<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20041130

may LR kaya kanina?

happy aniversary sa
ANAKBAYAN

at shempre sa
KABATAANG MAKABAYAN.

invited ang lahat sa isang programa mamaya sa UP Film Center 6pm.

20041127

isa itong tagumpay mga kasama

oysalamatsamganagpuntasabooklaunch
ng
km64salamatsamganagperform
salamat
po

20041125

scrap oil derugalation law

ngayong araw inilulunsad sa ibat ibang lugar ang tigil pasada ng mga tsuper ng jeep at pati na rin ng ibang transport groups tulad ng mga taxi drivers at kanilang mga operators.
maaga akong nagising. pinanood ko yung uang hirit. me portion sila dun na maaring tumawag upang makapagkomento sa anumang isyu. at sa umaga ngang ito ang isyu na kokomentuhan ay ang transport strike.
isang komento, ang tila naninisi sa mga tsuper.
pero napakaganda sigurong itanong, na bakit ba nag strike ang mga tsuper.
una kabawasan sa kita nila.
dapat sigurong itanong din kung tama lang ba ang hiling nila.

1.discount sa presyo ng krudo.
2.at pagbuwag sa oil deregulation law.

sa aking palagay, wasto ang kanilang kahilingan.
matagal nang pinapahirapan ang bansa ng oil deregulation law na ito. hawak tayo sa leeg ng mga kumpanya ng langis. panahon na upang buwagin ito.

pero ano ang sagot ng gobyerno? tatanggalan ng prankisa ang sasama sa strike.

ganyan ang gobyerno nyo.
mahilig sa short cut.
mas mahirap nga namang banggain ang mga higante.

20041121

hacienda luisita

laman ng balita yung tungkol pa ren sa hacienda luisita. marame ng "developments".

una, nasulsulan daw ang hanay ng mga welgista.
pangalawa, nagpaputok ng baril daw ang tatlong namatay sa mga welgista.
pangatlo,una raw nagpaputok ang mga welgista.
pang-apat, mga NPA daw ang nasa hacienda, at di mga lehitimong mga magsasaka at mangagawang bukid ng hacienda.

yung sa nasulsulan daw ang mga welgista. sa tingin ko pagmemenos sa kakayahang mag-isip at magpasya ang sabihen na nasulsulan lang ang mga welgista. lehitimo ang ipinaglalaban nila. 100 pisong dagdag sa sahod, pagbabalik sa mga iligal na tinanggal, at iba pang isyu tulad ng repormang agraryo na di naipatupad at naabuso.

kesyo me mga baril din daw ang mga welgista at sila ang unang nagpapaputok. desperado na sila. sa pagtatanggol sa mga sarili nila. gusto nilang i justify na tama lang yung aksyon nila. ilang beses na nilang ginawa yang ganyang estilo.

eh mga NPA daw yung nandun. si eduardo ermita ang bopol na nagsabi nyan. bopol. kase kung mga NPA or kung me mga NPA nga dun. eh pucha sigurado me casualty sa mga pulis at sundalo.
mga NPA pa.

huh?

20041120

bilang pagdiriwang at pakikiisa
sa paggnita sa maningning na kasaysayan ng kabataang makabayan
inihahandog ng km64
ang kwarenta
mga tulang alay sa mga martir na kabataan.

lalamanin nito ang mga tulang alay sa mga sumusunod:

eden marcellana, cocoy corpin, helen cabildo, lucille gypsy zabala,
aldrin sembrano, eman lacaba, edgar jopson,
Marjorie Reynoso, Lito Doydoy, Ramon Regase, Jr, Jonathan Benaro,
Benjaline Hernandez, Leyma Fortu, Abraham Sarmiento, Jr,
Liliosa Hilao, Purificacion Pedro, Lorena Barros, Nilo Valerio,
Bobby de la Paz, Juan Escandor, Bobby de la Paz, Enrique Voltaire Garcia II,
Lourdes Crisostomo, Myra Algarme, Edddie Gumanoy,
Symone Donacao, Rowan Labo, Christine Quevedo, Karen Joy dela Cruz,
Mark Chua,Jaime Asuncion, Felix Reblogado,Choy Napoles,
Isaias Manano, Mary Gene Dumamplin, Rodolfo Val Marquez,
Jojo Cachero, Crispin Tagamolila,Ka Erwin, Nick Solana,
Merardo Arce, Benedicto Deldoc,Carolina Visaya, Josefa Patricio,
Ricardo Filio, Lean Alejandro, Romeo Malabanan,Ricardo Alcantara,
Fernando Catabay, Felicisimo Roldan, Bernardo Tauza,Liza Balando,
Valerio Nofuente, Enrique Sta. Brigida,Jessica Sales, Cristina Catalla,
Ramon Jasul, Modesto Sison, Gerardo Faustino,
Virgilio Silva, Salvador Panganiban, Erwin dela Torre, Manny Salvacruz,
Rizalina Ilagan,Albert Enriquez,Dennis Deveraturda,
Henry Romero,Cheryth Dayrit-Garcia,Arthur Garcia, Carlos del Rosario,
Jack Peña, Lorenzo Lansang, Romulo Jallores, Ruben Balino,
Alex Boncayao,Arminda Santos,


kasama sa mga nag ambag ng mga tula para sa kalipunang ito ay sina..

rustum casia, alex remollino, joshua de luna, usman abdurajak sali,
isidro binangonan, dom aquino, k manlaiz, nelson dela fuente,
jonar sabilano, sonny villafania, honey pie maniego, mary jane alejo,
roy monsobre, gilyer del monte, mark angeles, kristofer berse, ayan dela cruz,
sonia gerilya, ting remontado, marta mateo, cristopher nuyles,
aris remollino, axel pinpin, emmanuel lacaba, kris montanez, p.d. rayos,
ruth firmeza, jason montana, felipe granrojo, e san juan jr, jess santiago,
amado v hernandez, boni ilagan, ruben belino, vim nadera, heber bartolome,
domingo landicho, bien lumbrera, danny fabella.

sa nobyembre 26 ang public launching ng librong ito
gaganapin sa
PUP amphitheater
PUP sta mesa
sa ganap na ika apat ng hapon hanggang ika pito.

shempre invited ang lahat. pramis.

20041119

alvin patrimonio number one ka pa ren sa puso namen uh

nag retire na pala si alvin patrimonio..
wala lang self confessed die hard niya ako eh..
kaya naman i was teary eyed habang nanonood ng tribute sa kanya kanina.
bigla ko tuloy hinanap yung banner ng purefoods team na may pirma ni cap.

kay cap..
we'll miss you.

argh



bloggers nite

November 26 4 to 7pm, PUP Sta. Mesa

20041118

!@#%$^*^$@*!

ASUKAL

sinikap niyang tumayo.
sinikap niyang makadampot ng bato
upang ipukol sa mga sundalo.
di man sapat kumpara sa armadong pwersa nito.

sinikap niyang magsalita.
sumigaw, isigaw na kahit sa kamatayan
handang manindigan
ng anakpawis para sa kanyang katubusan,
isigaw na matagal na siyang namatay
dahil sa di makataong mga polisiya.

ipinikit niya ang mga mata.
hindi bilang pagsuko sa kawalan.
hindi upang iwan ang kanyang ipinaglalaban.
hindi.
dahil paulit-ulit man ang kamatayan
ang buhay niya'y paulit-ulit din niyang
ilalaan.

20041117

PINAKAMATAAS NA PAGKONDENA

LUISITA

pito ang patay sa hacienda luisita.

ang private nurse ng hari ng afganistan
ay isa palang pilipina.
vip ang turing sa kanya.

pero pito ang patay sa hacienda luisita.

binalikan na ni michael si ellaine.
nagkakalabuan na si william at joey.
natuwa naman si chris.

habang pito ang patay sa hacienda luisita.

tinawagan na ni bush si gloria.
meet daw sila.

habang pito ang pinapatay sa hacienda luisita.

naiirita si erwin tulfo kung bakit
kailangang pakialaman pa ng kongreso
ang insidente sa luisita.
marami pa aniya ang mas mahalagang pag-usapan.
mas mahalagang pag-usapan.
mas mahalagang pag-usapan.
mas marami pang mas mahalagang pag-usapan.

kaysa pito ang patay sa hacienda luisita.
pito lang naman patay sa hacienda luisita.
wala naman silang mga pangalan.
di naman sila artista.
di naman sila kongresman.
di naman sila fil am.
wala naman silang pangalan.

kaya wag na silang pag-usapan.
wag nang pag-usapan na

pito ang patay sa hacienda luisita.

ang kailangan ngayon ng bayan ay dasal.
magdasal ang bayan.
kailangang magdasal.
kailangang magdasal.

kailangan natin ng dasal ayon kay cory aquino.

kailangan.


"I've been an advocate of non-violence and I deeply regret that people had to get hurt on both sides,"
-corazon aquino

20041115


sa piling mo ako'y buhay -regine velazquez

http://sorryeverybody.com/

kwarenta

inihahandog ng km64 at ng lusong
ang kwarenta
kolesyon ng mga tulang alay sa mga kabataang martir.

nobyembre 26 2004
pup sta mesa
4-7pm

kasama sa mga nag ambag ng mga tula para sa kalipunang ito ay sina..

rustum casia, alex remollino, joshua de luna, usman abdurajak sali,
isidro binangonan, dom aquino, k manlaiz, nelson dela fuente,
jonar sabilano, sonny villafania, honey pie maniego, mary jane alejo,
roy monsobre, gilyer del monte, mark angeles, kristofer berse, ayan dela cruz, sonia gerilya, ting remontado, marta mateo, cristopher nuyles,
aris remollino, axel pinpin, emmanuel lacaba, kris montanez, p.d. rayos,
ruth firmeza, jason montana, felipe granrojo, e san juan jr, jess santiago,
amado v hernandez, boni ilagan, ruben belino, vim nadera, heber bartolome, domingo landicho, bien lumbrera, danny fabella.

20041114

wala ng bala ang gamit kong..

staple wires #10

bok, wala na akong bala.
di na ako makaalis sa pwesto ko
kaya,
pwede bang pakikuha.

tutal malapit ka naman
sa backpack ko
kaya
pakikuha naman sa bulsa nito.

kung sakaling wala na rin.
ubos na rin.
nagamit na rin.

pwede kayang masabihan
ang mga darating na kasama
na magdala ng maraming bala.

para naman matapos
na itong gawaing nakaatang sa atin.

at maihabol ang mga primer na ito
bukas sa all leaders meeting.

20041112

mr bush on morality

matapos siyang muling maihalal, isa sa binigyan diin ni george w. bush ang muling paghuhubog sa lipunan ng mga amerikano. isang disenteng lipunan. at isa sa mga programa niya ay pagsusog sa kongreso ng amerika na ipagbawal ang same sex marriage. isa raw itong imoral na gawain sa isang disenteng lipunan.

nakakatawa, una dahil nanalo ulet siya.

pangalawa, may gana pa siyang magsalita tungkol sa moralidad.

nung ilunsad niya ang gera sa afganistan at iraq, para sa diumano ay laban ng mankind sa terorismo, naisip kaya niya ang moralidad?

"if we want to have a hopeful and decent society, we ought to aim for the ideal, and the ideal is that marriage ought to be, and should be a union of a man and a woman"
-karl rove, bush political aide

20041107

bonifacio ilagan

madameng beses na akong tinanong kung baket kilometer64,km64.. at marameng beses ko namang maayos na nasagot..ewan kung baket nung isang araw wala akong nasabe kundi..

poof.

ewan..er.. di tuloy ako nakatulog ng maayos. eh kase ba naman ang nagtanong ay isang true-blue km-hardcore.. pano ko sasabihen na km64 kase.. km..tas 1964..tas..yun.. pagpupugay..pagkilala..
arghh..

next time..sana may next time..

guess? malapet sa bahay nina boni ilagan ay isang poste ng km64..

as in.

20041104

never is a promise

gelacio guillermo. monico atienza. vim nadera. bien lumbrera. boni ilagan.
met these guys in the span of two days. uhm, thats something astig.
uh uh.
---
nanalo si dubya [not again?]..disamayado pero..actully wala naman talaga dapat asahan sa eleksyong ito.
kahet sino naman manalo sa dalawa, ganun den. yung foreign policy nila di magbabago. magpapatuloy lang naman sila sa pagpapalawig ng imperyo ng amerika. sa magkaibang paraan lang siguro, pero buttom line pa ren,
tayung mga nasa third world na daigdig ay patuloy na maghihirap.
---
kinidnap ang dalawang pinoy sa afganistan at iraq.. samantalang sa whitehouse pinaplano na ang victory party ni bush.
---
sa wakas..nagkaroon na ren ako ng kopya [burned..] ng kanta ni fiona.. eto o..

NEVER IS A PROMISE
Words & Music: Fiona Apple

You'll never see -- the courage I know
Its colors' richness won't appear within your view
I'll never glow -- the way that you glow
Your presence dominates the judgements made on you

But as the scenery grows, I see in different lights
The shades and shadows undulate in my perception
My feelings swell and stretch, I see from greater heights
I understand what I am still too proud to mention -- to you

You'll say you understand, but you don't understand
You'll say you'd never give up seeing eye to eye
But never is a promise, and you can't afford to lie

You'll never touch -- these things that I hold
The skin of my emotions lies beneath my own
You'll never feel the heat of this soul
My fever burns me deeper than I've ever shown -- to you

You'll say, Don't fear your dreams, its easier than it seems
You'll say you'd never let me fall from hopes so high
But never is a promise and you can't afford to lie

You'll never live the life that I live
I'll never live the life that wakes me in the night
You'll never hear the message I give
You'll say it looks as though I might give up this fight

But as the scenery grows, I see in different lights
The shades and shadows undulate in my perception
My feelings swell and stretch, I see from greater heights
I realize what I am now too smart to mention -- to you

You'll say you understand, you'll never understand
I'll say I'll never wake up knowing how or why
I don't know what to believe in, you don't know who I am
You'll say I need appeasing when I start to cry
But never is a promise and I'll never need a lie