<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20050331

ginuguni-gunita kita, binubuo sa alaala.

ang mga kasunod nito ay mahahabang patlang. buntong hininga. impit na mga damdamin. sigaw na di maisigaw. isang lumang tinig ang magsasabing "sabi ko na sayo, may ibang mundo maliban dito, hindi ka para dito." sa isa pang pagkakataon bibiguin siya. patutunayan na hindi lang itim at byuleta ang kulay. na ang mga bituwin kahit magkakalayo ng orbit ay magtatagpo sa isang bahagi ng kanilang pag-iral. masaya din sila sa kanilang sariling axis.
hindi mo kailangan ng apat na semestre ng post-calculus math, ng tatlong semestre ng intro to physics, dalawang semestre ng quantum physics, isang semestre ng mechanics, dalawang semestre ng electricity and magnetism, isang semestre ng computational physics, isang semestre ng solid state physics, isang semestre ng topics in astronomy, dalawang semestre ng basic astrophysics, isang semestre ng astronomical techniques, isang semestre ng celestial mechanics o planetary physics para maintindihan ang mga bituwin.
may sarili silang pintig na maririnig mo kahit sa pinakamaingay na bahagi ng iyong kinaluluklukan.
hindi ito pamamaalam. isa lang itong mahabang patlang. muling kikislap ang bituwin sa ibang panahon. may pagkakaton pa na kahit sa broad daylight mamalas ang kanyang ganda. mas maliwanag kaysa dati.
"i know you would come back to me in dreams of roses and water fairies".
-ning miclat
happy monthsary.
find me

The skies are not as blue, when you're not with me The stars, they never seem to shine as bright And the hours crack like days across the ages And a year or two pass by with every night. It makes me know if i should ever leave this world before you do When you follow you must promise, cross your heart and promise to Find me...look hard, and dont stop, I'll be waiting 'till then Dont sleep, and dont eat 'till I'm back, back in your arms again I dont wanna have to spend all my forever without you. Just knowing that your out there somewhere too. So darlin...please I'm begging you on bended knee...Find me...I've tried to tell this world how much i love you. But they dont understand how deep it goes. And i can't even find the words to tell you So I'm the only one who really knows. And though we have our times together, I am always wanting more So if we get separated wont you do just like before and Find me...look hard and dont stop, I'll be waiting 'till then Dont sleep, and dont eat 'till I'm back, back in your arms again Through a hundred million faces you will see me shinning through. 'Cause I'll glow when you come close , I always do. So darlin' please im begging you on bended knee.. We can share our love through all eternity 'Cause with you is all i ever wanna be.... Find me
Suntok sa Buwan
-(APO) Ely Buendia

Sabi nila na hindi ko raw makakaya Ang lumapit sa’yo mag-isang magpakilala Sabi nila malakas daw ang aking loob Sinuswerte daw ba ako Mag-isip na tayong dalawa ay magmahalan Tingnan mo ngayon, sino na nga bang nakatawa Pag tayo ay naglalakad, o di ba tahimik na lang sila Sa dami noon na nanligaw sa ‘yong poging Nakapila baldeng pabling Sino bang mag-akalang tayo ay magmahalan, magkatuluyan Suntok sa buwan ka lang nong araw tanging irog ko Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain Puso ko’y hinagip sa dilim Karibal ko’y hindi pinansin Rumemate na lang sa bandang hulihan Suntok sa buwan, panalo Akin ka lang Sabi nila na hindi nga raw tayo bagay Mapapansin mo lang daw ako kung mawawalan ka ng malay Sabi nila, kailanga’y isang himala Di ka raw madaan sa tiyaga Tingnan mo kung sino na ang siyang nakatunganga, humahanga Suntok sa buwan ka lang nong araw tanging irog ko Sa ganda mo at bait ay hindi ko akalain Puso ko’y hinagip sa dilim Karibal ko’y hindi pinansin Nakahagod na lang sa bandang hulihan Suntok sa buwan, panalo Akin ka lang Akin ka lang
wouldn't It Be Nice
-beach boy's
Wouldn't it be nice if we were older Then we wouldn't have to wait so long And wouldn't it be nice to live together In the kind of world where we belong You know its gonna make it that much better When we can say goodnight and stay together Wouldn't it be nice if we could wake up In the morning when the day is new And after having spent the day together Hold each other close the whole night through Happy times together we've been spending I wish that every kiss was neverending Wouldn't it be nice Maybe if we think and wish and hope and pray it might come true Baby then there wouldn't be a single thing we couldn't do We could be married And then we'd be happy Wouldn't it be nice You know it seems the more we talk about it It only makes it worse to live without it But lets talk about it Wouldn't it be nice Good night my baby Sleep tight my baby
drive
-by ziggy marley


Who's gonna tell you when it's too late who's gonna tell you things aren't so great you can't go on thinking nothing's wrong who's gonna drive you home tonight who's gonna pick you up when you fall who's gonna hang it up when you call who's gonna pay attention to your dreams who's gonna plug their ears when you scream you can't go on thinking nothing's wrong who's gonna drive you home tonight who's gonna hold you down when you shake who's gonna come around when you break
dream of you
-kirsten dunst
Let me sleep For when I sleep I dream that you're here You're mine and all my fears are left behind I float on air the nightingale sings gentle lullabys So let me close my eyes And sleep, a chance to dream So I can see the face I long to touch, to kiss But only dreams can bring me this so let the moon shine softly on the girl I long to see And maybe when she dreams she'll dream of me I hide beneath the clouds and whisper to the evening stars They tell me love is just a dream away, dream away A dream away So let the moon shine softly on the girl I long to see And maybe when she dreams she'll dream of me Oh dream of me

20050330

isang hapon sa serenity gardens

daddy.
oy.
ano ginagawa mo dito?
wala lang.
traffic sa commonwealth. nag-away pa yung driver na sinasakyan ko tsaka yung isang driver ng pajero. nagkakarera kase sila. tas pag nauunahan nung driver yung pajero, bubusina sha. tas pag yung ajero naman ang mauuna bubusina rin sha. tas nagkaroon ng pagkakataon na maka-harurot ng husto yung jeep tas bumusina ulet sha. eh naasar ata yung driver ng pajero. habol sha, tas pull over sa gilid, tas binaba yung bintana nya. sabay sigaw," ano problema mo?" mejo natakot yung driver, "ser wala po. sori po."
ako na nga lang ang pasahero kaya bandang litex, binaba nako. pinalipat ako ng ibang sasakyan. tas yun diretso nako. bumaba ako ng SM lagro. papasok sana ako,magpapalamig. kaso kaso sabe ko hapon na kaya sumakay nako ng bayan-nova. gawa na pala yung robinson jan no?
ah oo. andame na nga napupuntahan ng mga taga-dito. dati pumupunta pa kame ng cubao para lang makapamasyal. ngayon..
si yuyus?
anjan lang yun baka nagsasaranggola na naman jan. o baka nasa uncle mo. dumaan ka na ba dun? anlayo kase eh. kaya biira ako puunta dun. si julius madalas dun konte lang kase tao dun di maingay.
di pa. baka mamya pag-uwe.
kapatid mo? chaka mommy mo?
me trabaho na yun, assistant sa library ng san beda. si mommy dun pa ren nagtatrabaho.
ah ok. kumain ka na ba?
di pa kulang yung pera ko. baka jan nalang mamaya sa bakery jan paglabas.
dad, number?
number?
bigyan moko ng number. isip ka ng anim na number from 1-45, uh, sige 1-49 para mas marame ka pagpilian. kung ano una pumasok na number sa isip mo bigay mo saken.
baket? aanuhin mo yung number?
basta.
tataya ka sa lotto no?
hehe.
kita mo to. ako pa hiningan ng numero. o sige sandale. uhm. 2. 25. 16. 28. 39. tsaka, 9.
at baket naman naisipan mong tumaya ng lotto? gusto mong yumaman? kala ko ba aktibista ka? tas gusto mo yumaman. baka magalet sayo si satur ocampo nyan hahaha.
sus, wala lang naawa nako ke mommy eh. tsaka marame ako plano pag nanalo ako sa lotto. marame ako bibilhin. gusto ko tumigil na sa trabaho si mommy. ang baba ng sweldo nila doon. di naman sila makapagtayo ng unyon. alam mo yan kase abogado ka.
oo naman dapat me sapat na bilang ng empleyado o workers para makapag-unyon sila. aba't naging trade union lawyer pako. hehe
tas si geh gusto ko magawa nya yung gusto nya nagbabanda kase yun eh. ipapatayo ko sha ng tugtugan, negosyo na ren.
tas gusto ko ren tulungan yung girlfriend ko. oo nga pala di ko pa sha naipapakilala sayu no? yun grad ng nursing yun. eh in demand ang nursing ngayon abroad kaya gusto nya samantalahin. alam ko mejo ayaw nya kase shempre mahirap nga naman sa ibang bansa. mahirap mag-adjust. di a naman loner yun. malulungkot yun. gusto ko sha pagnegosyohin na lang dito. o kaya kung ano gusto nya gawen. dito na lang sha.
uhm. me hidden agenda ka jan no? ayaw mo sha paalisen no?
shempre naman pero..
ok, sana manalo ka nga hahaha gudlak. hahaha.
pramis pag nanalo ako sasama nako sayo.
di naman kita sinasama ah?
wala lang. kase parang yun na lang kulang sa buhay ko yung mapasaya ko sila. kaya pag nangyari yun ok na.
andrama mo sabe ko sayu kumain ka na. umuwe ka na nga baka ma-traffic ka ulet. sasabihen ko na lang sa ading mo na nagpunta ka dito chaka sa uncle junior mo.
sige dad.
___________________
lrustico casia october 28 1990

20050329

lahat tayu ga-gradweyt. iba-iba lang ng paraan.


next attraction

20050328

tinatamad akong mag type kaya
yung ipopost ko ilang stanza lang ng tulang
binasa ko sa ibabaw ng metropolitan tower
habang malakas ang
hangin at nakatingin ako sa barkong
andameng ilaw na nakadaong malapet sa baywalk at nag-iisip na
sana kasama ko sana si roma sa mga oras na iyon
para sabay kaming titingin sa barkong andameng
ilaw na nakadaong malapet sa baywalk.
mey kahabaan kase..


bugoy king
hinahanap ko mula sa jeep
kung anong kasiyahan mayroon
sa paglalaro ng badminton
ala-una ng madaling araw
sa e rodriguez.
...gusto ko tuloy bumaba at mag-iskor...
...gusto kong matikman
ang anumang kasiyahan mayroon
sa paglalaro ng badminton
ala-una ng madaling araw
sa e rodriguez.

kahet na for the nth time ay sinabe mong


FINE TIME
-eheads
I hope we could spend more time together
A few hours is better than never
If we could only make it longer
A whole day would be fine
A whole day would be fine
A whole day would be fine
A whole day would be fine
I think it's time to clean your car
I'm not home if someone calls
We could go out for a day
We could sing some songs we hate
Why not swim in someone's pool
Jump a crane 12 storeys high
Have a picnic in my room
Sit outside and watch the moon
We could drive in to the malls
Or stay home and watch TV
I don't care if we don't have lunch
Just as long as we have iced tea
I could take you to a film
Hunt for books and magazines
Is that new song out on sale
I think that dress is kinda pale

There are times when we disagree
My heart sings to the sea
I'm always anxious when we kiss on me
Please don't tire of understanding me
Being with you makes me feel so safe
I don't care if we go out of town
I don't care if we sleep all day
Basta't kayakap ka ay okey

A whole week would be fine
A whole month would be fine
A whole year would be fine
A decade would fine
A century would be fine
Fine, fine time
Forever would be fine.

20050327

mila cabangon

pinalabas nung isang gabi yung mila ni maricel soriano.
wala lang marame kase dun ang pamilyar saken.
una shempre, tibak dun si mila (maricel)
-isang hunger striker.
isa pa, marame sa mga pinag-shootingan nun pamilyar.
yung skul na pinagtuturuan ni mila ay sa tapat
ng bahay namen. legarda elem school.
tas yung simbahan na pinaburulan ke mila
ay parang home church ng mga tibak.
iglesia filipina independiente. (PIC sa mga tibak)
dun madalas ganapin yung mga
malalaking luksang parangal maliban shempre
sa up chapel.
tas , yung isang kinanta dun peborit ng madameng tibak.
eto po yun-
--------
awit ng peti b
buhay na nagisnan, puno ng ginhawa
buhay na kumupkop, di yata makakayang iwan
buhay na kay hirap, bagay na di gagap
bukas o nakaraan, san nga ba ang patutunguhan
naguguluhan pa ako ngayon
naghihintay na sila doon
may panahong magduda't magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay hwag lubayan
tunggalian ay walang katapusan
aking mga mat'y malinaw ang makita
tawag ng kapatid, luha na di mapapatid
buhay na natalos, humayo at kumilos
tawag ng pangangailanga'y di yata matatalikuran
at bisig ko'y hindi na ngayon
at makakayang iwan ang noon
may panahong magduda't magtanong
ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong
pagtatanong ay hwag lubayan
tunggalian ay walang katapusan
-----
Life is a big classroom.

20050326

Mahal kita,
kung paano o kailan o saan ay hindi ko alam.
Mahal kita,
walang bahid ng kabuktutan o pag-aalinlangan.
Datapwa’t mahal nga kita
dahil wala na akong alam pang iba
-pablo neruda, soneto 17


20050323

me and myself

pede ba kitang interviewhin?
ok lang. wla naman akong ginagawa eh. para san ba yan?
wala lang. gusto lang kitang makilala.
toinks.
di nga. seroso.
ok. bahala ka.
game?
game.
kumusta?
ok lang. mejo mainit pero ok lang talaga.
ano naman ang pinagkakaabalahan mo ngayon?
uhm? la nga ako magawa. gusto ko ipa-open line yung celfone namen para ma-avail namen yung promo ng PLDT. yung PLDT -Smart unlimitted calls for 10 pesos.
ah oo extended ba yun?
oo, hanggang april 11 pa.
ok. anong oras ka nagising kanina?
uhm? mga 10:30?
kumain ka na?
oo naman.
ano?
yung dala ng mader ko kagabe. galeng kase sha sa batangas. babang luksa ng lola ko. andame nga eh. ininit na lang namen.
naligo ka na?
oo naman ang init init eh.
anong shampoo mo?
sunsilk ata yun. kung anu nasa bahay yun yung ginagamit ko mga tira ng mga naunang naligo saken.
anong madalas mong kantahin pag naliligo ka?
hahaha, di ako kumakanta. marame kase kame sa bahay ayoko marinig nila akong kumakanta. pero lately madalas kong i-hum yung " love moves in mysterious way". hehe
marunong kang magsaing?
oo naman. actulli, lately lang ako natutong magsaing.
sinong nagturo sayo?
si roma. hehe. lalang asaran lang kame nung kapatid ko pinagsasaing ako. eh andun nga sa bahay si roma, sabi nya magsaing daw ako. sabe ko di ako marunong. tas sabe nya tuturuan nya ako. yun, ok naman yung unang saing ko. pasado naman. chaka masarap den kase yung ulam namen nun kaya ganun siguro. =)
roma?
roma, gelpren ko. uhm.
gano na kayo katagal?
uhm. 8 months and counting. hehe.
describe mo naman sha.
nakita mo na sha.di ba? niwey matangkad mahaba ang buhok. alam mo yung the incredibles? tas nakita mo dun si violet? yun ganun ang itchura nya. hehe. (lagot ako)
di ba tibak ka? sha?
uhm. di sha "organized" o di sha member ng anumang grupo pero proud akng sabihen na sumusuporta nman sha sa mga kalokohan ko hehe.
well, niwey anung org mo ngayon?
km64.
panu ka naging tibak?
ano ako eh, produkto ng EDSA dos. sumasama na ako nung pag may rali ang mga anti erap tas nung nagkaron ng mga vigil sa EDSA madalas akong pumunta dun kahet walang kasama. pagkagaling sa skul diretso nko dun. sosi nga ako nun eh. kumakain ako sa burger king. hehe eh refillable naman kase yung drinks dun eh. eh nung mga panahong yun walang masarap kundi yung papatid sa uhaw mo. kumpleto ko yung ilang days ba yun? five days?
pero nung last night, para ako wala dun. natatawa nga ako kase pagdating ko sa bahay tinatanong nila kung nakita ko daw si ganito o kung narinig kong magsalita si ganun. sabe ko "ows? andun sila?"hehe kase andameng tao nung last night andun ako sa malayong flyover me sarili kameng program dun. wala kumakaway lang kame sa mga nakasakay sa MRT. tas masaya na kame pag kakaway-back sila samen. lam mo ba na ni hindi kame magkakilala pero para kaming barkada? ganun yung atmosphere nun. para kayong iisa.
sa tingin mo nanalo ba talaga si GMA?
tinatanong pa ba yun? olats yun panu naman mananalo yun. toinks.
itong buwan lang ng march, walo na ata ang napapatay na mga aktibista, di ka ba natatakot?
kung iisipin mo talaga mas safe pa yung mga nasa bundok kase sila may armas. eh yung nasa "mainstream"? sabe nga parang nakadapo sa punong walang dahon. open target.
last august lang isang barkada yung dinukot ng ISAFP. di na sha nakita hanggang ngayon. at yun ay naganap dyan lang sa bustillos.
di ba ikaw ang founder ng km64?
opo.
baket km64?
wala lang, di ba pag may anak tayu gusto naten astig yung name ng anak naten? madalas isinusunod naten sa pangalan naten o ng astig na kamaganak naten o kung hindi naman sa isang astig na tao, isang bayani. ganun den. di ba me grupong KABATAANG MAKABAYAN nung 60's?
yun isinunod ko lang sa pangalan ng grupong yun kase karapatdat lang naman na bigyan ng tribute yung grupo. kase marame shang nagawa sa lipunan naten, na tinatamasa naten ngayon.
KM? di ba sabe communist front yun?
eh anu naman?
eniwey. nag-arki ka date di ba? sayang bat di mo tinuloy?
marame nagsasabe sayang nga daw. sa arki pa naman isang pirma lang pera na agad. pero di yun ang magpapasaya saken eh. makukuha ko ang lahat ng pera sa mundo pero kung di ako masaya wala ren. pwedeng makapagpundar ako ng maraming ariarian, kotse, bahay, maraming pera pero aanuin ko yun kung matapos ang ilang pagtapos kong mamatay eh umiiyak naman ako sa libingan ko na nagsisisi na di ko man lang nagawa yung gusto ko, na di ako ang nasunod sa buhay ko kunghinde yung ibang tao.
huhuhu. =) last question na, masaya ka ba sa ginagawa mo?
sobra.
yun naman ang mahalaga.
salamat ha madame pa akong tanong next time na lang siguro.
ok. salamat den.
-------------------
ang interviewing ito ay naganap sa billsgate. wla kase akong magawa kaya ininterview ko yung sarili ko.

20050321

dead on the spot

nakupo sha dito kanina.

dito?

oo. jan .parang me malalim na iniisip.

uhm.

------------

sino po kayo?

kapatid ko po sha.

sigurado ka?

opo.

-----------

me problema ba sha?

wala shang nababanggit.

----------

nagbabasa ako ng dyaryo dito.

tapos?

tumabi sha sa akin.

tapos?

wala naman akong napansing kakaiba.

----------

oo, sha nga.

san mo sha nakita?

bumili sha sa akin ng marloboro kanina.

---------

kausap ko po sha pero di ko sha kilala.

anu pinag-usapan ninyo?

wala naman po. tinanong lang po niya ako kung sa tingin ko totoong tinalo ni gloria si fpj. kung di po ninyo naitatanong, naging watcher po ako nung election sa amin sa dipolog.

---------

nakisindi pa sa akin yan.

sigurado ka?

opo. kase tinanong ko pa kung anong oras na eh.

mga anong oras yun?

alas tres y media yung sabi nya, pero sabi rin nya advance daw yun ng 15 minutes.

--------

buddy me mga tanong ka pa?

wala na pre.

malabo to.

sus di ka na nasanay.

pero ang tapang ng loko eh no?

oo.

mag-isang nangholdap?

at pellet gun lang ang dala.

--------

ser, nahulog po ang bimpo nyo.

20050315

iiwan na daw ni jopay ang sexbomb girls

me ginagawa akong chapbook, sarile ko ito. simple lang. title nya,
kung ang mga chonovela nga iniiyakan ko, paglisan mo pa kaya?
matatapos na sha.
sabe ni jopay di daw sha magsosolo.
aku den.
trip lang.

20050314

aniv


Tuwing mapag-uusapan ang tula, mahirap na hindi magunita ang ngayo"y maalamat nang pangungusap mula sa makatang Ingles na si Percy Bysshe Shelley: "Ang makata ay siyang di-kinikilalang mambabatas ng daigdig."

At bakit naman hindi magkakagayon? Ang tula, sa taas ng kapangyarihan nito, ay nakalilikha ng matibay na bantayog mula sa abo at, sa kabilang dako naman, nailalantad ang kastilyong buhanging nagpapanggap na marmol. Kaya't nakatalagang gumanap ng mahalagang papel sa kasaysayan ang makata. Nasa kanyang mga taludtod ang isang sandatang may mataas na kakayahang dumurog sa pader ng kabulaanan.

Taong 1992 nang unang ibandila ng noo'y Pangulong Fidel V. Ramos ang kanyang Philippines 2000, na aniya'y siyang eroplanong magdadala sa bansa sa pinakamataas na ulap ng kaunlaran. Bilang bahagi ng programang ito, isa niyang kaalyado - ang noo'y Sen. Gloria Macapagal-Arroyo - ang noong 1994 ay namuno sa pagraratipika ng Senado sa General Agreement on Tariffs and Trade (GATT), na nang sumunod na taon ay siyang naging batayan ng pagpasok ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO).

Tampok sa mga programa ng WTO ang pagsusulong ng mga patakaran ng liberalisasyon at deregulasyon sa ekonomiya, at pribatisasyon ng mga serbisyo sa sektor publiko. Ang mga patakarang ito, ayon sa Kambal ng Bretton Woods - ang International Monetary Fund (IMF) at ang World Bank (WB) - ang mga gamot sa malawakang kawalang-kaunlaran at kahirapan sa ating bansa at sa iba pang bansa ng Ikatlong Daigdig.

Mahigit sa isang dekada mula noong 1992, nananatiling malatuberkulosis na mga sakit ng Pilipinas ang laganap na kawalang-kaunlaran at kahirapan, at mga utak-uod na lamang ang mangangahas na magsabing ang pangkalahatang kalagaya'y hindi tuluy-tuloy na sumasama kaysa rati. Na dapat lang namang asahang mangyari, sapagkat ang mga patakarang ipinataw ng WTO sa ating bansa ay wala namang pakay na baguhin ang balangkas ng isang lipunang malaon nang pumapasan sa bigat ng isang kolonyal na hulma ng ekonomiya, pulitika at kultura; kawalan ng katarungang panlipunan, at kalat na katiwalian sa lingkurang-bayan.

Nananatili kung gayon ang mga sakit ng lipunang Pilipino na noon pa ma'y hinahagkis na ng mga dakilang makata ng ating bansa, magmula kay Francisco Balagtas (1788-1862) hanggang kay Romulo Sandoval (1950-1997). Kinakailangan ang pagpapatuloy ng panulaang kanilang nilikha at isinulong. Ipinalalagay naming magiging kahiya-hiya kaming mga makata kung sa ganitong
kalagayan ng bansa ay wala kaming tutulain kundi tungkol sa paghahabulan ng mga magsing-irog sa ilalim ng puno ng mangga.

Minsa'y nawika ng bantog na makata ng protesta na si Gelacio Guillermo ang ganito: "Noon lang ikalawang bahagi ng dekada sisenta natutunang itanong ng mga makata
sa sarili sa paraang publiko: Ano ang silbi? Sino ang pagsisilbihan? Paano? Mainam
ngayong ulitin ang tanong
."

Sa aming mga makata ng Kilometer 64, malinaw na ang sagot. Ang tulang Pilipino'y
nararapat na ilaan, una sa lahat, sa sambayanang Pilipino. Hindi biro ang magiging
kapakinabangan nito sa kanilang pagtitindig ng soberanya, katarungan, at mabuting
pamamahala sa ating bansa.
-kredo ng kilometer64, marso 14,2005

20050311

mahiwagang kamote

ilang nilalang na naman ang binawi. karamihan mga bata. kumain lang ng kamote.
kamote lang shet. marame sila sinisisi. yung pinagbilhan daw ng kamote.
dat daw ipagbawal na ang pagtitinda sa mga bangketa malapet sa
mga skul.
sa hakbang na ito malamang marami ang maapektuhan.
marami mawawalan ng kikitain. actully barya na lang yun.
konting tubo para makaahon sa isang araw.
ipagbabawal pa.
maaaring tama na di tiyak ang kalinisan ng
mga nasa bangketa. pero sapat na bang dahilan yun para ipagbawal
silang magtinda? mas dat siguro turuan sila [mga manininda]
ng tamang preparasyon ng kanilang produkto.
ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng kalinisan
sa kanilang produkto para na rin sa kapakanan ng
kanilang mga kostumer.
pero kung susuriin,
madali sanang nalunasan yung pagkalason.
di naman ganun ka-lethal yung lason na one klik patay agad
yung naapektuhan. it will took sometime bago
tuluyang umepekto ang lason sa katawan .
pero hinde ganun ang nangyari.
baket?
sabi sa news, wala daw matinong ospital sa
lugar na yun.
isang barangay health center lang daw ang andun para gumamot
sa kanila. ang ospital ay nasa ibang bayan pa.
kaya karamihan ng mga biktima ay namatay
habang isinusugod sa ibang bayan.
at baket nangyare yun?
maliit ang budyet sa kalusugan gaya ng kaliitan
ng budyet ng ibang serbisyong panlipunan.
maliit na nga kinakaltasan pa.
kung san napunta, ibang istorya na naman yun.

20050310

agawing muli ang agimat


sabi nila
-agaw agimat
Sabihin man nilang ako ay bata pa
'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya
Sa karanasan daw ako ay hilaw pa
"Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila

Maaring sa isang punto, sila ay tama
Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga
Dahil 'di ko pa naranasan buhay ko'y itaya
'Di ko pa naranasang sumagupa sa digma

Maaring kulang din ang aking pagkaunawa
Sa mga suliranin ng ating bansa
Maaring kulang din ang aking kaalaman
Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan
Ngunit dahil ba kulang pa'ng aking karanasan
At marami pa 'kong dapat pag-aralan
Ang pag-ibig ba nila'y 'di ko kayang pantayan
Para sa 'kin ito'y isang maling kaisipan


Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan
Ay sa puso at hindi sa isip lang
Ito'y nararamdaman at hindi napag-aaralan
Ito'y walang kinikilalang edad kailanman

20050307


pagsaludo
march 08 2005
ilulunsad muli ang ang kabyawan
kasama na dito ang mga bagong
tulang iniambag ng mga makata ng km64 at
mga kaibigan
gaganapin ito sa conspiracy cafe
59 visayas ave qc
9-11pm
magkakaroon din ng pagpupugay sa kababaihan
dahel ang araw ding ito ay araw ng mga kababaihan
kabilang sa mga tulang nasa kabyawan ay ang ss:
DUGO'T PUNGLO
KATAS NG TUBO
ni Tata Raul G. Funilas

MGA BUKAS NA LIHAM SA HACIENDA LUISITA
TARLAC
NOON PA SILA IPINANANAGHOY NG MGA BATINGAW
KALATAS SA LUISITA MALL
NATUYONG TUBO
KABILANG SILA SA MGA SALARIN
MAGSANLIBO MAN ANG KANILANG BUHAY
Alexander Martin Remollino

HINDI HACIENDA LUISITA ANG HANGGANAN NG PANININGIL
rengga nina Spin, Alexander Martin Remollino, Roy Monsobre, at Rustum
Casia

KAY NINOY, SA BUKANA NG HACIENDA LUISITA
ni Jonar Sabilano

SONITO 207: HACIENDA LUISITA
HACIENDA LUISITA
ni Santiago Villafania

SIGE, MAGDASAL KA
KATARANTADUHAN
ni Jeremy Evardone

HACIENDA LUCIFERA
KUMINTANG NI MARCELINO BELTRAN
ni Mark Angeles

LUISITA
ASUKAL
POSTERIZED
ni Rustum Casia

AZU CARERA
ni /spin

HACIENDA LUISITA
ni Gelacio Guillermo

ASUKAL
ni Noel Sales Barcelona

WALANG DUDA
IKAW, IKAW NA AKING KAPATID
MASAKER
ni Usman Abdurajak Sali

HACIENDA LUISITA
ni Ronalyn Olea

ISA LAMANG SA MGA HINDI NA NABALITAAN
ni Maryjane Alejo

KASIGURUHAN
ni Lei

TE DEUM
ni Prex Galero

SA PAMILYANG MAMAMATAY-MAGSASAKA
SA MENDIOLA MAN O LUISITA
ni Isidro Binangonan

ASUKAR
ni Sadirmata

MGA ALIBANGBANG SA AZUCARERA
ni Kristian Cordero

ASUKAL
ni Kristoffer Berse

KILUSANG MASA, IBAYO ANG PAGSIGLA
ni Danilo Hernandez Ramos

ASUKAL
ni Karl Mark
sa gabi ring ito ilulunsad ng mga kaibigang estudyante
ng pamantasan ng lungsod ng maynila
ang kanilang video docu
ang, asyenda mga tulang asyenda luisita
at shempre makasaysayan din ang gabing ito
dahil muling ilulunsad ang
ASUKARERA ni mang gelacio guillermo
muli imbitado ang lahat
malayang magtanghal [tumula umawit tumgtog]
mabuhay ang malayang kababaihan!
mabuhay ang mga manggagawang bukid at manggagawa
ng asyenda luisita!
tuloy ang laban. tuloy ang welga.

20050305

argh and errrr is an understatement

matindi ang dinadanas ka tuwing tulugan at gisingan
madalas maaga akong nagigising
mas maaga sa normal kong paggising [w/c is 1030 or 11am]
actully madaling araw yun eh, para lang magkumot. tas pahirapan na naman.
tas pag gabi pag lumagpas na ang twelve tas gising pako, patay na
paiyakan na naman para antukin.buti sana kung malaki ang bahay namen [kwarto actully]
pede akong pumunta sa isang sulok para magslat, magdrowing, maglaro ng apoy.
pero hinde eh. pag binuksan o yung ilaw magigising ang buong kabahayan.
pag nanood naman ako ng tv, dat sobrang hina kase may biglang kakalabit saken na hinaan
ko naman daw ang volume. kaya ang gagawen ko na lang tumingin sa kisame
ikondisyon ang sarili na may mga number na nabubuo sa dilim
para kinabukasan matayaan sa lotto.

20050303


The Herb
ciudad
i wanna stay here in your arms, where the grass grows on my lawn.
you're the sunshine in my leaves that make me want to flower.

i wanna stay here in your arms, where the grass grows on my lawn.
you're the sunshine in my leaves that make me want to flower.

shower me with rain, coming from your pail filled with love.

shower me with rain, wash away all shame, wanting you near, oh my love.

i wanna stay here in your arms, till the morning comes the dew.
condensed water from above, can't you tell it's love? oh love.

akap
imago
Nagtatanong
bakit mahirap
sumabay sa agos
ng iyong mundo
Nagtataka
Simple lang naman sana
Ang buhay
Kung ika'y matino
Sabihin sa akin lahat ng lihim mo
Iingatan ko
Ibaling sa akin ang problema mo
kakayanin ko
Pikit mata
kong iaalay
ang buwan at araw
pati pa sapatos kong suot
Nagtatanong
simple lang naman sana
ang buhay
kung ika'y lumayo
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit
Sasamahan ka sa tamis
Sasamahan ka sa pait
Sasamahan ka sa dilim
Sasamahan ka hanggang langit Sasamahan ka

20050301

norah jones in manila

norah jones
pumikit lang ako sandali
para masabi ko sa sarili
na nakatulog ako.
pero ang totoo
nababahala ako.
ayoko pang matulog.
kinakabahan ako sa pancit
na itinira ko para sa iyo.
at kinakabahan din ako sa di pag-uwi mo.
gusto kong bantayan ang pancit.
pati na rin ang iyong pagdating.
gustong tiyakin na walang masamang mangyayari
sa pancit.
na sana, hindi ito mapanis sa pag-iral ng gabi.
tulad ng dalangin
na sana'y ligtas ka ngayong gabi
at uuwi ng walang masamang nangyari
at kakainin ang di napanis na pancit.