<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040630

14th president

pag mey mob tas umuulan
parang mas astig..
parang subrang taas ng militansya..
kaya kanina..
parang gustu ku maligo gaya ng ibang kasama.
parang ansarap
magpakabasa.
kaya lang ayaw kung magmukhang tanga
kase me dala akung subrang malaking payung
peru though basanag basa aku
natawa lang aku ng makita ku yung mga
pulis habang
parang kabuteng
nakasukob sa mga sheild nila.
nasabe ku tuloy...

sinu ngayun ang mukhang tanga.

20040629

LEATHER SHOES

pag sanay talaga ang paa mu
na naka tsinelas..
uh uh..
pasakit maglakad
ng naka balat.
er..
lalu't kelangan mung tiisen yun mula alas
nueve
ng umaga
hanggang
magsawa ka sa pagtamaby sa boracay.

ayun nasa fudge daw sila.
makapunta nga.

20040627

mushy mushy mushy all the way

ehem.
----

CRAZY FOR YOU

Swaying room as the music starts
Strangers making the most of the dark
Two by two their bodies become one

I see you through the smokey air
Can't you feel the weight of my stare
You're so close but still a world away
What I'm dying to say, is that

Chorus:

I'm crazy for you
Touch me once and you'll know it's true
I never wanted anyone like this
It's all brand new, you'll feel it in my kiss
I'm crazy for you, crazy for you

Trying hard to control my heart
I walk over to where you are
Eye to eye we need no words at all

Slowly now we begin to move
Every breath I'm deeper into you
Soon we two are standing still in time
If you read my mind, you'll see

(chorus)

It's all brand new, I'm crazy for you
And you know it's true
I'm crazy, crazy for you


20040624


Some things are true whether you believe in them or not.

alam kaya nyang percula clown ang pangalan sa kanya? alam kaya nyang isda sha.

20040622

flavored cappuccino irish cream, 50 pesos

iniseep ku lage kung mashadu na bang malake
ang mundo
o
aku ang hinde na fit
dito.
[?]

niwey, meet mamya sa FUDGE.

...naamoy ku na ang kape.

20040615

if you see my reflection..


Landslide

C – G – Am – G C – G – Am – G

C G Am - G
1. I took my love, I took it down,
C G Am - G
climbed a mountain and I turned around.
C G Am G
And I saw my reflection in the snow-covered hills,
C G Am - G
till the landslide bought it down.

C G Am - G
2. Oh, mirror in the sky, what is love?
C G Am - G
Can the child within my heart rise above?
C G Am G
Can I sail through the changin' ocean tides?
C G Am G
Can I handle the seasons of my life?

C – G – Am – G C – G – Am – D
Oho.

G D Em
Well, I've been afraid of changing 'cause I've
C G Am - D
built my life around you.
G D Em
But time makes you bolder, even children get older,
C G Am - G
and I'm getting older too.

Instr. = C – G – a – G (3x) C – G – a – D

G D Em
Well, I've been afraid of changing 'cause I've
C G Am - D
built my life around you.
G D Em
But time makes you bolder, even children get older,
C G Am - G
and I'm getting older too,
C G Am - G
I'm getting older too.
C G Am - G
3. Ah-ah, took my love, took it down,
C G Am G
ah-ah, climbed a mountain and turn around.
C G Am G
And if you see my reflection in the snow-covered hills,
C G Am - G
a landslide brought it down,
C G Am - G
a landslide brought it down.

C – G – Am – G C – G – Am – G C
Aha. Aha. Aha.

(Smashing Pumpkins)

20040612

kahet lubak lubak wag kang hihinto, mauunahan ka...

madilim sa parteng itu ng qc. itu daw yung balete drive, the famous balete drive. ewan kung baket aku napunta ditu. malinaw naman ang instructions,"baba sa betty go belmonte, lakad tas kaliwa sa rosario, yun dun na, tabi ng holy spirit.

niwey, ayus.

parang festival ng mga short and poetic films. yung una, red saga ni kiri delena at ng stex pipol, tas yung mga gawa ng taga mfi.
pinilabas den yung video ng astro cigarrette ng sago,[inagaw mo ang kahat sa akin ka 2]. tas shempre yung astgmatism ni direk jon.

wala akung masabe. astig.


robin padilla in jon red's "astigmatism"..

20040610

on immortality..

isa pang luma..oktubre 18 2002

POR EBER

sinong mag-aakalang
masusumpungan ang hinahanap na walang hanggan
sa isang digmaan.
at sa digmaang ito rin
matutumbok ang katapusan
na siya palang simula ng kailanman.

tuluyan mang dumilim ang langit

lumang tula..
--------

ANG LANGIT

sugatan ang mukha.
namumugto ang mga mata sa pagluha.
lumalamlam na yata ang aking rebolusyon.

tinamaan ako.
tagusan ang tinanggap kong punglo.
sunog sa pulbura ang braso.
humuhulagpos sa pagkakakipit ang buhay ko.

wala na akong nakikita.
manhid na ang pandama
pero pipilitin pa ring marinig ka.

didinggin ang pagtawag mo
sa pangalan ko.
kung sasabihin mong kailangan mo ako.

duguan akong babangon para sa iyo,
manalig kang darating ako,
upang makapiling mo sa huling pagkakataon.
matapos man dito ang ngayon.
may ngiting lilingunin ko ang kahapon.
tuluyan mang dumilim ang langit ng aking rebolusyon.

20040607

mabuting anak ng bayan

rey"cocoy"corpin, 13.
kasama ng 8 pang magsasaka ay pinaslang ng mga elemento ng 19th infantry batallion,pa. malapit sa kanyang bangkay ay mga orkids na ibibigay sana niya sa kanyang inay.....
si cocoy ay isang anakbayan.



orkids

ang orkids na ito ay
para sana kay inay.
ireregalo ko bilang
pasasalamat para
sa pagtatapos ko sa elementarya.
di ko sukat akalain
na sa kabaong ko ito ilalagay
ni inay.

kung alam ko lang.
sana;
nakapili ako at dinamihan ko ng
paborito kong kulay.

naibigay ko sana kay inay ng mas
maaga.

at kung alam ko lang na
di na kami magkikita;
nasabi ko sana bago umalis,
na -inay, paalam. mahal kita.

pero sadyang mabilis ang mga pangyayari.
ni hindi ko nga
nagawang magtanong sa mga army.
nakataas na't lahat ang aking
mga kamay,
inasinta pa rin ako't pinaputukan.
sa kilikili ako tinamaan.
mainit, mahapdi.
pero saglit lang.

kung alam ko lang
na ako talaga'y patatamaan.
nakadampot sana ako ng kung
ano't
nakipagsabayan.
------------




eksena sa jeepney

ginawa ku habang nasa jeep..

marami akong sana

sana ang tula ay pwedeng sakyan.
ipamasahe papuntang japan.
pwedeng gawing unan
ng mga batang lansangan.

sana pwede itong ipambayad ng matrikula.
sana pwede itong isuot,
isaing,
ikwintas,
inumin,
ulamin,
isapaw sa sinaing.

sana tanggapin itong pang-entrance
sa mayrics.
ipambili ng kape sa starbucks.
ipang dreadlocks,
ipang load sa cellphone.
ipang 3 ft long stuff crust pizza.
ipang enchanted kingdom,
ipakain sa arowana,
ibili ng video cam,
ng flat tv,
ng pc,
ng chuck taylor,
ng electric guitar,
ng discman.

sana ang tula ay pwedeng
ipantubos sa naisanlang kuwintas.
ipandeposito sa ospital para sa asawang
na-ceasarian.

at sana din ang tula ay pwedeng
magpayaman.
pwedeng ikabit sa aking pangalan.
sana lang....
para di ko naman isiping
isa akong kabiguan.
--------
june 27

20040604

dyombagin ang imperyalismo

unibersidad ng baghdad

may tanong si bruce almighty
over a cup of a starbucks coffee
and a stick of a
blue seal yosi..

astig ba daw pag naka-mohawk?
pag kaya mong mag-stage dive
habang pinipilit kang ilaglag
ng machong-machong
marshall?
pag black ang kuko mo?
pag nakikinig ka ng thursdays, afi?
pag tambay ka lang palagi ng mayrics,
freedom,
millenia,
verve room,
katips. brushing elbows with
the rakenrol pips na favorite
expression ay AYUS,
at galit sa mga conio?

sabi ko..

malilimutan ba namin
ang gabing pula ang kulay ng langit
na lumambong
sa unibersidad ng baghdad?

ang gabing iginuguho ng mga
barbaro ang mga pasilyo,
mga kwarto, at dinudurog ang kanilang kolehiyo.

but not with a resistance.
a "little", sabi ng condoleeza rice.

pero resistance pa rin.

at pinapalakpakan pa rin namin
hanggang ngayon
ang mga kabataan ng iraq.

a galant stand.

hanggang sa huli,
sinikap nilang ipagtanggol ang kanilang
kinatatayuan.
sinikap nilang ilibing ang
agila sa sinapupunan ng lupang
pinaglalawayan ni uncle sam.

nakuha man.
pinawisan naman.

karamihan sa casualty
iskolar ng bayan.
tulad ko kabataan.
kabataang makabayan.

para sa akin..
yun ang astig.

----------------
tuwing nakakita aku ng mga nag-i-islaman sa moshpit..
di ko maiwasang ikumpara sila...sa amerika...
maninipa...mananaket...
tapos..peace sign..clever.

ikaw at ang sambayanan ay iisa..

kaya ka pala nag-miss-call

dalawang sulat ang iiyong iniwan
sa ibabaw ng tokador
kagabing di ka na umuwi;

sa iyong ina
at sa akin.

alam ko ginusto mong personal
na magpaalam.
sinubukan mo na yan.

pero pinili mong wag na lang.

di ka nila papayagan.

sasabihin nila-
ano ang gagawin ng isang babae
sa digmaan.

eh, ako papayagan ba kita?

alam mong di ako sasagot.
alam mong mahirap para sa akin
ang ihatid ka sa daang,
pisikal na maghihiwalay sa ating dalawa.

bagamat, sa matayog nating pangarap,
pareho nating alam
na lagi tayong magkasama,
iba pa rin yung nandito ka.

literal na kasama sa pakikibaka.

kaya di ko talaga masasagot
ang tanong mo.

pero dahil sabi mo nga
kailangan,
tigib man ng kalungkutan,
pilit ko na lang dadamhin
kung ilang kilometro
na ang layo natin sa isa't isa.

iintindihin kita.
maiintindihan kita dahil mahal kita.
pareho nating mahal ang iyong
pupuntahan.

wala akong panghihinayangan.
walang pangangambahan.
kahit alam kong muling
pagkikita nati'y walang katiyakan.

unang umagang wala ka.

wag kang mag-alala.
di ko iisipin kahit kailan

na inagaw ka sa akin ng sambayanan.

____________________
para kay ibon..ingat.


goin latino..

Westlife

bajo las estrellas-
en lo que podría ser un un infierno de una noche-
la música jugada.
Usted sabe que odié realmente esta canción.
Tanto!
Cuándo parará?
Cuán largo sufriré yo?
Puede ver usted im que muere?

Grimacing en grande dolor.

Finalice mi angustia.

Podemos ir a casa nosotros?
Necesito descansar, pero usted dijo 'la espera'
y como si no fuera suficiente. ...

Usted pidió un baile

on suicidal tendencies and weather forcasting

kasapi

wag mo na akong antayin.
di na ako sasabay sa iyo sa pagkain.
wag ka na ring mag-saing.
bumili ka na lang ng kanin.
mauna ka na ring kumain.
pagkatapos mo, ay iyo nang ligpitin.
dahil,
kung dumating man ako,
di na rin ako kakain.

wag mo na akong alalahanin.
wag mo na akong isipin.

sumapi na ako sa hangin
-------------
pangarap kong sumulat ng isang suicide note.

20040603

kung aku si peb? debut or..hmmm..alam nyu na siguru ang sagot.


sa diname-dame ng mga kwentong nasa kukote ku
etu lang ang napagtyagaan kung itype..
kung baket..[ewan]
-------------
17 roses

wala na sigurong mas romantiko pa sa mga taong nag- alay
ng buhay para sa pinakadakilang pag-ibig
ang pag-ibig sa bayan at sambayanan
....
-teddy casino

Ang lakas ng aircon, ang lamig pala sa AVR. Umuulan pa naman sa labas.

Tama nag pasiya ni Peb, dun muna siya mag-papalipas ng oras. Libre daw ang snacks. Isa pa nandun si Yasmin, ang babaeng para kay Peb ay astig.

Sa dulong silya, sa pinakahuling row siya umupo. Malayo pero tanaw si Yasmin. Konti pa lang ang tao. Napaidlip si Peb sa lamig. Nagising lang siya nang masagi ng isang estudyanteng dumaan sa harap niya. Dumadami na ang tao, magsisimula na ata.
Napansin din niya na iba na ang nakaupo sa upuan ni Yasmin. Luminga linga siya at halos mag 360 yung ikot ng ulo niya sa kakahanap.

"wala na talaga.."

Gusto na sana niyang tumayo at lumabas pero nakita niyang maingat na isinasalansan sa isang lamesa sa bandang likuran, ang mga styropor na may laman sigurong spageti.

"sayang din 'to"

Nagpasiya siyang manatili. Tapos, umakyat na sa stage yung emcee. Start na raw yung program. Nagdasal, umawit ng bayang magiliw, may nag-opening remarks, at may nag-intermission number na mga taga-glee club. Noon lang niya nalaman na isa pala iyong "forum ekek" tungkol sa mga goals mo sa buhay.

Parang tipong "How to Succeed in Life."

Kahit sarado ang AVR, dinig yung pag-bell sa labas. Kaya maya't maya ay may mga tumatayo at lumalabas para umatend ng klase. At kasamang tumayo at umalis yung mga katabi niya sa upuan.

Unexpectedly, out of nowhere. Bumalik si Yasmin kasama yung apat na kabarkada niya. Mula sa sulok ng mga mata ni Peb, binibilang niya yung mga bakanteng silya. Sa isip niya, para siyang kunduktor na nagtatawag ng pasahero.

"please," bulong niya habang naka-crossfinger.

Dun nga sila umupo. Listening attentively si Peb habang isa-isang dumadaan sa harap niya ang mga barkada ni Yasmin, pero siyempre kunwari lang yun.

Parang scripted, sa tabi niya umupo si Yasmin. Astig.

Ang lakas ng boses nung guest speaker pero parang ang naririnig lang niya ay ang paghinga ni Yasmin.

Natapos ang program na wala siyang naintindihan. Wag daw munang umalis, dahil may snacks.

Dahil siya ang nasa dulo, siya ang nag-aabot ng mga snacks. Pasa-pasa. Nang kay Yasmin na ang iaabot niya, para siyang mahuhulog sa silya, lalo na nang mag-thank you si Yasmin. Mag-yo-your welcome sana siya pero bigla siyang napa-ubo.

Tumawa si Yasmin. tapos, out of the blue, biglang nagtanong, "di ba aktibista ka?," mauubo sana siya ulit pero bigla siyang sumagot at proud.

"Peb ng Anakbayan," sabay abot ng kamay niyang may hawak pang tinidor.

"Yasmin, nag-discuss na kayo sa room namin, tungkol ata yung sa tuition fee increase?"

"a, ganito kasi yun..," inilapag niya ang spageti at nagsimulang mag-discuss, tungkol sa skul sit, nat sit, gera sa Afganistan, PPA, si Gloria pati na rin yung bagong soap ni Nora.

Di nila napansin ang pagdaan ng oras pero di nagtagal, napansin din nila.

"kailangan na pala naming umalis, mare-research pa kami sa national library," paalam nina Yasmin. may mit din nga pala si Peb sa community sa may Quiapo. "sige, salamat ha,"
Inihatid ni Peb sa sakayan sina Yasmin. Bago sumakay ng dyip kumaway si Yasmin.

"ingat",pahabol ni Peb.

Umandar na at nakalayo ang dyip nakatayo pa rin si Peb. Parang kuntentong-kuntento sa buhay.

* * * *
Nag-umpisa na ang mit nang dumating si Peb. sa malapit sa pinto siya umupo para di maka-distract. Napansin siya ni Oliver yung nagpi-preside.

"mga kas si Peb ng Anakbayan." ngumiti siya.

Nagpatuloy sa pagdi-discuss si Oliver. "dumating ang mga taga city engineers kanina nag-bigay ng ultimatum para umalis ang mga taga-rito. Utos raw ni mayor dahil uumpisahan na yung project niya."

Ah ide-demolish na pala ang mga bahay doon para sa clean and green project ni mayor. Ang kaso nga lang wala namang maibigay na lugar na pagli-lipatan nila. Saan sila titira pag nagkataon?

Nagkaroon ng mga pagpa-plano para sa mga susunod na mga araw, kasama na doon ang pagta-tayo ng kampuhan at dialogue kay mayor.

* * * *
Hapon na nang matapos ang miting. Bumalik si Peb sa skul at nag-report sa opis. Tapos umuwi na siya para magpahinga. Di naman siya makatulog. Naglalaro sa isip niya ang mga bahay na ide-demolish at si Yasmin, ang babaeng para sa kanya ay astig.


Dumaan ang ilang mga araw, madalas nang mag-usap si Peb at si Yasmin. Feeling close na si Peb sa kanya. May mga pagkakataong naisasama niya sa mga mob at concerts. Itinuro ang tasulok. Kinantahan ng kanlungan, Iisa, Rosas ng Digma, Sana, Ikaw ay Sapat, mga kanta ng tambe at siyempre yung Kahit Ngayon Lang.

"kahit ngayon, ngayo lang tayo nagkakilala ay alam kong matagal na tayong magkasama.."

"peb sana kantahin mo yan sa birthday ko."
"ha, kelan? tanong ni Peb.
"sa sabado, debut ko, gusto ko nandun ka."

Wala na siyang masabi. Gusto niya maiyak sa tuwa.

Martes pa lang excited na si Peb. For the first time a-attend siya ng debut, debut pa ng babaeng astig.

Nanghiram agad ng slacks. Nilabhan ang long-sleves, na huli niyang isinuot nung js prom at nagpagupit. Inihanda na ang lahat.
Baka doon na rin niya sabihin kay Yasmin na..dun na.

Sabado ng tanghali, di na siya mapakali, pa-ikot-ikot. nagbabasa ng dyaryo pero wala siyang maintindihan. Maya't-maya ay sinusukat ang kanyang long-sleeves.

Hanggang sa unti-unting lumubog ang araw. Parang countdown. tinawagan niya si Fidel ang best friend niya.

"tol, daan ka dito sa bahay, sabay na tayong pumunta doon."

Naligo siya ng halos 30 minuto. Plinantsa ng pang-ilang ulit ang damit na isusuot habang pinapatugtog ang soundtrack ng City of Angels.

Tumawag si Yasmin, wala lang daw.

Bihis na si Peb, ubos ang cologne ng boardmate niya. Inaantay na lang si Fidel.
Nagulat pa siya nang biglang nag-ring ang telepono sa tabi niya habang nagsu-suklay.

Si Oliver, "tol, nandito na ang mga demolition team may mga pulis na walang nameplate ang nagpapa-putok ng baril nagkaka-kiskisan na, kailangan dito ng tao, kailangan ng suporta,"

Garalgal ang boses ni Peb, lumalabo ang paningin sa luhang di maluha, nauumid,"pipilitin ko, tol may pupuntahan kasi ako.."

kasabay ng pag-putol ng kabilang linya wari ay naputol rin ang kung anumang pumipigil sa kanyang luha upang tumulo.

Sa isip niya nakikita niya si Yasmin ang babaeng para sa kanya ay astig. Nakangiti, iniaabot ang kamay para sa isang sayaw. Ganundin nakikita nya ang pagguho ng mga bahay at ng mga pangarap ng mga taga-community.

Kailangan niyang pumili.

Isa lang.

Dumating si Fidel, "tara lets.."

"tol mauna ka na kaya may dadaanan lang akong importante"
Hinubad muna niya ang long-sleeves at nag-palit ng sapatos, "paki-abot na rin nito.." sabay abot ng tape ng Rosas ng Digma.

Inihatid niya ng tingin si Fidel. Bumuntong hininga.

* * * *
Sarado ang kalye nina Yasmin. Halos mag-kulay pink ang buong paligid dahil sa motiff. Ang lakas ng sounds ang sarap sumayaw. Ang daming stars. Baha ang pagkain. At higit sa lahat, ang ganda ni Yasmin.

Magu-umpisa na ang kotilyon, kaya tinawag na ang 18 candles at 18 roses. 16, 17, 17 roses kulang ng isa- si Peb.

* * * *
Si Peb, nakabarikada siya sa daanan ng demoliton team. Binobomba ng water canon. Paminsan-minsan nahahampas ng mga anti-riot. May sugat nga siya sa noo. Nawala yung scandals. At baka di na rin siya makapunta kina Yasmin, ang babaeng para sa kanya ay astig.
Bago siya naisakay sa ambulansiya, tumingala siya sa langit, sa pinaka-maningning na bituwin niya ibinilin na wag kalimutang banggitin sa diyos ng kalawakan kung meron man-

wag sanang umulan.

anak nya ang sumigaw ng, "MABUHAY ANG MGA KUTO!"

Ano ang Silbi ng Makata? gelacio guillermo


Ano ang silbi ng mga makata?
Bilang isang panlipunang katanungan, dapat itong sagutin batay sa pampulitikang pangangailangan ng ating lipunan sa kasalukuyang panahon. Sa ating lipunang hati ayon sa nagtutunggaliang interes ng mga uring panlipunan, ang pampulitikang batayang ito ng pagsisilbi ng mga makata, gayundin ng mga kabilang sa iba?t ibang uri at sektor ng lipunan, ay umaalinsunod sa ganitong malaking hidwaan. Halimbawa, ang tindig pampulitika ng mga makatang binasbasan ang sarili noon pang 1990 bilang "world-class poets" at kailan lang ay nag-aleluyang sila na ang nasa tuktok ng panulaan sa Pilipinas sa bagong dantaon ay nakikinabang sa mga palisiya at programa ng malalaking komprador at panginoong maylupa at burukratang kapitalista tungkol sa imperyalistang globalisasyon at ibayong pagpapatindi ng kalagayang malakolonyal at malapyudal sa ating bansa. Ang mga pinuno ng pangkating ito ay may mahabang kasaysayan ng pangangayupapa sa nangakaraan at kasalukuyang rehimeng pang-estado, ng panlilinlang sa mga bagong makata sa pamamagitan ng mga oportunistang teoryang pampanulaan (tulang pulitikal na walang pinapanigan), pusisyon at pabuya, ng paghihiwalay ng mga makata at kanilang likha sa sariling lipunan batay sa mga latak ng New Criticism na hinimud sa pusali ng Cold War. Sa kabilang banda, ang tindig pampulitika ng mga makata ng pambansa-demokratikong rebolusyon (34 taon na nga ang itinatagal, at mangyayaring tumagal pa) ay akma sa pangangailangan ng mga uring api't pinagsasamantalahan mga manggagawa't magbubukid, kabataan, kababaihan at bata, mababang panggitnang uri, pambansang minorya, atbp. Nasa tula't kilos nila ang dakilang pakikibaka at mithi ng sambayanang Pilipino.

Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga makata sa sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano? Mainam ngayong ulitin ang tanong.



galeng ang isang itu sa pelikulang...

mula sa subrang astig na pelikula ni bjork..

----------------
NEW WORLD

Train-whistles, a sweet clementine
Blueberries, dancers in line
Cobwebs, a bakery sign

Ooooh - a sweet clementine
Ooooh - dancers in line
Ooooh ...

If living is seeing
I'm holding my breath
In wonder - I wonder
What happens next?
A new world, a new day to see

I'm softly walking on air
Halfway to heaven from here
Sunlight unfolds in my hair

Ooooh - I'm walking on air
Ooooh - to heaven from here
Ooooh ...

If living is seeing
I'm holding my breath
In wonder - I wonder
What happens next?
A new world, a new day to see

unang post dapat mey kwenta

ayun..