<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050828


mob sa welcome rotonda. ang aking unang mob after being out for almost one month.[ kuha ni alex r.]

20050826

hard as ever

ok, i admit isang malaking toinks ang sked ni roma tarranza. to her words, TOXIC. most of the time asa lukes sha. maghapon magdamag buong umaga. as in. di ko naman sha masundo or mahatid regularly kase hinde fix yung mga oras nya. tas parehas pa kame wala fone kaya wala kameng- sn na u?d2 n me. at ask ko lng kng mtagal kpa?

para kameng long distance relationship, tuwing off lang nya kame madalas magkasama. pero madalas den pag off nya galeng naman sha sa night duty kaya mega tulog ang bakla maghapon. kaya wala den.

kaya sobrang nakakainis.

pero last night, nag-iba ang lahat. isang pasyente nya ang namatay. malapit sa kanya yung pasyente kaya shempre punta ang bakla. at shempre sabit naman ako. pagdating namen dun lingon na agad sa kanya yung mga anak kapatid nung namatay. tas lapitan sila. tas meron pa dun na ipinakilala sha sa ibang kamag-anak.

ayan yung nagalaga kay ate amy. napapatawa nya si ate amy. lagi sha hinahanap ni ate amy. nung nagoff nga sha hinanap sha ni ate amy. tinatanong ni ate amy kung ilang araw ba ang off nya. lagi tinatanong ni ate amy kung dumaan na daw si roma.

at eto pa isa last words nung namatay eh-

wag mo akong iiwan roma ha?

its just amazing na sa maikling panahon ng stay nya sa ospital at nahandle sha ni roma ay nagkaroon na sila ng ganung attachment. kahet nga yung mga anak ang tawag sa kanya- kapatid. nakakatuwa na kahet papanu nabigyan ni roma ng importansha yung namatay bago pa man..

well, ganun talaga si roma eh. peborit yan sa lukes ng mga pasyente kase madaldal, smile ng smile. basta. at very natural sa kanya yun. kahet nga sa bilsgate natatawa ako jan kase mas kilala pa nya yung mga staff ng billsgate kaysa saken na member dun. tsokaran nga nya si manong guard dun eh.

nung magpaalam kami na uuwi na, shempre dumaan muna sha sa mga relatives para magpaalam. dama ko yung sincerity ng pasasalamat nila ke roma para sa pagaalaga dun sa mahal nila sa buhay. they even asked for her contact number para kahet papanu me koneksyon pa ren sila.

yun sabe ko nga sa kanya na proud ako sa kanya kase shes doing a great job as a nurse kahet alam ko yung hirap nya puyat pagod gutom gastos. at kahet papanu me napapala naman sha kahet underpaid sha.

kiss nga.

----------------------------

kala ko makakatulog nako ng matagal pag sobrang pagod ako at puyat. hinde pa ren pala. ang aga ko na naman nagiseng. sobrang little sleep. 3hrs lang ata. giseng nako ng quarter to 6 kanina.
argh. di naman ako makatulog pag tanghali. uh.

----------------------------

di ko napanood kagabe yung DEBATE.

----------------------------

asa xaymaca kame kagabe nina roma at dimple. watched session road. kain ng pizza. inom ng beer. silip sa eves venom.

ewan, ewan ko kung maganda para sa session road, mas applauded pa yung mga cover nila kesa sa mga orig nila.

----------------------------

sa 27 daw lalapit na naman ang mars.

20050822

stand up and buy your ice creams

wala akong ibang gustong gawen sa mga oras na ito kundi mag-videoke.
ewan.

20050821

me nagagawa pa naman pala akong mabuti.

stex latest ish

20050820


if i say i love you, can i keep you forever?
PAGGUHIT NG BILOG

ano ang mundo pag wala ako?

uminom ng walong baso ng tubig.
kuskusin ng maigi ang damit
upang mawala ang mantsa.
lahat tayo tatantanan ng hininga.
maglagay ng pera sa bulsa.

matulog ng maaga.
ang katahimikan sa isang banda
ay malakas na atungal
na bibingi sa ating mga tenga.
buksan ang ilaw pag di makahinga.

malayo ang mararating kung dudungaw
sa bintana ng umiiyak.
wag sisinghot kung amoy dugo ang pang-amoy.
wag lulunok pag lasang dugo ang panlasa.

hindi ako matitinik sa cactus kahit dilaan ko ito.
masasagasaan ako ng bus kahit ilgaan ko ito.
matutulog akong basa ang buhok.
mamatay tayo sa kagat ng lamok.

malapit na akong mawalan ng bisa.
silipin ang mundo kung wala ako.
ano ang kung wala ang ?
kumuha ng lapis
punan ang patlang.

20050819

tanga lang tayo pagtapos ng lahat

pag magkasama kame ni roma, madalas naming gawen tu, yung nagcocompose kame ng mga script sa mga tao sa paligid namen. madalas malisyso yung mga compose namen. kahapon wala magawa kaya tambay ako sa tapat ng bahay namen. tas nakita ko yung isang kapitbahay namen. kakamatay lang ng asawa nya. bulung bulungan samen na wala man lang daw nakipaglibing dun. sabe ko naman meron naman.
---------
mag-iisang linggo ka nang patay, di ko pa napapanood yung vcd na binili naten sa quiapo. hapon na kase dumating ang mga bata. at wala akong mautusan na isalang yung cd. ang hirap pag tanghali. wala akong makausap. di tulad nung anjan ka pa. sabay tayong nanonood ng eat bulaga hanggang makatulog ka. di mo nga madalas abutan yung bulagaan portion kase antukin ka. salita ako ng salita, wala na pala akong kausap. tinulugan mo na naman ako. madalas ang gawin ko, nagwawalis ako sa tapat natin. ambilis kase maglagas ng talisay na tinanim ni edwin. pero ok lang atleast nalilibang ako. mamaya pagdating ng mga apo mo magpapaturo ako na isalang yung cd. panoorin natin mamaya ha? alam mo namimiss na naman kita.
---------
etu naman kanina habang papunta ako dito. sa bandang palengke me nakasalubong ako. babae, ang puti ng mukha hirap na hirap sa pagtatakip dahel mainit ang sikat ng araw.
shet, ang inet. bat kase dito ako dumaan. dat nag sidecar na lang ako. maaarawan ako. nagpa-placenta pa naman ako. baka mangitim ang ang mukha ko. aalis pa naman ako sa linggo. dat kase nagdala ako ng payong.

20050818

that all the world will be in love with night

rustum

20050816

tama si spin. in two weeks babalik ang blog na ito.

tara, talon.

20050815

MULA NGAYON

neil gaiman signed autographs,
posed for cameras 12 to nine pm
for several days.

ako?

i can fill that hours
just writing reasons why i love you.

i could even list a thousand reasons
a million given extra hours.

every passing day will add up reasons,
reasons after reasons after reasons
and i could not stop.
ill never stop.
nobody can stop.

not even you.

night star ni van gogh.humm nga tayu ng starry starry nights

20050813

yung mga nangyare saken last week made me realize so many things. mga bagay na di ko ine-expect na mangyayare pero nangyare. una, i realize na im so lucky to have friends na handang makinig saken. nung una kala ko wala sila interes saken. kase there was a time na walang pumapansin sa blog ko at sa mga post ko sa egroup. pero pinatunayan nila na andun sila pag kailangan ko sila. yung iba hindi man personal sa egroup o kaya sa text nagpapahayag ng pag-aalala. alien yung feeling para saken, sa buong buahy ko wala akong itinuring bestfriends. marame ako kaibigan pero mababaw na lebel lang. di ko nakita pa nakita yung sarili ko na nagoopen ng sarile sa ibang tao. yun sobrang salamat. kung pede ko lang kayung yakapin isa isa para madama nyo yung pasasalamat ko. pramis.

tas, narealize ko den na i have a wonderful family. di kame mayaman. in fact, it still pains me pag naalala ko yung xmas namen 2 years ago. nakipasko lang kame sa kapitbahay namen. at gusto nameng manliit habang nagbubukas sila ng kani-kanilang regalo, nakatingin lang kame. krisis sa bahay namen ngayun. basag ang salamin sa bahay namen. naubos ang basong inuman namen.
maraming kulang sa bahay namen. wala kaming radyo. yung monitor ng tv namen kulay green. sira yung screen ng bintana, kaya anlamok sa loob. malapit ko na itong tawaging hindi bahay. pero, masaya kame. ewan kung saan namen hinuhugot yun pero ganun. basta.

isa pa, sa lahat ng nangyare anjan pa ren ang gf ko. si roma. i love her so much. im so thankful na nasa tabi ko pa ren sha. di perpekto yung relasyon namen pero eto buhay pa. at sobrang masaya talaga ako to have someone like her. opo, inlab ako sobra. i never imagine myself ganito ka inlab. kaya pasensha na kung nakokornihan kayo saken. hehe. i love you roma. mwah

most of all, sa mga trials na ito bute na lang i have my god on my side. bagamat exposed ako sa marxist ideology, to some, godless ideo, i still believe that someone is out there na gumagabay sa akin. lalo na sa mga ganitong panahon.

sa lahat salamat. i hope i can give you an idea kung gaano ako ka-thankful sa lahat.

20050809

birthday ng daddy ko ngayon.
happy birthday dad.

20050806


__hr_shh
Originally uploaded by kilometer64.

ganyan sha kakulet. i miss her kakulitan. yung bigla nya akong babarahin pag me sinasabe ako. yung bigla bigla kakagatin nya yung kamay ko o kaya naman pag naglalakad kame bigla nya akong susuntukin sa balikat. namimiss ko yung lakas ng boses nya. yung pagsmile nya kahet sa di nya kakilala. maygas abelgas miss ko na sha.

uhm


uhm
Originally uploaded by kilometer64.
konti lang yung litarto nameng magkasama kame.

baklaan time


baklaan time
Originally uploaded by kilometer64.
etu yung skin ng blog nya dati. ako gumawa nyan.
CXXXI

WE never know we go,—when we are going
We jest and shut the door;
Fate following behind us bolts it,
And we accost no more.

-emily dickinson

20050805

i am so alone.
nage-echoe yung boses ko everytime na magsasalita ako. sa loob ng isang araw dalawang beses akong nag-internet. di ko alam kung how long can i stand in this fashion.

in this most trying times of my so called life, let me reaffirm my faith in god.

20050804

maaaring hindi handa ang isip mo

weird weird things.
di ako nainiwala sa mga hula hula pero ewan parang iba ito. isang tita from malayong malayo nagpahula. di naman actulli hula yun kase ganito lang yung ginawa, pinagawa sa kanya. pinasulat sa isang papel yung mga pangalan na gustong pahulaan. so yun. nabilib ata, isinulat yung pangalan nameng mag-iina [ako, yung bro ko, tas si mader].
eto na.
una, kay mader sabi magpa-ultrasound kase me nakikita shang parang pagmumulan ng sakit. weird kase, matagal na na shang sinasabihan na magpaultrasound nga kase sakit talaga ng pamilya nila yung bandang tiyan. one down.
yung sa bro ko, wala naman mashado, ang sabe lang relihiyoso daw yun. which is tama nga kase yung kapatid kong yun kahet raker raker magaling mag-lead ng prayer. yun.
eto na yung saken, marami daw akong potensyal. pero kung di raw ako mag-iingat, mapapahamak daw ako. kaya naman yung tita ko text agad from nowhere para lang sabiheng mag-iingat ako lagi.
pedeng coincidence lang. pero parang bina-validate niya yung mga nasa isip ko. wala lang, i had this belief na i wont live long. tinaningan ko pa nga yung sarili ko na di ako aabot sa edad 28. di ko alam kung anong computation yung ginamet ko pero 28 talaga. ayokong magpakamorbid, pero yun ngayun ko lang siguro aaminin.
natatakot ako.

20050803


isabel oli. yun. na spikless tuloy ako.

sa muling pagkabuhay ni apo abukay

last last night, nanaginip ako na nagsasalita daw ako ng arabian. kahet yung mga kausap ko ganon den. salita ako ng salita pero di ko naman naiintindihan ang sinasabe ko. tas isa pa ang mga ksama ko dun mga kaklase ko pa nung highschool. para kaming nasa isang opisina or parang isang skul. tas, inabutan ako nung isa kong kaklase ng pagkain. guess what?
sardinas na nasa tissue.
____________________________________________
marame akong gustong i-blog nung time na nasa bahay ako at nagpapagaling.

last month bday ng dalawa kong kapatid. si bugoy at si yuyus. walang handa si bugoy kase nagastos sa ospital. ay meron pala nagluto pala ng pancit yung tita ko. wala na den shang gf haha
tsikboy kase.
si yuyus naman, baby pa nung namatay sa tigdas. naaalala ko pa nung binurol sha,[maliit pako nun] pumatong ako sa isang silya tas kinakausap ko sha, binibigyan ko sha ng biskwit kase kala ko natutulog lang sha sa loob ng puting kabaong niya.
sa august 9 naman bday ng tatay ko, mahigit 10 years naman shang patay. naisip ko na ang lungkot pala nung birthday nya noon nung namatay yung kapatid ko. imagine nagsese celebrate ka ng bday mo kakamatay lang ng pangalawa mong anak?
idol ko tong tatay ko, kahet mas madalas sa kwento ko lang sha kilala. basta siguro sa kanya ako nagmana pagdating sa prinsipyo. abogado kase sha[galing sha sa pamilya ng mga astig na abogado, kamaganak nya si antonio coronel kung saan huling naging kliyente nito ay si robin padilla], tas sa law office nila sha yung pinakamahirap, yung mga kasama kase niya nilalaglag yung mga kaso o kaya naman naniningil ng malaki. pede shang magpakayaman, pero pinili nyang lumaban ng parehas. ni hindi niya naituloy yung paghuhulog ng tinitirhan naming bahay sa lagro.
nagkasakit sha, heart attack. tas na-stroke sha. during those times talagang na depress sha. sa isang prayer meeting nga sinabe niya, "why me?
bago sha namatay parang nagpaalam na sha samen [ kaya naman i believe sa mga premonitions]
kase tanong sha ng tanong kung anong date na. tas nung araw na namatay sha, kumaway pa sha saken. tas sinabihan niya yung kapatid ko na, "di na kita makikitang lumaki."
kaya nga sabe ko nga idol ko yun, kung buhay pa nga yun siguro sha ang naging abogado ko nung hinarass ako ng dati kong skul.
_______________________________________________________
may bagong theme song sa bahay namen,
theme song den ng ATTIC CAT.
wala lang kase kagabe pagkahatid ko kay roma my ever dearest, narinig ko sa isang bahay na may kumakantang bata tas eto yung kinakanta niya.
SA KANYA
Namulat ako at ngayo'y nag-iisa Pagkatapos ng ulan Bagama't nakalipas na ang mga sandali Ay nagmumuni kung ako'y nagwagi Pinipilit mang sabihin na ito'y wala sa akin Ngunit bakit hanggang ngayon, nagdurugo pa rin Sa kanya pa rin babalik sigaw, ng damdamin Sa kanya pa rin sasaya bulong ng puso ko Kung buhay pa ang alaala ng ating nakaraan Ang pagmamahal at panahon alay pa rin sa kanya At sa hatinggabi ay nag-iisa na lang Ay minamasdan ang larawan mo At ngayo'y bumalik nang siya'y kapiling pa Alaala ng buong magdamag Kung sakali man isipin na ito'y wala sa akin Sana'y dinggin ang tinig kong nag-iisa pa rin Ang pagmamahal at panahon alay pa rin Sa kanya, sa kanya, sa kanya, Sa kanya.