Nanood ako ng horror film,
di ako natakot.
Natakot ako.
Wala na ba akong kinatatakutan?
Hindi pa tapos ang palabas
nang lumabas ang sagot.
Hindi ako takot kay Frakenstein.
Kay Dracula o kay Sadako.
O, dun sa malaking taong nakabarong
na akyat baba sa hagdanan.
Hindi tumataas ang aking balahibo
tuwing makaaamoy ako ng nakasinding kandila.
O, ng mabangong bulaklak
pag malamig ang hangin.
Hindi ako nasisindak
ng pagbukas ng TV na wala namang nagbubukas,
pagsindi ng ilaw na wala namang nagsisindi,
pag-flush ng inidoro na wala namang nagpa-flush,
pag may kumatok na wala namang kumakatok.
Hindi ako takot sa dimonyo
at lalong di ako kikilabutan
multo ng tatay at kapatid ko.
Kaya iisipin na lang kita.
Eksenang wala ka.
Saka ako guguhit sa pader
ng mga nakakatakot na aking makikita-
pupunuin ko ito hanggang labas.
"sa loob loob ko lang..kailangan kita.."
-orange and lemmons
di ako natakot.
Natakot ako.
Wala na ba akong kinatatakutan?
Hindi pa tapos ang palabas
nang lumabas ang sagot.
Hindi ako takot kay Frakenstein.
Kay Dracula o kay Sadako.
O, dun sa malaking taong nakabarong
na akyat baba sa hagdanan.
Hindi tumataas ang aking balahibo
tuwing makaaamoy ako ng nakasinding kandila.
O, ng mabangong bulaklak
pag malamig ang hangin.
Hindi ako nasisindak
ng pagbukas ng TV na wala namang nagbubukas,
pagsindi ng ilaw na wala namang nagsisindi,
pag-flush ng inidoro na wala namang nagpa-flush,
pag may kumatok na wala namang kumakatok.
Hindi ako takot sa dimonyo
at lalong di ako kikilabutan
multo ng tatay at kapatid ko.
Kaya iisipin na lang kita.
Eksenang wala ka.
Saka ako guguhit sa pader
ng mga nakakatakot na aking makikita-
pupunuin ko ito hanggang labas.
"sa loob loob ko lang..kailangan kita.."
-orange and lemmons
2 Comments:
sang pader ko makikita yung mga naiguhit mo? :D isusumbong kita sa nbi.
""sa loob loob ko lang..kailangan kita.."
-orange and lemmons"-parang panokot lang ng orange and lemons ata ah :D
ayus.. kapagnapalayu ka sa mahal mu kahit ilang pader masususlatan mu.. isa lang ang pakiusap ku, naway sa pader ku ay makita rin ang sulat mu!! apir!
Post a Comment
<< Home