20050527
Usap usapan sa isang noontime show ng isang malaking istasyon ang gender ng isa nitong host. bata pa ang host na ito. kataka taka na kahet gwapo naman, walang nalilink sa kanya. bukod pa dun, may isang portion ang show kung saan nagpapartner partner sila. katuwaan. one time, ipinartner sha sa isang actor-politician-host. ewan kung kakulitan lang talaga ng iba nilang kasamahan, binubuyo silang magkiss.
nung isang araw ganon ulet ang nangyari. sila ulet yung mag partner. dis time kahet audience nagsisigawan ng kiss. seryoso na yung batang host. di sure kung pikon na or naghahanda para umamin kung ano ba talaga sha.
eto yung punto ko. kung ganon talaga sha dat ba nya talaga aminin? samantalang iyon naman talaga sha. wala shang dat patunayan sa iba. kung yun sha, yun sha. labas na tayu dun.
wala shang dat aminin para saken. kung ano sha, yun sha.
20050526
kahit maraming kahit
mabuhay ka pa sana ng matagal.
kahit di ka normal.
kahit lagi ka umiihi sa higaan mo.
kahit di ka makatulog nang hindi ko kinakamot ang iyong braso.
kahit naglalaway ka pag nakasakay tayo sa jeep.
kahit tumatae ka sa diaper na di mo sinasabi.
kahit maaga kang nagigising.
kahit di ka tumitingin sa akin.
kahit di kita mautusan dahil di ka naman makatindig.
kahit ang kinakain mo lang ay durog na kalabasa
kahit di ka nakikinig sa'kin pag kinakausap kita.
kahit di ko pa naririnig mula sayo na mahal mo ako.
kahit di ko na marinig.
------------
nakasakay kame kahapon sa jeep ni
roma galing ng mcccl convention. nung pumara sa jeep
ang isang inang kasama ang kanyang anak.
bumababa sila sa childrens hospital.
di ako makatingin sa bata.
may kapansanan sha sa pagiisip.
20050524
20050519
songhits agen and agen
the way you look tonight
frank sinatra
Some day, when I'm awfully low, When the world is cold, I will feel a glow just thinking of you... And the way you look tonight. Yes you're lovely, with your smile so warm And your cheeks so soft, There is nothing for me but to love you, And the way you look tonight. With each word your tenderness grows, Tearing my fear apart... And that laugh that wrinkles your nose, It touches my foolish heart. Lovely ... Never, ever change. Keep that breathless charm. Won't you please arrange it ? 'Cause I love you ... Just the way you look tonight. Mm, Mm, Mm, Mm, Just the way you look to-night.
20050518
20050517
mayaman nga ako, sakitin naman. (buntong hininga. isa pa.)
-senyorita x, sa kanyang wheelchair sa lobby ng st lukes
---------------
pag nagtitinda ka ng dried mangoes, kelangan todo smile ka. or else..
-boy cebu, tindero ng dried mangoes galing cebu
---------------
gusto mo yumaman? mag caregiver ka. gusto mo gamiten propesyon mo to the fullest? punta ka sa silvino lobos.
-baryo doktor ng silvino lobos
-senyorita x, sa kanyang wheelchair sa lobby ng st lukes
---------------
pag nagtitinda ka ng dried mangoes, kelangan todo smile ka. or else..
-boy cebu, tindero ng dried mangoes galing cebu
---------------
gusto mo yumaman? mag caregiver ka. gusto mo gamiten propesyon mo to the fullest? punta ka sa silvino lobos.
-baryo doktor ng silvino lobos
20050516
call for entries
"Inang bayan bakit may piring ang mata?May busal ang bibig, may takip ang tainga?May gapos ang kamay ng lumang kadena?"- "Mendiola," Bienvenido Lumbera
Nalalapit muli ang selebrasyon ng araw ng kalayaan, ngunit alam naman nating lahat na hindi pa dumarating ang araw na ito.
Bilang selebrasyon ng araw ng kalayaan o pagluluksa dulot ng kawalan nito, nanawagan ang Kilometer64--pangkat ng mga progresibong makata--sa lahat ng nais magsulat o may naiimbak na tulasa anumang wika na umiinog sa temang ito: huwad at tunay na kalayaan, pang-aalipin ng mga magsasaka at manggagawa, pagpaslang samga mamamahayag at aktibista, imperyalismo, at iba pang partikular na paksa. Hinihikayat ding magsulat ng mga tulang may partikular natuon sa demolisyon ng mga maralitang taga-lungsod.
Ipadala lamang ang mga tula sa kilometer64@gmail.com, at magsama narin ng maikling profile ng makata. Maaaring magpadala ng mga tula hanggang ika-12 ng hatinggabi ng ika-30 ng Mayo ng kasalukuyangtaon. Lagyan ng subject title na "KONTRIB" ang bawat ipinasang tula.
Kung maaari rin sana, ang gagamiting e-mail sa pagpapasa ay aktibong binubuksan ng makata, sapagkat kung sakali, magpapadala ng pangkatng mga puna, komento at suhestiyon para sa rebisyon at muling pagpapasa ng tula. Hinihikayat, kung ganoon, na magpasa sa pinakamaagang panahon upang ma-rebyu agad ang inyong mga tula.
Bukas din ang kilometer64 sa pagpapasa ng mga dibuho at litrato na maaaring gamitin bilang filler sa koleksyon. Tinatayang mailabas ang kolesyon sa linggo ng araw ng kalayaan.
dalawang monologo
di ko maalala kung kelan ko binigyan ng bouquet of white roses ang misis ko. tatlo na ang anak namen. nagkaanak na agad yung panganay matapos mag high school. nag-aantay ng tawag mula sa pinag-apply'ang call center yung sunod sa kanya. service crew sa jollibee sa hidalgo yung bunso.
kaya siguro di ko maalala kase di ko pa sha nabibigyan ng bouqute of roses.
hindi pa kahet kelan.
-manong, tindero ng singkamas
----------
dalawa ang misyon ko bawat araw na inihahain ng mahabaging diyos. una mangalahati ang bawat kaha ng sigarilyo na nasa takatak ko. pangalawa, manalo sa mega lotto.
-mananaya ng lotto sa maceda
20050514
The world will never be the same once you've seen it through the eyes of Forrest Gump.
-Forest Gump, 1994
-Forest Gump, 1994
20050512
20050510
mahirap malunod sa ilog pasig dahel bukod sa burak na nasa ilalim, malakas den daw ang undercurrent na pedeng tumangay sayu papunta sa iyong kamatayan
isang bago ang nangyari sa akin noong isang araw. for the very first time nakasakay ako sa siang bangka. kahet sinabe ni jeff isda na di raw ito ka kwento kwento, still gusto ko pa ring ibalita. opo, nakasakay nako sa bangka. mula bacood hanggang sta ana sa halagang 1.50.
hindi nagrereflect ang langit.
- jeff isda, sa ilog pasig