<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20060127

May katagalan na din mula noong huli akong magpost ng kahit ano sa blog na ito. Ni hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin ngayun.

Napapadalas ang gising ko ng maaga, ito ay sa kabila na gabi na ako natutulog. Sinusumpong na naman ako ng aking insomia. May kainitan siguro ang gabi pag matutulog ako at malamig naman sa madaling araw kaya madali akong magising.

Exception yung kanina. Nagising ako, 10:30. Later pa nga ata dahel late ang relo namin. Pupunta sana ako ng cityhall na Manila para kumuha ng sedula. Pero, sa napanood ko sa TV, nagbago ang isip ko. Grand motorcade ni Paquiao ngayun sa buong Manila. At shempre ang start ng motorcade ay sa cityhall. Shempre kasama si Lito Atienza [tatakbo daw itong senador sa 2007, yun e kung di matuloy ang nilulutong NoEl ng ilang pulitiko], andun den si Miles Roces,[na tatakbo naman daw bilang mayor ng Manila].

Sa wakas, nalabhan ko na ren ang aking bedsheet. Siguro naman wala nang masasabi si Roma Tarranza.

Eniwey, galing ako sa isang gathering/ forum ng mga visual artists sa Sambalikhaan kahapon. Bulung-bulungan nga, breaktrough daw ang gathering ng mga visual artists na ito for a cause.

Panahon pa daw ni Cory nung huling mangyari ito.

Yun.

Nabuhay na naman yung desire ko sa visual arts. Nagpaplano talaga akong bumili ng canvas at magpinta ng magpinta tas idodonate ko sa isang kaibigang magkakaroon na ng sariling appartment.

Na-agitate pa yung desire na ito matapos mapanuud ko yung docu bout RomeoLee.

Eniwey, masakit ang ulo ko di ko alam kung bakit.

Mainit dito pero umuulan sa labas.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home