<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041125

scrap oil derugalation law

ngayong araw inilulunsad sa ibat ibang lugar ang tigil pasada ng mga tsuper ng jeep at pati na rin ng ibang transport groups tulad ng mga taxi drivers at kanilang mga operators.
maaga akong nagising. pinanood ko yung uang hirit. me portion sila dun na maaring tumawag upang makapagkomento sa anumang isyu. at sa umaga ngang ito ang isyu na kokomentuhan ay ang transport strike.
isang komento, ang tila naninisi sa mga tsuper.
pero napakaganda sigurong itanong, na bakit ba nag strike ang mga tsuper.
una kabawasan sa kita nila.
dapat sigurong itanong din kung tama lang ba ang hiling nila.

1.discount sa presyo ng krudo.
2.at pagbuwag sa oil deregulation law.

sa aking palagay, wasto ang kanilang kahilingan.
matagal nang pinapahirapan ang bansa ng oil deregulation law na ito. hawak tayo sa leeg ng mga kumpanya ng langis. panahon na upang buwagin ito.

pero ano ang sagot ng gobyerno? tatanggalan ng prankisa ang sasama sa strike.

ganyan ang gobyerno nyo.
mahilig sa short cut.
mas mahirap nga namang banggain ang mga higante.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home