<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051127

Binibigyang hugis ng pagpanaw mo ang lahat ng lungkot ng linggong ito. I had a good cry. Kinakausap pa rin kita na parang sasagot ka. Mahinang ambon ang tanging pakikiramay na kayang ibigay ng langit.

__________________________________________________

nakakabobo daw ang lungkot. pinagsasalita ka nitong mag-isa.
pinapabagal nito ang kakayahan mong umintindi ng kahit simpleng panuntunan.


pinapakain ka nito ng dilis.

kahit bawal.

__________________________________________________

Naka-arbor kame ng mga gamet ni mamay tony. Raid ang nangyari matapos ang libing. Pero huli na ang lahat, naunahan na ako sa kanyang sumbrero.

__________________________________________________

kung ako ang buong daigdig
ni alex remollino

Sana'y ako ang buong daigdig,
at nang malayang makapagbigkis ang inyong mga puso.
Iisa ang inyong mga tag-araw,
iisa ang inyong mga tag-ulan.
Kung ako at ako rin lamang ang tatanungin,
sasabihin kong kayo'y mga pusong
pinapagbigkis sa langit.
Sana'y ako silang lahat,
ngunit hindi
at ito'y isang mundo
kung saan maging ang tibok ng mga puso
ay sinusukat sa kalansing ng ginto.
Sana'y ako ang buong daigdig.
Ngunit hindi,
kaya't nagkakasya na lang muna ako
sa paglangoy nang pasalunga
sa agos ng hibang na mundong ito.

6 Comments:

Blogger lws said...

eyyyy nakikiramay ako.

ako naman pag malungkot ako nakakapagsulat ako lalo tapos yung luha ko pagpunatak sa papel ang sarap pinturahan ang sarap igapos kung pwede ko lang itali ang luha naku po subra!ewan.

ang ganda ng tula ni alex pinapahayag niya na ang mundo ay bilog?o kailangan niya mag stay o steady sa mundo?

10:41 PM  
Blogger otom said...

salamat.

forever na ata akong malungkot mehn.

2:07 PM  
Blogger otom said...

wala saken yung tula. naisulat ko yun sa isang notebook. ewan ko kung buhay pa. pero its about how in the middle of unfortunate events nakikita mo pa ren yung positive vibration.

eg. pupunta ka sa park tas bigla walang abiso uulan. pero ang maganda dun kahet umuulan hawak mo ang kamay ng iyong ever dearest at kakanta kayu... ahk

1:06 PM  
Blogger lws said...

ahhhhh meron akong experience na ganyan na saloobin nasa park kami pero hindi umulan .pero nakapag let go na ako nasa panibagong yugto na ako at masaya rin syempre di mawawalan ng trials...ganun talaga ang buhay eh 'no as if ganun?haaaaaaaaay makikibuntong hininga na lang ako sa'yo

3:27 AM  
Blogger otom said...

Gusto ko tuloy magbuo ng mailing list ng mga taong malungkot.

9:44 AM  
Anonymous Anonymous said...

di bumuo ka...pag sumulat sila sa'yo "DEAR MR.SOMEBODY LONELY" magandang ideya yan .baka makasulat din ako sa'yo syempre pasulpo't sulpot ang kalungkotan at di ako steady.

7:05 PM  

Post a Comment

<< Home