang aking mga luha.
maliit ang aking boses.
maliit ang tibok ng aking puso.
maliit ang aking paghinga.

kaya siguro dito lang ako itinapon
sa damuhan.
ang iniisip siguro nila
maliit lang din ang aking kamatayan.

---------
naisip ko, ang mga kuting ay tulad din ng mga batang itinatapon sa mga toilet bowl, sa mga basurahan.
ang iniisip siguro ng nagtapon, maliit lang naman sila. maliit pa ang kanilang kamatayan


20041203

Free All Political Prisoners

ngayun ang unang beses na ipagdidiwang (?) or gugunitain, alalahanin, ang political detainees day. magkakaroon ng fasting ang mga bilanggong pulitikal sa buong bansa. kaya bilang pakikiisa.. nanawagan po ako na palayain ang lahat ng bilanggong pulitikal sa buong bansa at itigil ang kriminalisasyon ng mga kasong pulitikal.

mabuhey.