<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050415


Last, last, last night, napanood ko yung Darna, newest fantaserye ng channel7 kapalit ng mulawin. Darna here is angel locsin, yung alwynna ng mulawin.

Minus the darna-skimmpy-nipples-lang-ang-tinakpan-attire-hype thing, me isang eksena akong nagustuhan ditto.

Eto ung conversation ni narda [alter ego ni darna] at ni lola [caridad sanchez].

Ganito yung flow, or something like this,

Lola: tulungan mo yung kinidnap!
Narda: pagod na ako!
Lola: tungkulin mo iyan bilang darna.
Narda: bakit ako? May sarili din akong mga problema.ordinaryong tao lang ako. Bakit ako? Marami din akong problema. Ba?t ako ang pinili nyo? Bakit ako?
Lola: dahil natural sa iyo ang pagtulong sa kapwa. Narda, wag mong talikuran ang tunay mong ikaw.

Nagustuhan ko iyon, kase pinakita dun yung human side ng darna. Very human. Bakit nga ba siya? Marami naman jang iba.

For sure makakarelate ang maraming tibak sa ganitong mga tanong. Lalo na ngayong andameng pinapatay na mga aktibista sa iba?t ibang paning ng pathetic nating bansa.
29 incidents ng pagpatay di pa kasama dun yung mga dinukot, tinrotyur, hinarass. Madalas siguro nilang itanong, bakita ako? Bakita kailangang maghirap ako ng ganito?may problema din naman ako. Mismong pamilya ko walang makain, bakita ibang gutom ang pinoproblema ko. Marami naming pwedeng gumawa nito.

Ito den yung tanong nung nanay ni jules nung sumapi ito sa NPA nung martial law. Bakita ang anak ko? May utang ba kami sa rebolusyon?

Tama siguro, kalikasan ng narda or darna ang gumawa ng para sa ikabubuti ng kapwa nya. Totoong maraming iba na pedeng gumawa nun imbes na sha. Pero di maiaalis na malaking karangalan para sa isang nilalang ang paglingkuran ang kanyang kapwa. Lalo na kung wala itong hinihinging kapalit.

Sa fantaseryeng iyon, matapos marinig ang sinabi ni lola, tumakbo si narda sa isang sulok, at sumigaw ng darna.

Gaya nun dat ganun den ang gawen naten. Karangalan natin ang maglingkod sa sambayanan. Bihira lang ang nabibigyan ng ganoong pagkakataon.

By dwey si angel locsin pala ang sexiest sa FHM. Uhm bolix?

1 Comments:

Anonymous Anonymous said...

gusto ko boobs ni angel. whehehe.

sana naging mundo na lng ito ng mga superheroes, para laging may nagtatanggol sa mga naaapi.

si kat to. pano ko mailalagay pangalan ko? anonynous nagregister eh =(

6:39 AM  

Post a Comment

<< Home