<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttps://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d1893852403227783020', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20070611

Lumipat Na Po Ako Ng Bahay

Paki update po ng mga links at pakibisita na din po sa bago kong bahay:
at kung nakadaan na kayo, paki iwan na lang din po ng komento para alam ko kung sino pa ang idadagdag ko sa links.
Salamat po.
At pasensha na kase di nako nakapag update dito kase nagkaproblema ako sa blogger dati.
Basta po punta kayo dun.
Thanks!

20060803

Test

Dahil sabi mu magpost ako ng kahit anu para matesting kung gumagana ang post section mu..

etu na.

GUMAGANA SIYA.


;P ayaw niya sayo, mehn.
roma

20060711

TWO TWENTY EIGHT

Napapagod na akong sisihin
ang taas ng aking unan.
Hina ng efan.
Dami ng kinain ko nung hapunan,
at kapitbahay na nagkukwentuhan.

Napapagod na akong ibintang
sa mga walang muwang
ang motibo
kung bakit hanggang ngayon
gising pa rin ako.

Nakikinig ka ba?

Oo, dahil ito sayo.
I think everybody should get rich and famous and do everything they ever dreamed of so they can see that it is not the answer.
-jim carrey

20060605

alam mo ba na ang simpleng pag forward ng email mssg na ito will mean a lot?
yep.
pramis.
as in.





TUGMA SA LAYA
isang gabi ng tula at awit para kina
axel pinpin
aris sarmiento
riel custodio
michael masayes
at enrico ybanez

kung may Batasan 5
at may UMDJ o erap 5
panahon na malaman mo na meron ding
tagaytay 5
at sila yun.

di sila mashadung mahilig sa 5 no?

as i wer saying..

june 8 huwebes
7pm
Bahandi
j nakpil cor agoncillo

paLayain ang Tagaytay 5!
paLayain ang lahat ng bilanggong pulitikal!

at kung pupunta ka eh mas maganda
malapit lang naman.

kung gusto mong magperform
eh mas waw

tara.

iforward mo to ha?
spread the word.

eh papayag ka, lolo mo si raul gonzalez?

20060520

AT LEAST

Sana pwede akong patulugin at paganahing kumain ng inyong mga at least hindi sila naparis sa mga nawala na lang sukat, at least di sila nakitang palutang lutang sa ilalim ng Jones Bridge, at least buhay sila, nakakulong nga lang, may kaunting pasa sa tadyang.

Sa totoo lang, nakakabingi ang mga at least. Wala itong silbi sa akin sa kasalukuyan. Para lang gabundok na labahing poproblemahin. Para itong lukot na polo na makikita ko sa salamin. Para itong masikip na briefs at basang medyas.

It sucks.

Hinuhubad nito lahat ng panatag na larawan sa aking isip. Ginugulo nito ang relsyon ng subject at predicate sa aking mga pangungusap.

It really sucks.

Bakit naman kaya ako makukuntentong- at least buhay sila?

Eh, sa ganitong bansang, ang mga namumuno'y tila 3 for 100 na DVDng ibenebenta sa Raon-

sino ba dapat ang nakakulong?

20060510


Isa siguro sa pinaka-underrated na cartoon character si tinkerbell. Lagi shang nasa likod ni peterpan. Kontrabida pa nga ang turing sa kanya kase ka-love trianngle sha nina peter at wendy. Aku den, maliban siguro sa gumanap bilang tinkerbell minsan si julia Roberts, eh wala na akong interes sa fiary na ito.

Last week nagbura ako at naglipat ng mga importenteng mga txt mssg. Naiimbudo na kase ako sa sobrang dami. Tas may nagsend saken ng qoute. Quote ni tinkerbell kay peter pan.

You know that place between sleep and awake, the place where you can still remember dreaming? That's where I'll always love you

Ang galeng nga naman. Sa kabila nga naman ng katotohanan na may wendy na si peter, eto si tink, nagmamahal ng tahimik.

Di ko alam kung paano natapos ang kwento ni peter pan. Di ko alam kung nagkatuluyan ba sila ni wendy o sa wakas naging masaya na si tink. Baka rin hinde.

Yun nga siguro ang papel ni tink. Ituro kung paano magmahal ng walang kapalit. Kahet walang sukli.

Laughter is timeless -- Imagination has no age -- And dreams are forever

faith and trust all you need is pixie dust

20060502

Marahas ang nakaraang dalawang gabi para sa akin, biro nga ng bugoy kong kapatid, para daw akong ginulpi ni paquiao, shempre di ko na idedescribe.

Ewan, parang nasanay nako. Kain ng yelo, tapat sa elecrtic fan, hinga ng malalim, relax. Habang nasa ganoong lagay nga ako, nakuha ko pang ipalipat yung TV sa channel5.
(palabas nuon ang isang docu film ni nick de ocampo)

Payapa naman akong nakatulog.

---

Hindi ako nakapunta na mob kahapon. Unti unti akong pinapatay ng bugnot. Gusto kong magbunot ng sahig at bunutin ang mga halaman ni aling Remy.

---

Di ako mahilig lumangoy (pisces po ako) pero

I JUST WANNA BE IN THE BEACH!

SUMMER!

---
Inaresto ang kapwa makata na si Axel Pinpin, NPA daw.

kelan kaya sila makakahuli ng tunay na NPA?

Napabuntung hininga naman ako.

Tsk.

---

Nii, apee 22 moons po. Olats at naghahayup hayupan ang Globe telecom kahapon. Niwey lurv. Lurv lurv lurv.

Sex na to!
BUS #6

Nagtatanungan ang aming mga mata.
Anu ano namin ang mga hinatid kanina?

Malungkot ba kami
o masaya sa paglisan nila?

nakita na naming magpalit ng kulay
ang kalawakan.

nakita na naming dumami
ang mga tao sa lansangan.

Mga hibang
kaming tila nag-aabang.

Maliwanag na ang katotohanan.

Malayo na ang mga bus sa aming mga naiwan.

----------
naisulat matapos managinip ng mga bus, bukangliwayway, at pag-iintay.