<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051128

hindi ko alam kung bakit hawak ko pa den ang cactus

Di ko alam kung ano nangyayare sa mundo lately, sablay. Sa dinami dami ng tao sa bahay namin saken pa nasira yung gripo. Pihit ako ng pihit tas natanggal sha tas pag bagsak sa sahig nabasag yung pihitan.

Tas kanina maglalaba dat kame ni bugoy, bigla naglaba habangbuhay sina Noriel at Emma. Naglalaba pa ren sila ngayun. Kinuha pa ni Harvey yung padlock namen ayaw isoli. Habol ako ng habol sa kanya. Futile efforts.

Gusto kong ibalibag yung celphone. Kahet korning quote wala.

anggulo ng post na ito. siguro naman kahet papano me idea na kayu kung anu nasa isip ko.

Post ko na lang yung lumang tula.

---
catharsis

hindi ito propesiya.
hindi ako si nostradamus.
hindi ako si morpheus.

naisip ko lang.

sa kotse ako mamamatay.

tatlong subo lang ng kaning bahaw
na sinabawan ng tulog na sebo ng adobo.

basag ang pinggan.
may pingas ang tasa.
walang laman ang umaga.

iaabot sa akin ang isang pasong may cactus.
iinumin ko ang kapeng may isang dosenang
bangkay ng mga gutom na langgam.

pagmamasdan ko mula sa bintana
ang huling ulan.
kakatok sa salamin ang isang magtatanong lang.

ano daw sa ingles ang
nalalantang bulaklak.

pmikit ako.

nag-iisip ako ng paborito kong bulaklak
pero wala akong makitang kulay.

ang cactus, hawak pa pala ng aking kamay.

nakita ko mula sa side mirror ang sarili ko.
nagsusuklay.

nagsusuklay ako?
anong araw ba ngayon?

nabasag ang salamin.
dumudugo ang aking kamay.
hawak ko pa rin ang cactus.
ano nga ba sa ingles
ang nalalntang bulaklak?

pumikit ako.

hindi ako si nostradamus.
di ako si morpheus.

nagsusuklay ako.

may babaeng tumatakbo sa direksyon
ng mga kangaroo.

di ko alam kung may kotse ako.
di ko naubos ang kape.
at di ko alam kung bakit
hawak ko pa rin ang cactus.

_____________________________
nakakamatay ang pagkabagot...

1 Comments:

Blogger lws said...

napatunayan ko na rin na walang steady sa mundo...pwede na 'yon na tanggalin sa diksyunaryo.

talaga nga naman ang galaw ng mundo.

btw,anong tula yun?pabasa naman.ang ganda ng mga naipon mong saloobin , naniniwala ako na mas nakakapagsulat ang isang manunulat kung may bahid na lungkot sa gilid ay may ibig ka atang ipadama na kakaiba.parang ganun ewan.

4:06 PM  

Post a Comment

<< Home