<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051130

STUDIO TYPE






ang tanging gumagalaw lang






sa mga sandaling ito





ay ang kurtina ng kapitbahay.





nakatitig lang ang lahat





ng bagay, mayroon man o walang buhay.





kahit ata mata ng diyos.











pinipilit kong buksan ang ilaw





sa pamamagitan ng aking isip.





nang matabig ng pusa





ang baso sa lamesa.





natapon ang tubig,





pero walang nabasag.











bumukas ang telebisyon.





umandar ang bentilador.





umugong ang refrigerator.





lumipad ang lamok, busog na busog





mula sa aking batok.

mas masarap kasing magmeryenda paga kasabay ka

Windang ever pa den, pero in furness mejo ok naman kaysa sa dati. Yun, nagpapractice magtype ng mabiles. asdf jkl; asdf jkl; asdf jkl; ff jj ff jj fj fj fj jf jf jf.

Argh.

Tortang itlog ang laman ng isip ko. Papunta ako mamaya sa simulation exam ko. Pucha, bat ba kinakabahan ako.

Ok. Relax, sabi nga ni Jen, "Isipin mo na lang ginagawa mo yan para sa kanya." Onga naman. Kelangan malinaw ang isip ko pag andun ako. Focus iho.

You want to win her back di ba? kaya kelangan di ka ganyan.

Anak ng tinapay, kinakausap ko na naman ang sarili ko.

Funny, pero there came a time that I even talked to a pillow. Kilala mo ba si Wilson? Yung ball-friend ni [kitamo nga naman pati sha nakalimutan ko, yung bida sa Cast Away?] Pramis meron sa bahay nun. Kung si Wilson volleyball, Yung asa bahay basketball. Name? wala pa eh. Nakaharap sha sa kama ko, kaya pag nakatagilid ako kita ko sha.

Plis dont think Im crazy.

Minsan nakong tinawag na nasisiraan ng ulo nang magpost ako ng isang link sa isang gospel song.

Ok.

Di kita massisi kung puro "tsk" ang gawin mo while reading this entry.

Pramis, You dont have an idea kung ano ang pedeng gawen ng isang taong malungkot. kahit sino kakausapin mo. Kahit ano. Kahit unan. Kahit laruan.

I have this toy that blinks in the dark. Every night, ito yung nagpapatulog saken. Para shang star. Mahal ko ang mga star. Kaya siguro binili ko yung toy na yun. Kase kahet papano, nagkaroon ako ng isang star sa bahay. Star na nahahawakan ko.

With faith of a child
im wishing upon a mighty star.

Two words.

Come back.


A chat friend said, laging anjan ang mga stars.

Yeah, kahet maulap at umuulan. Kahet umaga. Anjan lang sila.

---

Im searching for the Pupil's new single, Nasaan Ka? Wala akong makita.

Dat asa LB ako ngayun. Pero olats. Gudlak guys.

At kay Anei, yearning to see you.

Argh.

20051129


Artists for the Removal of Gloria (ARREST Gloria!) will be in UP Los Banos on November 30 for a multi-media production featuring the artists Wuds, dongabay, Anino Shadowplay Collective, Radioactive Sago Project, Traumaligno, Blazing Bulalakaws, Cynthia Alexander, ST Exposure, Kilometer 64 poetry collective, The Brockas, Agaw Agimat, Kwatro Beinte, KUMASA, ARTIST. Inc, Umalohokan, Soliman Cruz and Pen Medina.

Produced by ARREST Gloria! and ST Exposure in cooperation with the Samahan ng Kabataan Para Sa Bayan, Alpha Phi Omega Fraternity, Beta Sigma Fraternity, Pi Sigma Fraternity, Pi Sigma Delta Sorority, Sororitas Astum Scientis, Forestry Society, Sigma Alpha Nu Sorority, Gabriela Youth, UPLB DevComm Soc, UPLB Ibarang, UPLB League of Filipino Students, UPLB Anakbayan, UPLB Writers Club, UPLB Sarong Banggi and Umalohokan.

Special thanks to Jhen's fastfood and take-out, Bonito's, Painters Club, Gabriela-ST, Pamantik-KMU, and Bayan-ST.

20051128

When You Know
-Shawn Colvin
ost serendipity

When you know that you know who you love, you can't deny it.
Or go back, or give up, or pretend that you don't buy it.
When it's clear this time you've found the one, you'll never let him go
Cos you know and you know that you know.

When you feel in your skin in your bones and the hollow
Of your heart, there's no way you can wait till tomorrow.
When there isn't any doubt about it once you come this close
Cos you know and you know that you know.

You can feel love's around you like the sky 'round blue
This is how love has found you, now you know what to do.

When you know that you know who you need, you can't deny it.
Or go back, or give up, or pretend that you don't buy it.
When it's clear this time you've found the one, you'll never let him go
Cos you know and you know that you know.

And it's time you come in from the cold.
Haaa...
And you know that you know.

hindi ko alam kung bakit hawak ko pa den ang cactus

Di ko alam kung ano nangyayare sa mundo lately, sablay. Sa dinami dami ng tao sa bahay namin saken pa nasira yung gripo. Pihit ako ng pihit tas natanggal sha tas pag bagsak sa sahig nabasag yung pihitan.

Tas kanina maglalaba dat kame ni bugoy, bigla naglaba habangbuhay sina Noriel at Emma. Naglalaba pa ren sila ngayun. Kinuha pa ni Harvey yung padlock namen ayaw isoli. Habol ako ng habol sa kanya. Futile efforts.

Gusto kong ibalibag yung celphone. Kahet korning quote wala.

anggulo ng post na ito. siguro naman kahet papano me idea na kayu kung anu nasa isip ko.

Post ko na lang yung lumang tula.

---
catharsis

hindi ito propesiya.
hindi ako si nostradamus.
hindi ako si morpheus.

naisip ko lang.

sa kotse ako mamamatay.

tatlong subo lang ng kaning bahaw
na sinabawan ng tulog na sebo ng adobo.

basag ang pinggan.
may pingas ang tasa.
walang laman ang umaga.

iaabot sa akin ang isang pasong may cactus.
iinumin ko ang kapeng may isang dosenang
bangkay ng mga gutom na langgam.

pagmamasdan ko mula sa bintana
ang huling ulan.
kakatok sa salamin ang isang magtatanong lang.

ano daw sa ingles ang
nalalantang bulaklak.

pmikit ako.

nag-iisip ako ng paborito kong bulaklak
pero wala akong makitang kulay.

ang cactus, hawak pa pala ng aking kamay.

nakita ko mula sa side mirror ang sarili ko.
nagsusuklay.

nagsusuklay ako?
anong araw ba ngayon?

nabasag ang salamin.
dumudugo ang aking kamay.
hawak ko pa rin ang cactus.
ano nga ba sa ingles
ang nalalntang bulaklak?

pumikit ako.

hindi ako si nostradamus.
di ako si morpheus.

nagsusuklay ako.

may babaeng tumatakbo sa direksyon
ng mga kangaroo.

di ko alam kung may kotse ako.
di ko naubos ang kape.
at di ko alam kung bakit
hawak ko pa rin ang cactus.

_____________________________
nakakamatay ang pagkabagot...

20051127

Binibigyang hugis ng pagpanaw mo ang lahat ng lungkot ng linggong ito. I had a good cry. Kinakausap pa rin kita na parang sasagot ka. Mahinang ambon ang tanging pakikiramay na kayang ibigay ng langit.

__________________________________________________

nakakabobo daw ang lungkot. pinagsasalita ka nitong mag-isa.
pinapabagal nito ang kakayahan mong umintindi ng kahit simpleng panuntunan.


pinapakain ka nito ng dilis.

kahit bawal.

__________________________________________________

Naka-arbor kame ng mga gamet ni mamay tony. Raid ang nangyari matapos ang libing. Pero huli na ang lahat, naunahan na ako sa kanyang sumbrero.

__________________________________________________

kung ako ang buong daigdig
ni alex remollino

Sana'y ako ang buong daigdig,
at nang malayang makapagbigkis ang inyong mga puso.
Iisa ang inyong mga tag-araw,
iisa ang inyong mga tag-ulan.
Kung ako at ako rin lamang ang tatanungin,
sasabihin kong kayo'y mga pusong
pinapagbigkis sa langit.
Sana'y ako silang lahat,
ngunit hindi
at ito'y isang mundo
kung saan maging ang tibok ng mga puso
ay sinusukat sa kalansing ng ginto.
Sana'y ako ang buong daigdig.
Ngunit hindi,
kaya't nagkakasya na lang muna ako
sa paglangoy nang pasalunga
sa agos ng hibang na mundong ito.

20051125

Segundo
-dong abay

kung sa isang iglap makalimutan ng diyos
na ako ay isang manikang basahan
at kanyang pagkalooban ng kapirasong buhay
hindi ko sasabihin lahat ng iniisip
sa halip ay isipin ang lahat ng sasabihin
itatangi ko ang bawat bagay-bagay
hindi dahil lamang sa kahalagahan nito
kundi sa kung ano ang kahulugang totoo
ako'y matutulog ng kaunti, mas mananaginip
mauunawanna sa bawat minutong nakapikit
mawawalan tayo ng animnapung segundo ng liwanag

maglalakad ako kung ang iba ay ayaw humakbang
mananatiling gising kung ang iba ay maidlip
makikinig ako kung may magsasalita
kung ako ay may puso, isusulat ko ang poot sa yelo
at maghihintay sa pagsikat ng araw
ang aking luha ang didilig sa rosas
sa kanyang tinik dadamhin ko ang kirot
at ang pulang halik ng kanyang talulot
ipababatid sa lahat ng minamahal na minmahal ko silang lahat
mabubuhay ako nang nagmamahal sa pag-ibig

marami akong natutunan mula sa mga kilala
ngunit ang katotohanan wala itong pakinabang
kahit pa ingatan ko sa loob ng maletang ito
malungkot ko pa ring lilisanin ang mundo

Me tribute album sa heads that will be launched this nov29 sa up dil. 300 php ang tikets.

Etu yung mga asteg. ang huling el bimbo ni rico j, huwag kang matakot ng orange & lemons asteg tu pramis, spoliarium binanatan ng imago, alkohol ng sago,at huwag mo nang itanong ng mymp.

Long live ely buddy raymund and markus!

Long live the heads!

Why isn't the sky bright at night if the universe has so many stars?

It was a lengthy talk with Alex Remollino last night. Pinagsarhan na kame ng newsdesk kaya sa labas namen tinuloy yung chat. To think that early morning he has an appointment with CAP. But it was so interesting to both of us that we never mind.

And you have no idea what our topic was.

clue?

Four letters. Starts with the letter L.

_____________________________________________________
Dapat sanay nako sa kalsada. Sa mga pag-uwi ng gabi. Sa pagtayo sa mga deserted na mga lugar habang nag-aantay ng jeep. But last night freaked me out that i didnt sleep. Teka me bago ba sa di ako makatulog?

Here's the story. It was around 2:30 am, I was standing behind the pink footbridge,
waiting for a quiapo-bound-jeep pass. eto na, a car stopped in front of me. Mehn napagkamalan akong bugaw. Tatlong bagets ang sakay ng car. Nagtanong sila kung me babae daw ako. Of course, i said, sorry i have none. Obyusli bangag sila, nagalit ba naman. they shouted at me. Eh bat ka anjan? Eh anong ginagawa mo jan? I told them na im waiting for a passenger jeep. Kaso, anlakas ng trip ng mga loko. umamndar ng konti tas suddenly bigla umatras. Tas they force me to ride in the car. Yeah, pilit nila akong pinapasakay sa koste. The guy behind the drivers seat even tried to get out of the car, and pounce on me.

Luckily, me dumaang jeep. Pramis ni di ko nakita yung karatula nya, kung anong biyahe nya sakay na lang ako bigla.

This came days after na mapagkamalan naman akong call boy sa Taft ave.

Ewan, di nakakatuwa yung mga latest experience ko sa kalsada.







______________________________________________________
One Big Fight! Im gonna win you back anei.

20051123

Apee Birthday Roma

repost

-----------------------------------


SA PAGITAN NG KANTA NG THE POLICE


There's a little black spot on the sun today
It's the same old thing as yesterday
There's a black hat caught in a high tree top
There's a flag pole rag and the wind won't stop

"minsan gusto kong isiping nakakapagod ang mag antay."

I have stood here before inside the pouring rain
With the world turning circles running 'round my brain
I guess I'm always hoping that you'll end this reign
But it's my destiny to be the king of pain

"pero di pala. lalo kung tulad mo yung aantayin"

There's a little black spot on the sun today
That's my soul up there
It's the same old thing as yesterday
That's my soul up there
There's a black hat caught in a high tree top
That's my soul up there
There's a flag pole rag and the wind won't stop
That's my soul up there

"ok lang"

I have stood here before inside the pouring rain
With the world turning circles running 'round my brain
I guess I'm always hoping that you'll end this reign
But it's my destiny to be the king of pain

" kahet matagal,
kahet na"


There's a fossil that's trapped in a high cliff wall
That's my soul up there
There's a dead salmon frozen in a waterfall
That's my soul up there
There's a blue whale beached by a springtide's ebb
That's my soul up there
There's a butterfly trapped in a spider's web
That's my soul up there

"pero kung di na kita maantay dito, say
kulang ang panahon, ang buhay.
may iba pa namang mundo di ba"


I have stood here before inside the pouring rain
With the world turning circles running 'round my brain
I guess I'm always hoping that you'll end this reign
But it's my destiny to be the king of pain

"baka dun na lang, in another life..see you in another life..
baka mas astig na ako dun"


There's a king on a throne with his eyes torn out
There's a blind man looking for a shadow of doubt
Ther's a rich man sleeping on a golden bed
There's a skeleton choking on a crust of bread

"mas astig"

King of pain

" mas astig"

There's a red fox thorn by a huntsman's pack
That's my soul up there
There's a black winged gull with a broken back
That's my soul up there
There's a little black spot on the sun today
It's the same old thing as yesterday

" mas astig.. better man"

I have stood here before inside the pouring rain
With the world turning circles running 'round my brain
I guess I'm always hoping that you'll end this reign
But it's my destiny to be the king of pain

"see you there..see you there.. see you there."

King of pain
King of pain
King of pain

I'll always be king of pain
I'll always be king of pain
I'll always be king of pain...

20051122

gusto
by khavn d.l.

parang bitin pa rin kahit anong gawin di parin makuntento hindi pa rin hinahanap-hanap ka hanggang ngayon sinta hindi pa rin masanay sanay sa pagiisa gusto kong halikan ang labi mo gusto kitang yakapin hanggang umaga gusto kong marinig ang buhay mo gusto kong halikan ang puso mo gusto kitang kasama hanggang may umaga tanong mo pa sa akin kung ano ang aking gusto ano pa ba ang hindi nakukuha ano pa ba sagot ko naman sayo wala na akong gusto kundi paulit-ulit ulit na ganito gusto kong marinig ang boses mo gusto kong halikan ang labi mo gusto kitang yakapin hanggang umaga gusto kong marinig ang buhay mo gusto kong halikan ang puso mo gusto kitang kasama hanggang may umaga.
in times of trouble dont say

hey god,
i have a big problem

but say

hey problem,
i have a big god.


di natin dapat kinakatakutan ang problema. ang bukas na dadating. bagamat dat talagang paghandaan hindi naman pedeng sirain na lang nito ang kung anumang meron tayu ngayun.

lalo na kung maganda.

wala tayung di magagawa kung magtitiwala tayu sa ating sarili, sa ating kapwa, at shempre sa Diyos.

OUR GOD IS BIGGER THAN LIFE.

we dont have to worry.

keep the faith.
____________________________

something good is going to happen.

basta.
A beauty-contest-question puffs.

What will you give up this christmas?

Toink.

Wait up. What do i have by the way?

Insert another toink here.

Ok, I dont want to act like hey-i-hate-christmas-ala-the Grinch here.

answer the question idiot!

Well, everybody have christmas wishes this time of the year.And regardless of you getting your wish or not, you are still entitled to atleast one.

go straight to the point you moron!

Ok, Im giving up my christmas wish. And im announcing it starting from now. Its up for grabs. First come, first serve basis.

Offers good while supply lasts.


------------------

TRANSFLUTHRIN 0.02%

At bumitaw ang huling kamay.
Pumikit ang huling mata.

Tuloy ang lahat sa paglakad.
Walang lumingon sa pagguho
ng aking palasyo.

------------------

20051121

i dont like mondays

The silicon chip inside her head
Gets switched to overload,
And nobody's gonna go to school today,
She's going to make them stay at home,
And daddy doesn't understand it,
He always said she was as good as gold,
And he can see no reason
Cos there are no reasons
What reason do you need to be shown

Tell me why
I Dont't like Mondays
I want to shoot
The whole day down

The Telex machine is kept so clean
As it types to a waiting world,
And Mother feels so shocked,
Father's world is rocked,
And their thoughts turn to
Their own little girl
Sweet 16 ain't that peachy keen,
No, it ain't so neat to admit defeat,
They can see no reasons
Cos there are no reasons
What reason do you need to be shown

Tell me why ...

All the playing's stopped in the playground now
She wants to play with her toys a while
And school's out early and soon we'll be learning
And the lesson today is how to die,
And then the bullhorn crackles,
And the captain crackles,
With the problems and the how's and why's
And he can see no reasons
Cos there are no reasons
What reason do you need to die

The silicon chip ...

Tell me why ...
What can i give this christmas?

Maaari bang baligtarin ang tanong? maaari bang palitan?

What will i have this christmas?

Pede bang humingi ng kamay na panyo na papahid sa aking mga luha? Ng balikat na aking hahagulgulan? Ng boses na magsasabing "andito na ako di na kita iiwan muli, pramis"?
Ng kamay na mag-aalay ng akap, isang mahigpit?

Mahirap magpanggap na "okey lang ako" lalo ngayong isa na namang pighati ang inihulog ng langit. Mahirap magpasalamat sa Diyos kung ganitong kahit anino mo ay malayo sayo na kahit sarili mong boses di mo marinig.

Paborito talaga ako ng Diyos.

Mahal nga siguro nya ako kaya lagi niya akong pinapansin.

Nakakatuwa nga siguro akong tingnan pag umiiyak sa CR. Pag umiiyak pag nagtetxt. Pag kumakain. Pag umiiyak habang nagsisipilyo. Pag natutulog at yakap ang paborito kong unan. Pag magigising ng alas tres ng madaling araw at manghihinayang bat di pa ako binangungot.

Pero wala akong galit kanino. Pramis.

Inosenteng tanong lang-

Bakit kailngang danasin ang ganito.

_______________________________________

Habang naglalakad lakad ako kagabe at nagi-isip, bumulong ako-

"lolo, pahinga ka na at plis 'lo bitbitin mo na ang mga problema ko."

7:30 pm Sa parehong oras, namatay ang lolo ko. Buti umabot pa ang mami ko. Mdali sanang tanggapin ang lahat kasi sobrang nahihirapan na sha. Yun nga lang, It came in a time na sobrang magulo ang isip ko sa kung anu ano.

magpapasko pa naman. at birthday ni..

_______________________________________

Isang boses lang ang gusto kong marinig sa mga oras na ito.



20051120

see you soon baby

When it rains it pours.

Im in a deep deep slump right now. My self esteem is in critical zero level. Olats.

----------
Mom rushed to Lipa earlier. Teary eyed while fixing her looks before the little mirror. Lolo is in serious condition. Halos lahat na ng mga tita at tito ay andun sa bedside nya.

Lo, pahinga ka na.
----------
hopeful pa den ako despite the recent "developments". I know meron pa den. Give her time.

I will.

Hey anei, i will see you soon. and i'll promise i'll be better.

i love you so much.

20051117

alam mo ba yung feeling nung lion sa manila zoo? yung ikot lang sha ng ikot kahet maganda yung kulungan nya at sureball ang pagkain? tas anlaki laki ng kulungan nya pero mag-isa lang sha?

sobrang lungkot siguro no? kaya siguro di sha ganun kasigla. wala kang idea no?

tara sa bahay namen me leon dun.

ako.

_________________________

roma ikaw ang pinakamagandang pangyayari sa buhay ko.
PINAGKAKAMALAN KONG BITUWIN ANG EROPLANONG
UMIILAW ANG BUNTOT
NG MATINGKAD NA PULA

muli di na naman ako sinipot ng ulan.
sa gabing walang maibigay na rason,
kung bakit ayaw ako dalawin ng antok
at ang mga tala
di ako kayang titigan.

umid ang buwan
bingi sa aking himutok.

habang hinihintay ang ulan;
buong galang kitang inihihimlay
sa aking gunita, kamalayan.
inaaliw sa pag-asang
maaawa ang tadhana.
upang sa sandaling maidlip-
di na ako pulikatin
at ang mga tugon,
di ko na hanapin.

20051116

20051114


20051111

si coco simo pala ang ama ng anak ni kat de luna

Bawat umagang inawa ng mahabaging diyos, ginigising ako ng boses ni Connie. Gaya kanina, akalain mo ba namang gigisingin ka ng How did you know i needed someone like you in my life? tas susundan ng Born for You ni David Pomeranz tas King and Queen of Hearts tas Hari ng Sablay. Lekat.

In all furness, maganda naman boses nya.


***

Ang bahay na siguro namen ang pinakamusically-inclined na household sa buong maynila. As in lahat ng tao dito ay kumakanta. Halo halo. Mula kantang bikolano hanggang sa mga christhian songs narinig na siguro ng mga gagambang lamok sa cr.

***

Napanood ko kanina yung mga anak ni Rey Valera sa SIS. Asteg, lahat sila asa banda. Tas ka-jamming nila yung erpat nila. Kewl.

Here's a line from their song na may airplay na sa mga leading FM stations.

"handa akong subukin ang walang hanggan,
gagawin ko para lang sa iyo.."


*winks

***

hanggang dito ba naman may maririnig akong pinoy ako pinoy tayo?

hay nako.

20051107

BULONG # 7
Gabi ng tula , awit at iba pang Pagtatanghal

November 12, 2005
7pm
ROUND EYEGLASS KAPE
Adriatico st, malate manila (infront of starbucks)

Poetry
Music
Performance art
" One loves the sunset, when one is so sad"

-The little Prince
ayan po maam, mainit init pa. posted in km64 egroup last march 22, 2004 2:26pm

internet yung may word

hindi computer ang computer
kung wala ka.
kung offline ka.

para lang syang typewriter.
hindi sya computer.

hindi mouse ang mouse.
hindi monitor ang monitor.
hindi keyboard ang keyboard.

pag hindi dilaw ang icon
sa tabi ng iyong ym id.
para lang syang tv,
puro patalastas
wala namang magandang palabas.

hindi yahoo ang yahoo.
hindi cpu ang cpu.
hindi upuan ang upuan.
hindi scanner ang scanner.
hindi printer ang printer.
hindi aircon ang aircon.
hindi guard ang guard.
hindi billsgate ang billsgate.

hindi ako, ako.
kung wala ka.

mabuti pang mag sign out.

are you sure you want to disconnect?
you wont be able to send and receive messages.

yes.

20051105

tulog na tayu maaga pa tayu bukas

maikli lang tu. nasugatan na naman for the nth time ang daliri ko. pramis sa isang daliri me tatlong laslas kaya di ako makatype ng maayus. ang gamet ko nga eh middle finger, sosi nga akong magtype pramis.

yun, one year and 4 moons. great? nah the best has yet to come. loveunii.

salamat den.