<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051212

message number 1650

Im really disappointed. Errr. Una sa lahat wala ako dapat dito asa Ortigas dat ako o kaya sa Makati nag-aaply. Pewo yun nga andito ako. Handa na ang lahat. Nagpapritn nako ng sobrang madaming resume. Handa na ang polo-shirt. At me pamasahe na ako. dala ko na din ang mayabang kong 28 word per minute na mga daliri. Pero, yun nga, inubo ako nang inubo kaninang madaling araw hanggang sa mga sandaling ito. Ubo Ubo. Me phobia pa naman ako ngayun sa pag-ubo kase baka..lagi kong nilalasahan kung lasang.. niwey. Nakatulog ako sandali, pero nagising din nang tapikin ako ni mader kase ubo daw ako ng ubo at uminom daw ako ng gamot na ako din pala ang bibili sa Mercury. Fastforward, yun bumili ako sa Mercury ng halos pikit pa ang mata. Pagdating ko wala na sila. Home Alone na naman ako. Uminom ako ng gamot. Kumain ng tinapay, sinubukang matulog ulit. Di ako nagtagumpay. Bumangon ako at nagbasa ng libro.

Naiines na ako, wala akong masabing matino. Gaya kahapon nasa Pasig kami [di ko na kukwento yung papunta ako dun] ako ang naatasang magpakilala sa KM64. Napakadali lang sana kase, ilang beses ko nang naipakilala ang grupo. Pero ewan kung nasaan ang utak ko at toink. Ilang minuto akong salita ng salita pero wala akong naiintindihan sa sinasabi ko. Ilang bese kong inulit ang salitang "nagtatanghal sa iba't ibang paaralan, kalsada". Nang mahalata kong wala na akong sinasabing matino nagpsalamat na lang ako sa imbitasyon at naupo. Pagkaupong pagkaupo ko, saka ko lang naalala na di ko pala nasabi kung bakit KM64 ang pangalan ng KM64.

Matapos magsalita ang taga-Pasig ako na ang tutula. Saka ko sinabi kung bakit KM64 ang KM64.

Pagkatula ko lumabas muna ako, sagap ng hangin. Sumunod si Maggs, isang cool na mama na ka-batch ni Emman Lacaba. Kinuha ang aking contact number. Lagi niya akong pinapaalalahanan na wag ko na shang po-in. Lagi ko namang nalilimutan.

Natapos ang event. Muli, akong nilapitan ni Maggs, isulat ko daw ang url ng KM64 at email address. Toink, pramis nung sinusulat ko na yung www di ko na alam kung anu kasunod tinanong ko pa si Alex. Groups, sabe niya. Ok, www.groups.kilometer64.com. Uh. Mali. Groups.yahoo dapat.Bura. Ok, www.groups.yahoo/kilometer64.com. Oops, bura. Nakita ako ni Alex, sabe niya ulitin ko na daw kase di na maintindihan, puro bura. So inulit ko. www.groups.yahoo.com/group/kilometer64 . Pero ngayun nagyun lang, iniisip ko na parang naglagyan ko ng .com yung kilometer64. Argh. Pinasulat niya ulit ang aking contact number. Tulad ng url ng km64, nalimutan ko, kung anu ang sunod sa 091542347--, antagal ko nag-isip bago ko naalala na 59. Teka yun nga ba?

Yun. Ewan. Naiines ako.

Ilang tula po muna..


TXTNONSTOP

Painitin ang mantika sa kawali.
Igisa ang iba't ibang
parte ng itong cellphone.

Isama ang charger kung maibigan.

Dagdagan ng kaunting tubig
kung kinakailangan.

Kung tapos na,
hanguin at kunin ang sim card.
Tignan kung pwede pa.
Tignan din kung
meron nang mensaheng tinanggap.


___________________________
Toxic ang mundong ito, honey
or should I say, ang sequence na ito, baby



Toxic ang mundong ito, honey.
Isa siyang buhok na di sinuklay.
Isang batang iyak ng iyak
na ayaw namang dumede.
sigaw ng sigaw- sigawan ko nga.
Pathetic.
Ganito lang siguro pag walang radyo.
Matigas ang unan, walang hangin ang electric fan.
Parang ihing-ihi ka na pero walang masakyan.
Wala kang masisi kaya magmumura ka na lang
ng pabulong.
Loser.
Nauubusan na ako ng magandang pangit
na mga salita na magsasalarawan
kung gaano ka-toxic ang pathetic na mundong ito.

Uulitin ko na lang.
Toxic ang mundong ito, honey.
Lalo na at wala ka.


Yun, palabas kagabe yung The Grinch. Napansin ko lang, halos lahat pala ng pelikula ni Jim Carrey, malungkot yung character. Kaya lang dismayado ako sa ending eh. Taksil si Grinch.

Yun, puchang ubo tu o.

Hay, Itapon ko kaya tung cellphone na ito. Wala na ngang load, wala pa nagtetext.

isang tula ulit..


1250

Hindi kita ihahambing kaninuman.
Hinding hindi.
Pagkat nag-iisa ka lang.
Walang katulad.

2 Comments:

Blogger lws said...

nagde-deliryo ka ata pag may nararamdaman ka sa katawan mo(mahirap pag inuubo)di makapagsalita ng matinong boses.

sana matanggap ka sa trabaho na aaplayan mo.hayaan mo ipapanalangin ko yan at ganundin ang yong kalusugan.

9:34 PM  
Blogger otom said...

Salamat. Di naman mashadu deliryo. Slight?

8:06 PM  

Post a Comment

<< Home