<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041216

last full show

paulit ulit kong sinasabi, di ko ibinoto si daking last may, pero sobra ang respeto ko sa taong ito. im glad na nakita ko sha, (sa isang campaign sortie nya)bago sha mamatay.

di ako mahihiyang sabihen na makikipag libing ako sa kanya

at di iyon joke.

_____________________________
BOXOFFICE

abot hanggang overpass ang pila.
pila ng mga gustong makita ang hari.
kung ano ang suot ng hari.
kung para-lang-siyang-natutulog.
kung ano ang itsura ng hari sa kanyang kulay lupang kabaong.
hindi linggo ngunit ang paligid ng sto domingo
ay di sumapat sa dami ng tao.
ang dating bakuran na pwedeng pagkarerahan ay mistulang
maliit na kahon dahil sa pagsisiksikan.
di nakapagtataka, dahil hari ang nakaburol dito.
ang hari na kailan lang ay isang payasong
binabato ng sarisaring putik.
haring di marunong mag-ingles. di gaya nila.
haring di tapos ng kurso. di gaya nila.
mas magaling daw sila.
pero, siya pa rin ang hari ng masa.
haring walang pinag-iba sa kanila.
naka-maong, leather jacket,
me twalya sa leeg, me hawak na pale pilsen,
sinasalita ang salita nila.
kinakain ang kinakin nila.
nilalakaran ang nilalakaran nila.
baduy ang humahanag sa kanya.
tanga ang boboto sa kanya.
bobo ang bumoto sa kanya.
ano nga naman ang alam niya?
sa foreign policy?
sa foreign investors?
malamang wala nga siyang alam.
malamang mababaw lang ang kanyang alam.
marahil, ang alam niya ay ang
problema ng mga pitong gatang,
ng mga culiat.
ng mga parola.
marahil alam niya ang probema
ng mga biniktima ng mga foreign policy,
ng mga foreign investors.
alam niya, kasi siya ang hari nila.
kaya't wag tayong magtaka
kung hanggang overpass ang pila.
kung box office ang burol niya.
kung magkaroon ng stampede, makita lang siya.
kung gutay-gutayin ang bulaklak na bigay ni gloria.
wag na tayong magtaka.
wag na tayong magtaka dahil
ito ay isang bayang lagi't lagi
ay naghahanap ng ituturing na bida.
at siya, si ronald allan poe, ang hari,
ang napili nila.


___________
wala lang, ko lang batiin si roma, "welcome back to the real world"

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

best regards, nice info » » »

1:14 AM  

Post a Comment

<< Home