<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050227

17th floor

itatype ko dat yung binasa kong tula kagabe sa rooftop ng metropolitan tower
kaso na-hook na ako sa panunuud ng video ni bjork
astig yung cocoon check nyo. niwey nabanggit na rin lang yung kagabe pramis angganda
talaga dun sa taas
tanong nyo pa kay abet umil.

20050223

all these sleepless nights

ansaket na ng ulo ko sa #@$%$^$%@#%^* na keyboard na ito
walang letter _ ayan wala na nman
isa pa nga _ wala pa ren.
last na.
_
wala talaga.
toinks.
------------------
kung kulang pagpasensyahan
naiiyak na talaga ako.
yun
fe25 6-9pm
purplehaze sa marikina
tapat daw ng punenarya.
fe26
bulong 6
metropolitan rooftop
8pm
------------------
aba himala umayos ang ...
ulet ha
feb25 marikina
feb26 malate
andun ako pareho.

20050221


In Support of the Nomination of Bienvenido Lumbera as National Artist
Kilometer 64
February 19, 2005

We in Kilometer 64, a group of poets, support the nomination of Dr. Bienvenido Lumbera as National Artist.

As poets we have taken an interest in developments in the Philippine cultural scene. We are aware of the requirement that for one to be a National Artist, he or she should have made a significant impact on Philippine culture.

Not only has Lumbera made a significant impact on Philippine culture: he has contributed to the strengthening of what is Filipino in Filipino culture.

The removal of identity from consciousness was invariably among the devices resorted to by the Spanish, American, and Japanese colonizers in their bid to subjugate the Philippines. The effects of this on the Filipino psyche have stood in the way of genuine national development.

Lumbera contributed to the Filipinos? self-awareness by unearthing, through painstaking research, the achievements of our nation in the field of culture for the past several hundred years.

Aside from this, Lumbera has directly contributed to the further development of an authentically Filipino culture by creating poetry and drama reflecting the continuing Filipino quest for full independence, and by promoting through his critical studies the works of other artists who work along this line.

Lumbera has not only significantly affected Philippine culture. He has contributed immensely to the formation of a truly Filipino culture.

For this, he fully deserves to be conferred the National Artist award.

no to VAT


photo from pinoyweely.org

20050219


[r]

1320 espana

kung di ako makarating
may masamang nangyari sa akin


nakatali ang aking paa't kamay
nang matagpuan ang aking bangkay
sa ilalim ng tulay
pandacan.

sa isang tama ng balang
pumasok sa aking batok
na lumagos sa aking baga,
na lumabas sa aking dibdib
at bumutas ng paborito kong tshirt
na namantsahan ng sarili kong dugo.

di naman pala ako anemic
gaya ng gusto nilang palabasin
para lang mapilit nila akong matulog ng maaga.

sabado ng gabi nang lakarin ko
ang aking huling lakad,
inumin ang huling zesto walang straw
kainin ang huling siopao na walang sauce.

iyon din ang huling gabing
tumawag ako sa inyo-
nagtutulog-tulugan ka daw.

wala namang kakaiba ng gabing iyon
maliban sa isang tricycle
ang pumara sa aking harapan
habang iniintay kong mag-green
ang stoplight.

wala akong matandaang tumawag ako
ng tricycle.

pinilit nila akong sumakay.
di nila ako mapilit.
pero napilit pa rin nila ako
sa bandang huli.

may baril sila.

dinala nila ako sa bakanteng lote.
pinaluhod matapos piniringan.

di ako binigyan ng pagkakataon
na magtanong.
o gaya ni rizal ay maharap
ang aking kamatayan at sa huling
pagkakataon ay makita ang langit.
ang mga bituwin
at kung ano ang hugis ng buwan.

nagmamadali sila.
pero parang ang bagal ng oras
para sa akin.
narinig ko pa ang kasa ng baril.
tapos,
tapos wala na akong matandaan,
maliban sa sinabi mo nung huli tayong magkita-
na manunood tayo ng concert sa linggo.

wag kang mag-alala.
naalala ko ang sinabi ko,
ang pangako ko sayo-

di na ako male-late.
at sa kahit anong paraan
darating ako.

pramis.

we are nothing

malamig dito pero mainit sa labas.

tatlong beses akong nagpalit ng computer.
una dahil di gumagana ang mouse.
pangalawa, walang yahoomessenger.
at pangatlo, dahil may katabi akong
nagpe-piyesta sa hubad na katawan
ni halina perez.

di ko sya maintindihan.
marami akong di maitindihan.

bakit kailangan kong maglakad kahet may pamasahe.
bakit nag-iinternet ako kahet wala akong pera.
bakit ako nagtatanong kahet alam ko naman ang sagot.

nalimutan ko na rin kung anu ang ibig sabihin ng salitang "busy".
ilan ba dapat ang ginagawa mo para masabeng
marami kang ginagawa.
gaano ba kalayo ang malayo?
gaano ba kalapit ang malapit?

pag katabi ba kita ibig sabihin malapit ka?
pag nasa kabilang espana ka ba malayo ka ba?

ewan.
kaya siguro lagi kong sinasabing
ewan.

basta.

i am fragile.
i am not astig as you think.

ni hindi ako marunong magsaing.
ang kaya ko lang lutuin ay
overcooked na instant pancit kanton.

nagagalit ako sa diyos
pag di ako makatulog

madalas kong napapaginipang may hawak
akong cactus.

i succumb pa rin to deeper despair.

isinusuot kong pilit
ang sapatos na di naman sukat sa paa ko.
wala na akong makitang tulad nya.
mas nanaisin kopang magpaa
kung di sya.

excited ang lahat dahil summer.
lahat gusto mag-swimming
maliban saken.
di ako marunong lumangoy,
kahet pisces ako.

mas marami akong gustong gawin
pag patay na ako.
pag di na ako kayang sukatin.
pag di ko na kelangan umangkop
sa standard ng "normal" na lipunan.

gusto kong maging hangin.
maging ulan.
maging bituwin.
maging bermuda grass.
maging ulan, maging papel.
maging tula.

nararamdaman ko.
naniniwala ako.

may ibang mundo maliban dito.

20050217


mula kanan: kris berse, alex, roma, rustum, psy, bolix. [sa megamall]

20050214

need to be next to you

ang mga pinakamalikot kong mga panahon ay ang mga panahon ko sa lagro.
kaya naman ansarap magbalik at makita kung panu nagbago ang dating mundo ko.
ang malungkot lang ng hanapin ko yung bahay namen dati
wala na. giniba na pala yun at tinayuan ng mga studio type appartment.
_________________
ang mahal ng pamasahe papunta dun. tas wala pakong cellphone.
nagkagulo tuloy sa meeting place.
_________________
ilang beses akong nag-net kahapon para lang magtext.
yung sa isa, disaster.
bigla ba naman nawala yung chikka.
_________________
ganun pala ang lasa ng chilli con karne.
_________________
guess who's in SM fairview?
rainier castillo.
_________________
ang haba ng pila sa "let the love begin."
_________________
hello gf.
hapi balentyms.

20050210


PAGKAT TAYO'Y NAGMAMAHAL
Napopoot tayo pagkat nagmamahal:
pagkat tayo'y saksi sa pangangalawang-
tulad ng turnilyo-ng obrerong bukal
ng ating hininga; sa pangangalirang.
lalo kung gapasan, niyang nagpapala
sa mga pinitak; sa pag-uumuga
ng buto-at-balat: ang kalakhang dukha
na ikinadena sa asin at luha.
Kaya't sumusubo ang hurno ng utak,
ang apoy sa puso?y lipyang tumatalas-
paniwala't pasyang pinapaling lakas
na sa nang-aapi'y ukol ipang-aklas.
Napopoot tayo pagkat tayo'y nagmamahal;
nagmamahal kaya't braso'y humahataw.

ryza


ang aking bet..si ryza cenon.

sorry rio

sa kanyang blog naglabas si
spin ng kanyang apology sa ilang piling tao
rio, joi, atbp.
rio.
rio.
rio.
rio?
sipol lang tayo.
pero anu't anuman
astig yun. full of humility ang bawat linya.
parang gusto ko nga umiyak.
ano kaya nakain mo, spin?
basta.
rio?
[tama na nga nag sorry na nga eh]

20050205

off to TUPADA

hirap na hirap akong
lumunok ansaket magkaka-tonsillitis ata ako
sa BK inalis ko yung ice
pero pagdateng sa
bahay walang nakapigil sa akin na lantakan
ang ice cream na nasa freezer
di tuloy ako makaangal kanina
paggising ko na hirap pa ren akong lumunok
mapapagalitan lang ako
sasabihen na "ikaw kase maaket na lalamunan
kumain pa ng ice cream"
eh sa matagal na akong di nakakain
ng ice cream eh ang huling kain
ko eh nung [?] yung kina spinn kelan ba yun? basta
tas chocolate pa niwey masaket pa ren sha ngayun ok lang kase nakakain naman
ako ng ice cream na chocolate pa giniginaw na naman ako ah?
lalagnatin siguro ako.

20050202

death defy

MABANGO ANG BAGONG TABAS NA
BERMUDA GRASS
noon,
madalas kong iyakan
ang mga hindi dinadalaw
na mga libingan.
bagama't di palaisipan
di ko rin man kayang
ilahad ang mga kasagutan
at mga dahilan
kung bakit
madalas kong iyakan
ang mga hindi dinadalaw
na mga libingan.
lumuluha pa rin ako ngayon.
ngayon, sa aking sariling libingan.
lumuluha sa hindi dinalaw na libingan.
________________________________
IHIP
pag umalis ako/ hindi naman ibig sabihin/
na iiwan na kita/ na di na kita babalikan pa/
na mawawala ako sa tabi mo/ habangbuhay/
sabihin na nating/ aalis ako/
upang makasama mo/ sa bawat minuto/
ng bawat oras/ ng bawat araw/
ng pag-iral mo//
________________________________
SUPERNOVA
wala na akong nakikita
wala na akong naamoy
wala na akong naririnig
wala na akong nalalasahan
wala na akong naalala
wala na akong naiisip
wala na akong nadadama
malaya na ako
_________________________
OPEN MIKE
tatlong araw lang akong ibuburol.
first night, parangal UG.
second night, parangal sa ligal.
last night,
book launching.
open mike follows.
________________________
BATTLE FOR 3rd
2005 2003 9 2004
11 2001 8 2002 8 3
1 12-13, 2005 2
0921 621 98 98 71-89
one 24 28 at 30
30
17 12 45 23 40 33
6/45 46,451,909.70
417 3 0 8 4
084
84
4
417
4500 4000 09 21
13 061 2pm 4pm
2004-2005
4 2 10
1-0
ika-6
6 ft 5.
p9.
______________________
INTERNAL COMBUSTION
purobulateanglamanngakingunan
ayawakongpatulugin
nagsasayawansilatuwingipipkitkoangaking
mgamata
ayawnilaakongpatahimikin
sinunogkoangunan
nagingboaconstrctornaman
angakingkumotat
nilingkisakohanggang
kamatayan.