<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20051029

di ako mahilig sa mga bata. pramis. pero di ko alam kung baket last thursday, eh maghapon kong kausap si harvey. sa mga di nakakakilala kay harvey sha ay isang batang matanda. opo.

pinag-uusapan namin ang ulan, ang asong nakatali sa barbel at kung bakit wala shang payong.

fruitful ano po?

-----------------
ngayon ko na lang talaga naapreciate ang telepono.

espesially yung mga public phones na hinuhulugan ng piso piso.

hello, pede po kay roma?

-----------------
in a span of one week, ilang aktibista na ang napapatay. katatapos lang ng matagumpay na Lakbayan, tatlo agad ang napatay sa CL.

-----------------
death aniv ng aking ama kahapon. labing limang taon na. baka pumunta kame sa sementeryo sa isang araw. ang layo nga lang. minsan mas matagal pa ang byahe kaysa sa stay namen dun.

-----------------

sa mga kaibigan kong namayapa na na di ko man lang nadalaw simula nung ilibing sila, sori po.

kay tsang sonia
kay helen
sa tatay ni nonoy
kay karancho
kay mommy


+

20051025

"Sleep,
Those little slices of Death
How I loathe them."

-Edgar Allen Poe

20051022

from arkibong bayan website













tuloy ang laban
tuloy ang laban

tuloy ang laban ng masa

20051019

matapos mag-antay kung may dadating pa narealize ko na insincere nga ang mundo.
pag sila me kailangan sayu, weeha. pag ikaw na, poof.
settle for something lesser.
mabait ka naman eh.
anger naman is a foreign word sayo eh. alien. parang- duh? anu yun?
next time na lang.
minsan turuan naten ang sarili na magsabi din ng next time na lang.
sila naman ang mag-antay sa wala.
sila naman ang magtanong ng magtanong kung anong oras na.
sila naman ang mag-antay kung may dadating pa.

20051017

last nyt sa jeep magkausap ang dalawang obyusli ay mga tsuper. pinag-uusapan nila kung gaano kataas ang presyo ng krudo at kung paanong ang 400 na kita ay dapat ng ipagdiwang.

bihira na daw sumakay ng jeep ang mga tao ngayun.

at bihira na ring magsimba.

niwey, sa ganitong kapanahunan, nag-iimbita pa ren kame na lumabas ka ng bahay sa martes.

pagyakap sa lupa
gabi ng tula at iba pang jamming sa buwan nilang
nagbubungkal at di-matuyong bukal

oct18 martes

Purplehaze Bar and Café
No. 376 J.P. Rizal St., in front of Guzman Chapel, Bayan,
Marikina City

seven to ten pm

20051014

two nights ago napanaginpan ko na martial law na. tas shempre crackdown sa mga "kalaban" ng estado. naaalala ko takbo ako ng takbo tas umuulan. tas pumunta ako sa isang lugar na andun din ang ibang mga kaibigan. sa pagod humiga ako sa sahig. me kumatok. isang kaibigan. sabe martial law na daw sa labas, madameng sundalo. tas, puor checkpoint. sinisita kahet mga mga nakasulat o nakaipit sa notebook. me pumasok sa kinaroroonan namen. ultimong print sa tshirt sinita. ok na sana kaso nakita ang ga pin ko sa bag ko. rage against the machine chaka yung commemorative pin ng KMU. huli ako, ang ginawa daw saken, itnusok yung pin sa balat ko tas hinila. shempre wakwak ang balat ko tas yun umaga na pala.

20051012

pagyakap sa lupa
gabi ng tula at iba pang jamming sa buwan nilang
nagbubungkal at di-matuyong bukal

oct18 martes

Purplehaze Bar and Café
No. 376 J.P. Rizal St., in front of Guzman Chapel, Bayan,
Marikina City

seven to ten pm

20051010

everdearest roma tarranza is very sick.

*buntong hininga

mehn pagaling ka po ah? para makapanood tayu ng cinemanila2005.

20051007

could somebody tell me whats happening. kindly?

maigi pa ang mga kabiyak ng mga mangingisda. konkreto ang kanilang pangamba. bagamat di actual na nakikita ang ordeal ng asawang nasa laot, may idea naman sila kung gaano ka-miserable ang estado ng mga ito. makikita nila ito sa lakas ng alon sa ihip ng hangin, at sa pamumuo ng mga ulap.
sa akin- walang hangin, walang alon, walang ulap.
ako yata ang miserable.

20051006

There is nothing for me but to love you

Pitong bagay na kinatatakutan ko:
-kidlat
-ako sa loob ng kahon o sako
-malakas na alon
-ako sa gitna ng dagat
-darkness (well me isang mukha ito na kinakatakutan ko)
-bangungutin
-romaless world

Pitong bagay na gustong-gusto ko:
-katabi si roma
-kayakap si roma
-kasabay kumain si roma
-kasabay matulog si roma uhm
-abutan ng pagpapalit ng araw kasama si roma
-iniisip ako ni roma
-resignation ni gloria

Pitong mahahalagang bagay sa kuwarto ko:
[una sa lahat ang kwarto ko ay bahay namen, yung malapit sa kama ko na lang]
-mga bag na me lamang epektos
-drawing board
-bote na alak
-mga libro
-bark ng punong narra na inuka ko sa pcu
-wallpaper na ako ang gumawa
-unan na bigay ni roma

Pitong iba't ibang bagay tungkol sa akin:
-di ako 2 time palanca awardee
-di ako up writers fellow
-di ako nanalo noong gawad ka amado 2004
-di pa ako sumasali sa maningning miclat poetry contest
-wala pa akong solo exhibit sa megamall
-wala akong kotseng kulay violet
-boyfriend ako ni roma uhm

Pitong bagay na gusto kong magawa bago ako mamatay:
[actulli me listahan na ako nito, 50 things to do b4 i die]
-makapunta ng staples center sa LA
-makita ang puntod ni bob marley
-maging doctor to the baryo
-videoke
-makakwentuhan ang papa ni roma
-matikman ang luto ng mama ni roma
-maikasal ke roma

Pitong bagay na kaya kong gawin:
-mag-ayos ng appliances [minor lang]
-magpaint
-sculpture
-magsulat
-matulog ng 2am at magising ng 6:30am
-lakadin mula craig hanggang padre faura
-mahalin si roma uhm [winks]

Pitong bagay na hindi ko kayang gawin:
-maglaba
-magplansta na walang pupuna na lukot pa ren ang plinantsa ko
-matulog nang nakaupo
-kumain ng balot, atay, at kamatis
-lumangoy
-mag-otso-otso
-magalit ke roma [pramis]

Pitong katangian ng mga babae na makakaakit sa akin:
[di mo pa ba nakikita si roma?]
-matalino
-matangkad
-bibo
-joker
-madaldal
-laging naka-pink
-maganda magdala ng sapatos/footwear

Pitong bagay na lagi kong sinasabi:
-shempre
-basta
-ewan
-niwey
-as in
-yun
-toinks

Pitong sikat na tao na hinahangaan ko:
-bob marley
-john lennon
-ely buendia
-kara david
-bjork
-eman lacaba
-joma sison

kitamo tong mga MPDng to- mga manyak

sa isa pang pagkakataon tinangkang i-defy ng mamayan ang PCR ni Gloria Arroyo. mula sa unibersidad ng santo tomas nagmartsa ang mamamayan papunta sa mendiola. hinati sa dalawa ang bulto. nauna ang mga kabataan. hinarang sila sa kanto ng morayta. ang ikalawa, kung saan kabilang ang presidente ng IBP, ay naiwan sa ust. sa di kalayuan ang mga kasama na galing sa ncr ay nakaporma sa kabilang lane.
mainit ang kantyawan sa bulto ng YS. pasa-pasahan na ng basang bimpo. me balita kaseng ti-teargas-in ang bulto.
upang lansihin ang mga pulis, bumiyak ang mga taga ncr. lumusot sa lepanto at lumabas sa r-papa. sumama kame ni psy dito. nung asa morayta na. dahel nainip na kame sa kawalan ng "aksyon" bumalik kame sa espana. kung saan nakaabante na ang mga galing ng ust. at mainit na dito. as in mainit.
pero mas mainit pala sa inalisan namen. dinisperse sila at tatlo ang nahuli. kabilang dito si fudge, na pinaghihipuan ng mga pulis sa loob ng mobile car [mga manyak!]
di pa naa-account kung saan silang presintong dinala.
sa espana me pagkakataon na nagkakiskisan na. nakakuha pa nga ng isang shield ang mga kasama galing sa mga pulis.
dahel sa paggigiit, nakarating sa morayta ang bulto.
nakalimutan ko, lalagnatin din ata ako. [pagaling ka mehn *kiss]

20051004

UNAN

pag di ako makatulog.
pag di patulugin ni gma sa pagiisip
kung pano siya patatalsikin
sa malakanang.

wala ako ibang dapat gawin
kundi humilig
at magsumbong
sa regalo mong unan.

at magiging maayos na ang lahat
hanggang sa muling pagmulat.

There's something quieter than sleep
-emily dickinson

20051002

yesterday marked our 15th moon together. asteg no? shempre naman.
good time to look back.

uhm pasintabi sa mga kumakain.

just came to my mind na andame pala nameng soundtrack. naisep ko lang matapos kong panoodin kagabe yung my bestfriends wedding. kase sa pelikula, yung mag-fiancee ay walang themesong taliwas dun sa magbestfriend na meron. at wag ka. the way you look tonight.

sige lets make a list. ihanda ang inyong mga ballpen. mabiles lang to.

uhm..
crazy for you- unang kanta na narinig namen together, pucha mayrics pa tu ah.
bukas na lang kita mamahalin, ahek.
grow old wid you- i wanna make you smile lalala
landslide
no umbrella- the lyrics has nothing to do wid it ah.
oohh baby i love your way- first dance?
come and get me- get me get me get me
the way you look tonight

uhm
teka ansaket ng daliri ko, me sugat
tama na.
dudugtungan ko na lang next time.

20051001


I Believe
-blessed union of souls

Walk blindly to the light and reach out for his hand Don't ask any questions and don't try to understand Open up your mind and then open up your heart And you will see that you and me aren't very far apart 'Cause I believe that love is the answer i believe that love will find the way Violence is spread worldwide and there are families on the street And we sell drugs to children now oh why can't we just see that all we do is eliminate our future with the things we do today Money is our incentive now so that makes it okayBut I believe that love is the answerI believe that love will find the wayI believe that love is the answer I believe that love will find the way I've been seeing Lisa now for a little over a year She said she's never been so happy but Lisa lives in fear That one day daddy's gonna find out she's in love With a nigger from the streets Oh how he would lose it then but she's still here with me 'Cause she believes that love will see it through And one day he'll understand And he'll see me as a person not just a black man 'Cause I believe that love is the answer I believe that love will find the way I believe I believe I believe I believe that love is the answer I believe that love will find the way Love will find the way Love will find the way Love will find the way Please love find the way Please love find the way.


__________

nei, believe.