<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050131


with hyacynta, san ka pa? ahem ahem

[r]

[r]

[r]

20050127

sori everybody

di ko malaman kung baket
ang pinapatugtog dito ay ang "natutulog ba ang diyos" ni gary v.

ewan nabusog lang siguro ako sa
burger mcdo at large fries.

20050126

25 years na pala ang tambe


Alay
A night of solidarity featuring Tambisan

With special participation of The Chongkeys, Bobby
Balingit of Wuds, Jess Santiago, Prof. Joi Barrios,
poets from Kilometer64 and other artists

With a filmshowing of "Sa Ngalan ng Tubo"
(a documentary on the Hacienda Luisita Massacre)

8:00-11:00pm, 30 January 2005
Purple Haze Bar and Café
#376 J.P. Rizal St., infront Guzman Chapel, Bayan,
Marikina City


Tickets at P75(w/ 1 drink, consumable)

Daloy

Part I Main Program

8:00pm intro, emcee
poetry reading, KM64
short intro about the documentary(junpunk/pol)
8:30 film showing Sa Ngalan ng Tubo
9:10 Jess Santiago
9:25 poetry reading Prof. Joi Barrios, KM64
9:35 Chikoy Pura
9:50 Tambisan 1st set,
10:20 Bobby Balingit
10:35 TheChongkeys
10:50 Tambisan 2nd set,

11:30 closing for 1st part, short intro for 2nd part (emcee)

Part II Solidarity Jamming and Open Mic

*note: hindi pa sigurado kung makararating si Chikoy
Pura ng The Jerks, wala na si Pete Velasquez dahil di
sya pwede, idadagdag pa si Koyang Jess sa poster(dahil
kanina lang sya nagconfirm)

THIS EVENT IS ALSO PART OF THIS YEAR'S 25TH
ANNIVERSARY CELEBRATION OF TAMBISAN SA SINING.
25 TAON NG MAPAGPALAYANG SINING MULA AT PARA SA MASANG
ANAKPAWIS!


20050125

.

KARMA POLICE
wag ka sanang dalawin ng iyong idlip
sa mga gabi ng aking lamay.
paulit ulit sana ang prusisyon ng mga alaala
kung paano mo ako pinatay.
at sa ganyang kalagayan
habangbuhay ka sanang mabuhay.

.

ISPID
wala ang kaliwang mata
nang iburol si itay.
nabura ang mukha ni inay.
ngunit hinayaan ng kuya
na bukas ang mga ataul
para sa mga naglalamay.
marahil upang ipaalam sa lahat
ng dadalaw at sisilip sa kanilang bangkay,
marahas ang kanilang kinasapitan
di sila parang natutulog lang.
"lahat ng nasa order of battle na hindi namin masupil ay tinutuluyan naming patayin.."
-lt. dimapinto, 16 IBPA

.

IPIPILI KITA MULA SA MGA
TROSONG
INANOD NG TYPHOON
YOYONG
matulog ka na.
how's chesnut for a coffin?
igagawa kita ng kabaong.
mahogany?
pinakamagandang kabaong sa buong mundo.
narra?
ano nga bang paboritong kulay mo?

20050124

touch my wound

ang hirap talaga ng HTML codes. ansaket sa
ulo
di ko maintindihan minsan pero bat ba ang sarap pag-aralan
lalo na pag nakikita mo yung kinalabasan.

wala lang. nagugutom lang siguro ako
or epekto ng pagkabubog ko nung isang araw.
opo nabubug ako on my home.
at andameng dugo ang nawala saken.
napasakay ako ng jeep ng di oras kase andulas na ng sandals ko sa
dugo umaagos sa paa ko.
tas binuhusan pa ng alkohol ng napakabait kong
kapatid.

toink.


teka may nahahalata ako,
kame na lang ata ang tao dito sa co,puter shop.

20050123

RETURNIN TO WORK NYO MUKHA NYO

nairaos din ang araw ng kabyawan. isang karangalan ang maging panauhin ang isang
taga ashenda. karangalan ang basahin ang mga tulang
HL sa harap nya.
sana lang mas maraming nakapunta.
niwey, mabibili na ang kabyawan sa halagang bente.
sa mga nais bumili at tumulong sa pagbebenta,
gaya ng dati ipaabot lang samen.
update lang, gang sa ngayun di pa rin naiseserve ang
return to work order ng DoLE.
at sa tinatakbo ng mga pangyayari,
BASTA WALA LANG BARILAN.
LAKAS SA LAKAS LANG-
DI SILA UUBRA.

startuck sez thank you to...


sa wakas, matapos ang ilang buwang
pinagdadasal ng buong pilipinas na matanggal
ang pasaway na ito, naout
den sha last friday.

20050120

ARAW ng KABYAWAN

natapos kagabe ng hatinggabi ang "palugit"[darn?] ng DOLE sa mga manggagawa ng hashenda luisita na itigil ang strike at magsibalik sa trabaho. ito ay sa kabila ng wala namang matinong pwedeng panghawakan ang mga welgista.
sa mga oras na ito nagtitipon tipon na ang mga welgista sa gate 1.
in as much na gustuhin man nating makapag bigay ng pisikal na suporta, dahil sa distansya ay magkakaroon ng balakid. ngunit wala man tayu duon ipapaabot naten ang ating mainit na pakikipag-isa sa mga welgista.
idadaos natin mamayang gabi ang araw ng kabyawan.
gabi na iaalay natin sa mga welgista, sa mga martir ng piketline, sa mga patuloy na nagmimintini ng piketline ang mga tula at awit natin.
muli, sa mga welgista ng hashenda luisita ITULOY ANG LABAN ITULOY ANG WELGA!




20050119


hanggang sa huli
matapos ang ilang tulirong gabi;
na natorta ang utak
sa kaiisip kung anong nagyari
nakabalik na rin ako sa dati.
kala ko katapusan ko na.
nang maalala ko
na isa nga pala akong hokage!
hokageng di aatras.
lalaban kahit alam na
walang pag-asa.
na kung kailangang idilig ang masaganang dugo.
ididilig.
hindi mangingimi, hindi magdadalawang isip.
kaya't ang labang ito ay ini-aalay ko sa iyo.
gusto sana kitang makasama
habambuhay, ngunit
maaaring di ako palarin.
kung kaya
hayaan mong iwan ko ang aking
manipesto
na nag lahat ng ito
ay para sa iyo.


KABYWAN DUE TOMMOROW 6-10PM FUDGE ESPANA

20050118

dont cry out loud

invited ang lahat sa gaganaping public launching ng KABYAWAN
ito po ang ikaanim na handog ng km64 at alay din sa mga manggagawa
at manggagawang bukid ng hashenda luisita.

magkakaroon ng poetry reading
at film showing ng video docu ng tudla prod.
SA NGALAN NG TUBO

GAGANAPIN PO ITO SA JANUARY 20 HUWEBES
alas sais gang alas diyes ng gabi

FUDGE CAFE 1204 espana [tapat ng autobus,tabi ng mga phonebooths
ng bayantell, at katabi ng ukay ukay sa g tolentino sa espana]

libre ang palabas

eksaktong 7pm ang film showing kaya agahan po naten kung gusto
nating mapanood.

sa mga nag ambag. sana pede kayu magbasa. diba?pde?

libre po ang gabi. at mura lang ang kape dito. di tulad sa..

20050115

sun bath

kahapon ang ika tatlong taon ng welga ng Nestle phils. sa tagal ng kanilang pakikibaka marami na sa kanila ang namatay nang di man lang nabigayn kahet na konting abuloy ng management.
gaya ng hacienda luisita, biktima rin ang nestle union ng AJ ang taran..at put... na asumption of jurisdiction na nagpapatigil sa welga.

kasabay din ng anibersaryo ng piket, pipilitin ng mga manggagawa na maitayo muli ang piket line sa harap ng pabrika.

GUSTO KO SANAG I-REPOST YUNG MAGNESTLE ALUMSAL
kaso di ko makita..

toink.

_______
pinakamainit na araw ko na yata kahapon. mula alas dos ng tanghali gang alas kwatro nakababad ako sa init ng araw. kaya pagdateng sa bahay kahet nakaupo lang ako all the time
para akong ginahasa sa saket ng saket katawan.

_______
sa mob,
may dalawang batang nag-iikot ng isang poster. isa sa mga martir ng HL. isang bente anyos na binatilyo. may galit sa mga mata ng mga bata habang ikinukwento kung paano pinaslang ang binatilyo. isinampay daw ang binatilyo sa cyclone wires [sabay turo sa mga cyclone wires sa mendio] pagkatapos ay inasinta ng baril. ilang tama ng bala sa ibabang bahagi ng katawan ang kumitil sa buhay ng bente anyos na kaswal na manggagawa ng HL.

POSTERIZED

inosente ang litrato.
walang bakas ng karahasan
isang masayang mukhang
nangarap na magkaroon ng pagkakakitaan.
pambili ng gel.
pambili ng silver na bling bling.
pambili ng bagong sapatos.
pambili ng panregalo sa crush.

tulad nyo rin siya.
mega project sa litrato.
todo ngiti bago ang flash.
pero di nyo na siya makikilala.

iba na ang itsura nya sa pikture.

kay jahyvie basillo at sa batang nagkwento tungkol sa kanya

20050114

tuloy ang laban tuloy ang welga

yahoo search
kay jhayvie basillo,20

anong kaluguran mayroon
kapag tinatamaan mo ang inaasinta mong
bente anyos na katawang
nakasampay sa cyclone wires?

di ko na siya nakilala.
iba ang itsura niya sa picture.

The page cannot be displayed.

The page you are looking for is currently unavailable.
The Web site might be experiencing technical difficulties,
or you may need to adjust your browser settings.

Check your spelling.-
Try more general words.-
Try different words that mean the same thing.





20050112

roma










obyus ba na wala akong maisip?

20050107

wala ka na namang imik

"andame palang anak nyang si fpj no?"
"nung libing daw andun yung isan nyang anak, babae daw"
"lumapit daw sa kabaong nung malapit nang isara"
"dalaga na daw eh"
"huy! bat wala kang imik dyan?"

"ha?"

"kita mo to..."

"sori"

"eniweys"
"13 pa pala namatay yang si fpj"

"ow?"

"oo, pinilit lang shang i-revive kase ayaw nilang 13 mamatay si fpj. alam mo na, malas daw kase pag 13 di ba? tignan mo si erap."

"uhm."

"kita naman sa mga litrato di ba? maitim na sha eh. at eto pa, nung namatay na daw o malapit na daw mamatay si fpj, kinuha daw yung mga celfone nung mga staff ng neuro-ICU.
kase para daw walang mag-leak na info na 13 pa, patay na si fpj. tas nung patay na nga si fpj, dali dali daw shang inilabas ng st lukes, sa likod ata dinaan? tas, tumawag daw arlington, inabisuhan na dadalhin dun si fpj"

"ow?"

"yun, ang kawawa yung isang anak. yung galing ng amerika. di na inabutan. kase nasa airport pa lang. namatay na si fpj. tsk tsk tsk"

"teka, kanina ka pa ah? salita ako dito ng salita o ka lang ng o. ano ba ang iniisip mo?"

"wala. iniisip ko lang kung totoong may diyos."

"ha?!"

"kase tatay nga wala ako diyos pa kaya."



.

coming soon:KABYAWAN

20050103

sunday grabe sunday

JUDGE

wag mong itanong sa akin
kung ano ang aking sasabihin
sakaling di matuloy ang concert ng slipknot
sa pilipinas.

o kung may opinyon ako
sa bagong album ng typecast.

wala pa akong benta
kaya wag mong asahang meron akong gagawin
sakaling libre ang entrance
at isang beer sa mayrics
sunday grabe sunday.

ang tanging nasa isip ko
ay kung gaano kalamig mamayang gabi.
naiwan ko ang aking jacket.

-------
kay manang, para mamaya at sa susunod na mga gabi

ganito ang itsura ng mga nurse sa st lukes

violet

20050101

ako ang hari ng sablay

boring saken yung nu years eve chuva. until the last minutes [seconds?] ng 2004.
ako,si geh lang ang nakaalam, sobrang mahileg maglaro ng apoy,kaya sa mga huling sandali ng taon gustu kong gawen yun.

astig naman, muntik ko lang naman sunugin yung buong kwarto at buong bahay namen.
diko nga namalayan inapak apakan ko yung apoy ng nakapaa.

yun niwey

hapi nu year pa ren sa ating lahat,sana gloria free na ang pinas sa 2005.

chaka batiin naten ang pagbabalik ng kurimaw.

chaka batiin nyo den ako at si roma
wala lang.

for that, sabay sabay nateng awitin ang hari ng sablay.

ready? sing.