<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20060208

Tila panaginip ang kahat, isang bangungot na gumising sa isang masayang pagkakahimbing.

Ganito ang narinig ko mula umaga ng sabado, hanggang paguwi ko sa bahay kagabi. Lahat may opinyon. Lahat may sinisisi. Lahat naaawa sa mga biktima.

Buhos ang mga tulong. Nagpadala ng one million si ganito. Si ganyan nagpadala ng isang trak ng pagkain. Nauso ang "para sa iyo kapuso.." at "alay sa kapamilya..". Kanya kanya ng "ipagdasal po natin ang mga kaluluwa ng mga namatay at ang mga pamilyang naiwan nila".

Natapos na ang fact finding chuva ng DILG. Kanya kanya ng sisi.

Sa lahat ng ito isang bagay ang napansin ko. Ewan. Di ko pedeng kwestyunin ang sincerity ng pagtulong ng mga tao, ang buhos ng mga biyaya para sa mga biktima. Pero nararapat lang naman yun. That is the least that they can do.

Ang nakakainis lang, too late the hero ang epek ng mga bagay bagay na ito. Shet, baket ngayun lang. Dahel 70+ yung mga namatay at daan daan ang sugatan at napilayan? Suddenly, naging concerned ang lahat sa mga mahihirap nating kababayan. Suddenly ipinagdadasal natin sila. Suddenly, awang awa tayu sa kalagayan nila. Suddenly nananawagan tayu sa gobyerno na tulungan ang kalagayan nila.

Duh?

Sana noon pa, noong buhay pa sila. Sana noon pa tayu naawa sa kanila. Sana noon pa tayu nagbigay ng pagkain sa kanila. Sana noon pa natin sila ipinagdasal. Sana noon pa tayu ngaing concern sa kanila.

Bago ang pangyayaring ito, asan tung mga mabubuting pusong ito? Ito rin yung mga galit pa pag may namamalimos sa kanila, yung magsasabi na wag mong bigyan yang mga yan kasi bibili lang ng rugby yan. Na ipangto-toingits lang yan ng mga nanay nila. Yan din yung mga nagsasabi nakakatakot ang mga yan kase mga squatters yang mga yan. Yan din yung walang say sa rVAT, sa oil price hike, at iba pang nakakaapekto sa mga tulad ng mga "kinaaawaan" nilang mga kababayan.

Maawa kayo sa sarili nyo.

Niwey,

Puro karne ang kinakain ko ng nagdaang dalawang araw. Bago tumulak sa monday night tambay km64 night, kumain muna ako sa bahay. Porkchop. Pagadating dun, pork barbeque. Tas fly para sunduin si roma, tas nag-treat sha ng BK Erod[nakita namin dun ang dambuhalang si Alex Crisano]di ako kumain dun pero lumipat kami sa BK Welcome dun ako kumain ng beef steak. The following day, kain ng adobong chix, tas nung hapon nanlibre ang bogus kong kapatid ng hamburger, tas ang dinner namin ay chix ulet. Nays.

Me sinat daw ako kagabe. Nakakumot pero nasa bentilador. Nahihilo at nanlalambot pero ayaw matulog. Text ng text wala namang nagrereply. Inantay ko yung reporters notebook kase feature nila ang FQS. Maliban sa mga vid clips at ilang interview, wala namang bago sa palabas, well as far as im concerned. Mashadu den shang maikli. Kaya siguro hinuli sha.

Pero nakakabahala talaga yung oil spill sa Semirara island. Basta
N A K A K A B A H A L A.

Bilang panghuli naiinis ako. Basta.

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

ngtextbak kaya ako..

5:21 PM  

Post a Comment

<< Home