<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID\x3d7196435\x26blogName\x3dbukod+sa+araw+ang+pinakamalapet+na+st...\x26publishMode\x3dPUBLISH_MODE_BLOGSPOT\x26navbarType\x3dBLUE\x26layoutType\x3dCLASSIC\x26searchRoot\x3dhttps://shempre.blogspot.com/search\x26blogLocale\x3den_US\x26v\x3d2\x26homepageUrl\x3dhttp://shempre.blogspot.com/\x26vt\x3d3455928705109268309', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

20050420


Mula Disyembre 16,2004 hanggang Enero 15, 2005,
bawat alas dose ng bawat araw
gumagawa ako ng tanong, at sasagutin iyon ni bolix.
anong kakaiba dun?
si bolix ay nasa ortigas
at ako nasa sampalok maynila.
matapos ang isang buwan ng tanungan at sagutan..
--
Ano ang National Appropriations Act?
Pagkabulabog ng lamok sa ibabaw ng kulambo.

Ano ang assumption of jurisdiction?
Amoy ng basang medyas sa alipungadong paa.

Ano ang sin tax para kay Mang Nestor, drayber ng
Blumentritt-Baclaran?
Kalansing ng mga kutsarita sa mga tasa ng kape sa
umaga.

Ano ang Adobe Photoshop?
Pagpapatuyo ng buhok bago matulog.

Ano ang craniotomy?
Pusang balisang-balisa.

Ano ang fiber rich diet?
Palakang naglalayag.

Ano ang destabilisasyon?
Libog na iginarapon.

Ano ang Department of Justice?
Teorya ng pagkakapantay-pantay sa rabaw ng kabayo.

Ano ang eulogy?
Kwentong ayaw maluma.

Ano ang the sum of all fears?
Maong na pantalon, tastas ang laylayan.

Ano ang CALABARZON?
Nagsasalitang bato?

Ano ang GRP panel?
Dalit ng dalita.

Ano ang blogspot?
Niloloob ng kalooban.

Ano ang anting-anting para kay Kulas?
Ulap na hinding-hindi maaabot.

Ano ang panaghoy sa suba?
Si Krystala na walang kaparis ang ligaya sa piling ni
Barney.

Ano ang clitoris?
Ang mga transvestite sa Quezon Avenue.

Ano sa iyo ang pangungulila?
Pulis sa ilalim ng tulay. Miron sa barbershop. Asungot
sa kanto.

Ano ang autoload?
Dagang kinuryente sa bayag.

Ano ang nape?
Kalmot sa kataga.

Ano ang ABS-CBN?
Kudeta sa kubeta.

Ano ang WAP-enabled cellphone?
Ikaanim na bulbol ni Hudas na nalagas.

Ano sa Tagalog ang MY FRIENDS WERE SO JEALOUS THAT I
COULD EAT WHATEVER I WANTED AND STAY SKINNY?
Katuparan ng mga pangako.

Ano kay Markus (the master photographer) ang
pangangarir?
Kilometro 64.

Ayon sa tindero ng Winston Lights sa tapat ng yellow
cab, ano daw ang Office of the President?
Tulang tulala?

Anong kalokohan ang Boracay mix?
Mahiwagang bango ng tamod.

Ano ang ?Touch Myself??
Absolutong-absolutong katotohanan.

Ano ang condiment?
Karnal na kanal.

Ano ang delirious love letter ni Neruda?
Ang nawawalang ngalan ng buhok sa kilikili.

Ano ang soulmate?
Magka-Friendster na aso?t pusa.

Ano ang Hacienda Luisita?
Hindi tao. Hindi hayo. Pero may kulangot.

Ano ang ibig sabihin ng ?buhaghag-free? na buhok?
Ano iyo hindi kita hindi sakit iyo. What you don?t see
can?t hurt you.


0 Comments:

Post a Comment

<< Home