<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20040929

GSIS bruahahaha

napanuud ko sa tv yung mob ng COURAGE at mga myembro ng GSIS. as usal dinisperse sila to the max. si winston garcia? asa loob ng opis.prente. shempre. sa cebu nanalo ng malaki si gloria.
cebu is vitually sa mga garcia. ansarap ngumiti tas titingin ka sa malacanan-EY YOU ME ONE.

20040928

paglubog

kung buhay si edgar jopson
pagalitan kaya nya ako
kun makita nyang
itinira ko ang buntot at ulo
ng isdang hain ng masa?

masang halos wala nang makain
pero nagbukas ng tahanan
at hapagkainan
upang ako'y pakainin?

oo naman,
di nila ako pipiliting
iyo'y aking ubusin,
na kahit tinik dapat kong simutin.

tama lang siguro at marapat na aking kilalanin
ang pag-ibig, pasasalamat at pagtanggap
ng pinaglilingkurang masa
na nasa hapag ngayon.

magalit man o hindi si edgar jopson.


----
sinasabing madalas pagalitan/pagsabihan ni edjop ang kanyang mga collective
sa tuwing makikita nya ang mga ito na nagtitira ng mga parteng maari pang
kainin.
namatay si edjop sampung taon matapos ideklera ang batas militar.

every now and then/i find myself/wonderin bout you..blah blah

nilagnat ako for uh uh days.. and uh uh nights..dahel dun di aku naka-punta sa street exhibit na mas lalo kong pinaghinayangan ng makita ko ang mga litrato..di bale pramis sa susunod ..nakahilera na ako dun.
------
para akong lasing for the days..kala ko mako-coma ako..
-----
nakaka-coma sight: trillanes and co. humihingi ng sorry kay madame gloria. uh uh.
-----
bawal daw ang longhair sa FEU..sa PCU den po.
-----
nilagnat den si gf..nahihilo..tas nagsusuka...uhm. boy or gurl?
-----
andame nagtatanong kung pede pa magpasa sa sept ishu..di ku den alam eh..kabubukas ko lang ng mail ko..
-----
powerpoint kame ngayon sa infotech 1..uh.
-----
CBAA DAY daw ngayun...so?CASSW po ako.
-----
sa wakas na update ko den ang blog na itu..

20040924

street exhibit

"LANSANGANG KINUMUTAN NG DILIM"
sa sabado sept25 2004

sa

remedios circle 7 - 730
raja sulayman 8 - 830
bay walk 9 - 930

20040923

one male one female

gusto ku sanang i-blog yung pag kapanalo ng dolphins ng kanilang unang titulo since...uh uh..
pero pag pasok ku sa skul[actully walang pasok party daw] yun na lang ang pinag-uusapan as if wala yung kinukwentuhan nila sa game or di napanood..blow by blow account..er. kaya..wag na lang..mas marame pa palang dapat na i-blog..gaya ng paghingi ng mga empleyado ng gobyerno ng 3000 across the borad na umento sa sahod at kung paanu sila hinarang ng mga pulis kanina nung papunta sila sa mendio..na para bang kukubkubin nila ang palasyo..sick.ayun..bukas wala daw pasok.party daw kase champion ang PCU..uhm para saken nothing special except kasama kong nanuud si gf.

20040919

vernon go

Artistic
You are naturally born with a gift, whether it be
poetry, writing or song. You love beauty and
creativity, and usually are highly intelligent.
Others view you as mysterious and dreamy, yet
also bold since you hold firm in your beliefs.

What Type of Soul Do You Have ?
brought to you by

20040917

one zero.

isa sa pinaka mainit-pinaka maingay na araw.
ayus lang panalo naman.
astig. ang galing ni castro.
yeba cassava!
one zero.

20040914

remember september

ilalabas na po ang ika-limang antolohiya ng km64. tulad ng dati wala namang striktong tema ang mga dapat na iambag. free fall. ang titulo ay bukas ko pa malalaman kase..nalimutan ko. ayun bukas may mapgpupulong para pag-usapan ang maraming usapin. sana ay makadalo ang mga dating, "di ako pede ngayun eh", at ang mga, "me lakad ako eh", at "nakakahiya naman,wala namang akong kilala dun eh". tara. mas mapapaganda naten ang chapbuk kung magbabahagi tayu ng mga ideya naten. baka luma na yung mga nasa isip namen kaya kelangan namen ng mga suhestyong malupet. ayun, bukas po yun, alas sais ng gabi, sa fudge espana, [kung di nyu alam papunta dun,sakay kayo ng papuntang espana. tas kung alam nyu yung mayrics lapet na yun dun. hanapen nyu yung terminal ng autobus, yun na yun sa tapat nun.]
ayun sana makadalo tayu.

20040912

bigsky

suntok sa buwan
-by session road

Hindi mo ba alam
Damdamin ko’y pinagtakpan
Makasama ka’y suntok sa buwan

‘Di mo nga alam
Mundo mo nga’y iyong tignan
Kung ganyan, walang pupuntahan

Hindi ko ‘to gusto
Pero wag kang lalayo

Itanong mo sa akin
At tatanungin ko rin
Kung ika’y aamin
Lahat ay gagawin

‘Di mo napapansin
Kailangan mo akong dinggin
‘Di habang buhay ika’y aantayin
Ito’y aking hiling
At sana naman ay tanggapin
Ng puso ko’y ‘di nabibitin

20040910

drown the knights

10am-100pm- popular bookstore.
249-usg opis
300-bili ng buko pandan
400-uwe
436- meryenda
500-bihes para sa cultural nite sa SMC
530- lakad. shorcut sa riles ang labas. paltoc. malapet na yun dun.

me laban daw ang pcu..twice to beat advanrtage over letran.
suspended daw si enrile.
patay na.
sa championship na lang aku manunuud.

20040909

plug

new world disorder9-11 ½

WORLD SIMULTANEOUS ACTION

8pm SaturdaySeptember 11, 2004

Big Sky Mind#70, 18th, Murphy, Cubao, Quezon City

Kleng de Loyola, Yko Umadhay,Musicians for Peace, Tarik,Argie Bandoy,Sonia Mendiola,Dolf Cruz, Archie Lacorte,Lee Benjamin, Lakshmi Ramirez,Jevijoe Vitug, Edwin Quinsayas,Lowie Garcia, Roselle Pineda,Norli Lalo, Dutchboys,Stefan Rossow, and Butong Pakwan

coordination Iggy Rodriguez

curation Mideo M Cruz•

new world disorder•

UGAT Lahi Artists Colective•

Big Sky Mind Artists’ Projects Foundation

20040907

an tahimek

IT'S OH SO QUIET
bjork

It's oh so quiet : it's oh so still
you're all alone : and so peaceful until

You fall in love (zing! boom!)
the sky up above (zing! boom!)
is caving in (wow! bam!)
you've never been so nuts about a guy
you wanna laugh you wanna cry
you cross your heart and hope to die

'Til it's over and then
it's nice and quiet
but soon again
starts another big riot

You blow a fuse (zing! boom!)
the devil cuts loose (zing! boom!)
so what's the use (wow! bam!)
of falling in love

It's oh so quiet : it's oh so still
you're all alone : and so peaceful until

You ring the bell (bim! bam!)
you shout and you yell (hi ho ho!)
you broke the spell
gee, this is swell you almost have a fit
this guy is gorge and I got hit
there's no mistake : THIS IS IT

'Til it's over and then : it's nice and quiet
but soon again : starts another big riot

You blow a fuse (zing! boom!)
the devil cuts loose (zing! boom!)
so what's the use (wow! bam!)
of falling in love

The sky caves in! the devil cuts loose!
you blow blow blow blow blow your fuse!
when you fall in love

Ssshhhhhh...

kay ella..

ella

wala na si sinderella.
patay na si sinderella.
namatay syang nakadilat ang mga mata,
nakatiklop ang kamaong
naghuhumiyaw ng
paglaban.

ang mga pasa-pasang
detalyeng
tinanggap ko tungkol
sa huling beses na nakita syang
humihimga;
bago daw mapugto ang kanyang
buhay niyang tulad
ng kanyang mga tula,
ang huling salitang binigkas niya ay
paglaya.

ibinurol, inilibing si
sinderella,
bulong-bulungan pa rin kung
bakit siya pinaslang.
salimbayan ang panghihinayang.
maraming bersyon kung paano
siya napaslang.

isa lang aang aming naiintindihan;
labing walong taon,
isang tanghalian,
isang buhay na inihandog
sa samabayanan,
minatamis ni sinderella
ang kanyang kamatayan.
------------
*si ella ay isang aktibistang anak ng
isang unibersidad sa may
rekto.
madalas ko syang makasama
sa mga campaign mit, mga mob sa emba,
mga op/od, at kampanya ng bm.
isang makata, at magaling pumorma.
mahilig mag-make-up.
di raw marunong mag-saing
pero nag-aral.
tumigil sa pag-aaral para
turuan ang mga katutubo sa may rizal.
18 years old.
napasalang. pinaslang.

walang hanggang paalam

kolektib

gaya ng madalas mangyari
tuwing nag-iisa,
kung kailan nagpapahinga at dapat
relax,
sumakit ang aking ngipin.
ipapabunot ko na kasi ito dati,
pero ewan kung bakit di natuloy.

masakit sobra.
pero kung tutuusin, ang sakit , ang
kirot ay hanggang sa gilagid lang, dun lang sa
parteng namamaga.

dun lang.

hanggang dun lang, ni hindi ito umabot
sa aking utak. [nang-aasar ang aking isip..]
mas masakit pala siya.

masakit mag-isip ng mga gagawin,
pero ni maliit na daliri mo ay di mo
kayang utusan para gumalaw.
para bang, wala lang-
hanggang dyan ka na lang.

masakit nga, lalo na kung kailangan
ninyong maghiwa-hiwalay ng di niyo naman talaga gusto.
yun bang
gusto mo siyang pigilan pero
ikaw naman ang paalam ng paalam
o ikaw naman ang ayaw magpaiwan.

parang torture. lalo na kung iisipin mong paano
ka magpapa-alam sa mga bagay na nasanay
ka nang nandyan,
sa mga bagay na sama -sama ninyong ginagawa
na para bang isang daily routine-
na pag nalimutan mon gawin ay para kang
di nag toothbrush.

mahirap magpaalam.
mahirap iwan ang mga kasamang kasalo mo
sa lahat ng hirap, kasama mong natulog sa bangketa,
kumain ng bagay na di mo naman dati kinakain,
kasama mong umiyak, kasama mong napalo sa embassy,
kasama mong tumawa ng malakas.
kasama mong nagpaka-jologs, kasama mo
sa pagbaybay sa mga kalsadang di niyo
naman talaga kabisado.

"di ba tayo'y narito upang maging malaya/
at upang palayain ang iba.
ako'y walang hinihiling/ at ika'y tila
ganun din/ sadya'y bigyang laya ang isa't isa..."


at ano nga ba ang feeling ng di nag toothbrush?

siyempre, di ka mapakali, di ka makangiti.
lalo na at malaking pagbabago ang maaaring
maganap sa mga susunod na mga araw,
mga pagbabagong mangyayari
dahil dapat..

"kahit na magkahiwalay/ tayo'y magkasama/
sa magkabilang dulo ng mundo..
sa magkabilang dulo ng mundo."


___________________________________________
salamat sa musika, joey ayala.

20040905


hinde.

hinde.

hinde.

lumang awit

from the indie movie astigmatism..

Ikaw ang mahal ko

Ikaw ang mahal ko, ikaw ang mahal kong tunay na tunay
Ang laging panaginip ko'y tanging ikaw
Ngunit ang tutuo madalas mong mapag-alinlanganan
Ang puso kong tapat sa pagsintang 'di mo alam

Ang pag-ibig kung lubusan, kay hirap maunawaan
Sa puso ko na may sumpang dalisay
Laging wagas kahit mapagbintangan

Ikaw ang mahal ko, ikaw ang mahal kong tunay na tunay
Sa puso long tapat sa pagsintang 'di mo alam

La la la la la la la (3 x) 'di mo alam

20040904

KABILUGAN NG BUWAN

hindi bilog ang buwan kagabing
sinabi mong bilog ang buwan



hindi bilog ang buwan sa ating ulunan.
gusto lang nating isiping bilog siya
dahil wala na tayong masabi sa isa't isa.
di na rin natin matitigan ang isa't isa.
walang maimungkahi, at walang maitanong
kaya ang buwan na lang ang ating napagdiskitahan.
ang ganda ng buwan. bilog ang buwan.
pero alam natin sa ating kaloob-looban
di talag sya bilog.iyon ang gusto nating sabihin dahil di
nating kayang ibulgar ang nilalaman
ng ating mga kasalukuyan. ang
takot dahil hanggang ngayon di pa nakikita
ang isang dinukot na kaibigan,
ang takot dahil pag-uwi ay pihadong
mapapagalitan, ang takot dahil baka bukas di na
naman huminto ang ulan.
ang ganda ng buwan. bilog.
pero di naman talaga sya bilog.
gustolang nating matulog gagap ang payapang
imahe ng bilog na buwan,
upang muli't muling dayain ang ating mga sarili
na ang buwan,
ang kanyang kabilugan,
ay may kaganapan.



ibinabalita ang di nababalita

mapiit,
masaktan.
talonamin sila.
alam namin ang aming ipinaglalaban.

hanggang sa kasalukuyan
patuloy pa ring nawawala sina
joseph gonzales
mario detroz
rolando comiso

sila ay pawang dinukot ng mga hinihinalang
elemnto ng ISAFP
sa bustillos, sampalok maynila
nuong aug 18.


patuloy ang panawagan
upang sila ay ilabas
at palayain.

20040901

baket ba vito cruz ang binayad ko..eh sa pedro gil aku bababa

KAPAG SINABI KO SA IYO
1994
Words & Music GARY GRANADA

Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y minamahal
Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal
At di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan
O di kaya ay sisirin perlas ng karagatan
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig
Kagaya ng karamihan, karaniwang karanasan
Daladala kahit saan, pang-araw-araw na pasan
Ako'y hindi romantiko, sa iyo'y di ko matitiyak
Na pag ako'y kapiling mo kailanma'y di ka iiyak
Ang magandang hinaharap sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinisinta
Sana'y yakapin mo akong bukas ang iyong mga mata
Ang kayamanan kong dala ay pandama't kamalayan
Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan
Halina't ating pandayin isang malayang daigdig
Upang doon payabungin isang malayang pag-ibig
Kapag sinabi ko sa iyo na ika'y sinusuyo
Sana'y ibigin mo ako, kasama ang aking mundo