<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://draft.blogger.com/navbar/7196435?origin\x3dhttp://shempre.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe" }); } }); </script>

20050912

At sumubsob ako sa balikat mo at umiyak ng malakas. umiyak ng malakas na malakas. sobrang lakas at di mo na ako nakilala. sabi mo, di ka naman umiiyak ah? di ba? sabi ko, tange imiiyak din ako. ano ako bato? matatawa ka sana pero nakita mong may namumuo na namang luha sa kanang mata ko kaya ngumiti ka na lang at hinaplos mo ang aking batok. napaiyak na ako nang tuluyan. sabi mo tama na tama na- naiiyak ka na din. pero di ako tatahan at humahagulgol na ako ngayon. di mo na rin mapipigil ang sarili mo at iiyak ka na din. paluha-luha hanggang sa humagulgol ka na rin at ang buong kwarto ay mapupuno ng mga iyak. malalakas na iyak.
biglang may kakatok.
bigla tayong maghihiwalay ng yakap. magpupunas ka ng mata. haharap sa salamin at magsusuklay. ako naman ay magtatawag ng pusa sa bintana. magpapatuloy ang mga katok at bubuksan mo ang pinto. ang 5year old na anak ng kapitbahay ang makikita mong nakatayo. itatanong nya kung sino daw ang namatay. ngingiti ka kakargahin mo siya. isasara ang pinto. uupo at kakandungin mo siya. sasabihin ko sayo, kwentuhan mo siya tungkol sa kinuwento ko sayo dati tungkol sa dragon na nag-alay ng buhay para sa kaibigan niyang tao. kinilala ng mga diyos ang ginawang ito ng dragon kaya upang lagi siyang makita ng mga taong natulungan niya, ginawa siyang star. grupo ng mga stars.
kilala na siya ngayon bilang constellation draco.
sisilip ang bata sa bintana at titingin sa malawak na langit na animo'y binibilang ang mga stars. sasabihin ko sa kanya na, tulad ng dragon, ang lahat ng namamatay ay nagiging star. likas kasing malilimutin ang mga tao kaya naisip ng mga diyos na laging ipakita ang mga pumanaw kahit tuwing gabi lang sa pamamagitan ng mga star. sa gayon pwede nang kausapin ang mga pumanaw sa pamamagitan ng mga ito.
akala natin di nakikinig ang bata dahil tutok ang atensyon nya sa mga stars pero bigla siyang magsasalita,
asan kaya diyan ang tatay ko?
sasagot ako na tila kilala ang mga stars. sasabihin ko na hanapin nya ang pinakamaliwanag na star na kikislap. ililibot ng bata ang tingin at sesentro sa bandang kaliwa ng buwan. animo'y nakita ang amang kakadating lang galing sa opisina, naghuhubad ng polo, nagpapalit ng sapatos sisigaw ito ng- tatay!
titingin ako sa iyo. umiiyak ka pa rin. oo nga pala wala ka na nga rin palang tatay. tulad ko wala na rin akong tatay. lahat pala tayo dito walang tatay.
kaya kinuha ko ang kamay mo at hinila palapit sa bintana. sabay tayong tumingala at naghanap ng para sa atin ay pinakamaliwanag na star.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home