<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20051121

What can i give this christmas?

Maaari bang baligtarin ang tanong? maaari bang palitan?

What will i have this christmas?

Pede bang humingi ng kamay na panyo na papahid sa aking mga luha? Ng balikat na aking hahagulgulan? Ng boses na magsasabing "andito na ako di na kita iiwan muli, pramis"?
Ng kamay na mag-aalay ng akap, isang mahigpit?

Mahirap magpanggap na "okey lang ako" lalo ngayong isa na namang pighati ang inihulog ng langit. Mahirap magpasalamat sa Diyos kung ganitong kahit anino mo ay malayo sayo na kahit sarili mong boses di mo marinig.

Paborito talaga ako ng Diyos.

Mahal nga siguro nya ako kaya lagi niya akong pinapansin.

Nakakatuwa nga siguro akong tingnan pag umiiyak sa CR. Pag umiiyak pag nagtetxt. Pag kumakain. Pag umiiyak habang nagsisipilyo. Pag natutulog at yakap ang paborito kong unan. Pag magigising ng alas tres ng madaling araw at manghihinayang bat di pa ako binangungot.

Pero wala akong galit kanino. Pramis.

Inosenteng tanong lang-

Bakit kailngang danasin ang ganito.

_______________________________________

Habang naglalakad lakad ako kagabe at nagi-isip, bumulong ako-

"lolo, pahinga ka na at plis 'lo bitbitin mo na ang mga problema ko."

7:30 pm Sa parehong oras, namatay ang lolo ko. Buti umabot pa ang mami ko. Mdali sanang tanggapin ang lahat kasi sobrang nahihirapan na sha. Yun nga lang, It came in a time na sobrang magulo ang isip ko sa kung anu ano.

magpapasko pa naman. at birthday ni..

_______________________________________

Isang boses lang ang gusto kong marinig sa mga oras na ito.



2 Comments:

Anonymous Anonymous said...

Ng boses na magsasabing "andito na ako di na kita iiwan muli, pramis"?


-----

hala.. para kanino kaya ito.. hmm

7:44 PM  
Anonymous Anonymous said...

sikwet

11:41 AM  

Post a Comment

<< Home