call for entries
"Inang bayan bakit may piring ang mata?May busal ang bibig, may takip ang tainga?May gapos ang kamay ng lumang kadena?"- "Mendiola," Bienvenido Lumbera
Nalalapit muli ang selebrasyon ng araw ng kalayaan, ngunit alam naman nating lahat na hindi pa dumarating ang araw na ito.
Bilang selebrasyon ng araw ng kalayaan o pagluluksa dulot ng kawalan nito, nanawagan ang Kilometer64--pangkat ng mga progresibong makata--sa lahat ng nais magsulat o may naiimbak na tulasa anumang wika na umiinog sa temang ito: huwad at tunay na kalayaan, pang-aalipin ng mga magsasaka at manggagawa, pagpaslang samga mamamahayag at aktibista, imperyalismo, at iba pang partikular na paksa. Hinihikayat ding magsulat ng mga tulang may partikular natuon sa demolisyon ng mga maralitang taga-lungsod.
Ipadala lamang ang mga tula sa kilometer64@gmail.com, at magsama narin ng maikling profile ng makata. Maaaring magpadala ng mga tula hanggang ika-12 ng hatinggabi ng ika-30 ng Mayo ng kasalukuyangtaon. Lagyan ng subject title na "KONTRIB" ang bawat ipinasang tula.
Kung maaari rin sana, ang gagamiting e-mail sa pagpapasa ay aktibong binubuksan ng makata, sapagkat kung sakali, magpapadala ng pangkatng mga puna, komento at suhestiyon para sa rebisyon at muling pagpapasa ng tula. Hinihikayat, kung ganoon, na magpasa sa pinakamaagang panahon upang ma-rebyu agad ang inyong mga tula.
Bukas din ang kilometer64 sa pagpapasa ng mga dibuho at litrato na maaaring gamitin bilang filler sa koleksyon. Tinatayang mailabas ang kolesyon sa linggo ng araw ng kalayaan.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home