pihado, uulan ng t'was a peaceful day, pinatupad lang namin ang maximum tolerance, hindi nyo ako kayang patalsikin mula sa pnp at ke gma. hindi nakaabot ang martsa na nagmula sa sto domingo sa liwasang bonifacio kung saan magkakaroon sana ng programa. hindi raw natatakot ang pangulo dahel nasa likod daw nya ang taumabayan. pero mahigit anim na raang pulis ang humarang sa mga raliyista na armado lang ng malalakas na chanting ng pekeng pangulo, patalsikin sa pwesto at ng ring tone na hello garci sa saliw ng eye of the tiger. sa liwasan, tambak ang pulis, pinapaalis ang mga taong nakatambay/namamasyal. sabi nga ng isang napaalis- wala na ba kaming karapatang mamasyal? hindi pa takot ang pangulo nyan. sa malacanan, ilang six by six ang labas pasok. parang me gera.
sa likod ng mga pulis sa welcome rotonda, naroon ang mga pro gma. sabe ng isang pulis wala daw permit sila kaya paaalisin mayamaya. wag na tayong magtaka.
pinaka nakakatawa, inihalintulad ni gma ang kanyang sarili ke ninoy aquino.
toinks.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home