<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051209



FISHY

Kung magiging salamin ang dingding.
Magigi akong isang walang kwentang panoorin.
Isang animo'y isda na paikot-ikot.
Magtatalukbong ng kumot.
Dahil nakakabasag ng katinuan ang lungkot.

Mauupo, mahihiga, iinom, sisilip sa bintana.
Hahanapin sa mga dumadaang mukha
ang iyong mukha.

At muling mahihiga, hindi muna iinom
at mamaya na ulit sisilip sa bintana.

wait moko, kakagising ko lang...

Isang malaking countdown ang pagbibilang
ng mga humahakbang sa hagdanan.
Dadalingin na mga paa mo ang humahakbang.
Iisipin na pinag-iisang hakbang
ang dalawang baitang.
Upang sa kagyat,
marating agad ang tapat ng pinto namin.


papunta na ako, dont txt bak...

Nakakamatay ang kaba.
Pinapalakas nito ang lahat ng naririnig
ng abang tainga.

Kaya pala sa mga petshop
mahigpit na ipinagbabawal
na katukin ang salamin.

At alam kong batid mo iyon,
kaya marahang katok ang iyong idadampi.
At gaano man karahan,
makakahanap pa rin ako ng paraan
para iyon ay mapakinggan.

2 Comments:

Blogger lws said...

ang ganda ng tula mo ah.yung sa dulo ako nagtaka kung bakit hahanap ka pa ng paraan para mapakinggan siya ?may balakid ba ?

10:01 PM  
Blogger otom said...

uhm.

3:25 PM  

Post a Comment

<< Home